CHAPTER 2 - Strawberry Icecream

1 1 0
                                    

SUMMER'S POV

"Winter! Winter! Sabay na tayo maglunch!"

"Ayoko. Lumayo ka nga."

"Aish! Susumbong kita kay Tita!"

"Ewan ko sayo! Halika na nga!"

Halos ganyan lagi ang eksena namim ni Winter. Tatanggi pero papayag din naman sa huli. Takot nalang nya kila Tita Agatha and Tito Robert.

Ayaw kasi ng parents namin na inaaway nya ko. Dapat daw maging gentlemen sya sakin. Besides, I'm his fiance.

"Winter, icecream tayo pagkatapos kumain ah?"

"Ikaw nalang mag isa!"

"Winter naman? Please?"

Then I pout then I crossed arms.

"Oo na, oo na!"

Galawang Summer na papayag agad si Winter. Hahaha!

"Yehey! Thank you Winter!"

Tumalon talon ako then I hugged him and I know na naiirita siya.

After namin maglunch, dumiretso kami sa Icecream Parlor sa loob ng campus.

"Winter! Strawberry flavor tayo?"

"Chocolate flavor gusto ko."

"Eeeehh!!! Winter? Strawberry nalang din sayo! Masarap kaya yun!"

"Ayoko! Bahala ka jan! Iiwan kita o di ka na mangungulit?"

"Hmmmmm..."

Teary eyes nanaman ako. Anytime iiyak na ko. Naging iyakin lang naman ako dahil kay Winter eh. Pag alam kong ayaw na nya at inis na sya sakin, iiyak na ko para maawa sya. Yes, AWA. Yan lang ang tanging nararamdaman sakin ni Winter. Minsan, concern pero minsan lang talaga. Kadalasan kasi, IRRITATION. Hahahaha!

"Iiyak ka nanaman? Mamaya sabihin ng mga tao, pinapaiyak kita eh!"

"Waaaahhh!!!"

At umiyak na nga ako ng medyo malakas. Yung iyak ng bata.

"Summer, ano ba?! Tumigil ka nga! Isa! Summer, stop crying!"

"Ikaw kasi *sobs* Winter eh!"

"Ako nanaman? Pati ba naman kasi flavor ng icecream ko, pinakekealaman mo?!"

Kitang kita ang pagkainis sa mukha ni Winter pero... mas lalo siyang gumagwapo. Yay!

Hindi ko siya pinansin at umiyak lang ako nang umalis sya.

Umupo lang ako sa isang bench sa campus. Kainis naman si Winter! Nagwalk-out nanaman!

Sinisipa-sipa ko yung mga buhangin sa paa ko.

"Grrrr!!! Kaninis, kainis, kainis!"

"Oh, eto na..."

Pagtaas ko ng ulo ko, nasilayan ko agad ang cone of strawberry ice cream at hawak ito ni Winter. He's smiling at me shyly. OMG! Is this real?!

Kumurap kurap ako ng mata para masigurado yung nakikita ko. Totoo nga!!!

"Ano? Kukunin mo ba o hindi? Malulusaw na oh.."

"Ah.. eh.. thank you Winter. I love you!"

"Strawberry na din yun pinili ko. Umiyak ka pa eh, kawawa ka naman. Haha!"

Grrrrr!!! Wala manlang I LOVE YOU TOO?! Sabagay, end of the world na pag nangyari yun.

"Good to know. Ang nice mo na sana eh, kaso inaasar mo parin ako.."

Sabay pout. Tapos tumingin ako sa kanya, at nakatitig pala sa siya sakin.

*dugdug...dugdug...dugdug...*

Eto nanaman si heartbeat pag nagkaka eye-to-eye kami ni Winter. Natutulala ako na parang nawawala sa sarili.

"Summer, okay ka lang? Pasok na nga tayo! Malelate nanaman ako dahil sayo!"

Nagising nalang ako sa katotohanan ng sigawan ako ni Winter. Aish!

WAITING OUTSIDE THE LINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon