Chapter 3 - First Heartbreak

1 1 0
                                    

After ng class namin ni Winter, may umaaligid agad sa kanya na mga girls sa labas ng room.

Those bitches. I wanna kill them right now! Winter's mine and I don't like sharing!

Yeah, play boy yang si Winter. Lagi nalang may ka-fling. Wala pang sineseryoso kahit isa.

Dapat lang! Para sakin lang siya eh. Kaya nga hinahayaan ko nalang siyang makipagflirt kahit kanino eh. Like duh? Flirt lang yun! As if namang mamahalin sila ni Winter.

Naaalala ko tuloy yung unang naging crush ni Winter na talagang pinagselosan ko ng todo.

It's my cousin Charlotte. Anak ng ate ni Daddy.

Bakasyon namin ng Grade 6 nun. Nagulat nalang ako nung habang nag-aasaran kami ni Winter sa garden namin, may biglang humintong black na van sa tapat ng gate at may lumabas na batang babae kasama si Tita Veronica.

Half-british si Charlotte. Para siyang living doll that time. Kulot yung blonde hair nya and she's got those pair of blue eyes.

Napansin kong tumigil sa pang-aasar sakin si Winter nun. Dahil pagtingin ko sa kanya, nakatulala pala siya sa papadating na si Charlotte.

Magbabakasyon pala sila ni Tita Veronica dito for 3 weeks.

Friendly naman si Charlotte, medyo marunong magsalita ng Tagalog. Sabi nila Daddy, nagkasama na daw kami ni Charlotte nung 5 years old kami pag bumibisita kami nila Daddy sa kanila sa London.

Well, nakakalaro namin ni Winter si Charlotte dahil wala naman siyang ibang makakalaro dito.

Ang bait bait sa kanya ni Winter. Lagi silang magkasundo tapos minsan na-o-OP na nga ako sa kanila.

Then, isang araw, sinabi sakin ni Winter na crush nya daw si Charlotte.

That time, maghapon lang akong nagkulong sa kwarto at umiyak ng umiyak.

Alalang alala sakin sila Mommy at yung parents ni Winter. Ayoko talaga kasing kumain at lumabas ng kwarto ko.

After a week, umuwi na rin sila Charlotte sa London at ang alam na reason nila Mommy ng pagmumuryot ko ay dahil inasar ako ni Winter.

Ayoko namang sabihin na na heart broken ako dahil crush ni Winter si Charlotte diba?

But since then, alam naman na ni Mommy na may gusto ako kay Winter kaya mas pinush pa nila ni Tita na ipakasal kami ni Winter someday. Nice diba? Hahahahahaha!

And that's my first heartbreak. 12 years old and I got my first heartbreak.

WAITING OUTSIDE THE LINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon