Prologue

326 16 7
                                    

Brokenhearted?

Ako yun sino panaman lasi ang matinong tao na sagot ng sagot sa mga suitors kahit hindi pa naman nanliligaw. Kahit sa text lang na tayo na? Sasagot na agad ng oo. Oo, aaminin ko tanga ako, minsan lang kasi ako magkaMU, kung magkaroon man yun yung papilit. Ewan ko ba kung bakit ako sagot ng sagot sa mga lalaki kahit na alam kong iiwanan rin naman ako nito, kahit alam kong papaiyakin parin ako nito, kahit ang mapapala ko lang ay sakit sa puso, kahit alam kong sa bandang huli magsasakripisyo ako. Meron pa kayang matinong lalaki? Buti pa bestfriend ko may boyfriend pero ewan ko lang kung matino. Hay. Lalaki. Matitino ba kayo? Kaya ako si Ms. Brokenhearted.

Selfish?

Ako rin yun. Lahat ng nasa akin pinagkakait ko talaga, kaya sa lahat ng ex ko, sa lahat ng nanakit sa akin, sa lahat ng lalaki na pinaglalaruan lang ako, wala parin silang nakukuhang kiss. Oo, wala pa akong 1st kiss. Nagpapakiss lang ako kung makaabot na ng 5 months ang boyfriend ko, pero kahit isang buwan walang nakakaabot, kalimitan ay 2 weeks lang. May isa ngang 1 day lang, dahil yung ex ko nakipaghalikan nga naman sa classmate ko. Kaya ayun napakaselfish ko na ngayon.

Pero sa positive side naman:
Mabait ako
Masayahin
Matulungin
Palakaibigan
At matalino raw

Ako pala yang si Jandrea Elle Lacoste or Jel.

Kung gusto niyo malaman storya ko basahin niyo to.

Jel's POV

Papunta ako ngayon sa school titingnan ko anong section ako. Kung 1st section pa ba ako. Sino mga kaklase kong bago. Kaklase pa ba kami ng bestfriend ko at ng mga walang kwentang mga ex ko. Sino guro namin at kung ano-anu pa.

Nandito na ako sa harap ng section Faith. Ito ang first section sa mga 4th year. Nakacrossfinger ako. Sana 1st section pa ako.

May napansin akong tumabi sa akin tsaka bumulong Wag kang mag-alala Faith ka parin. Eh sino pa ba naman nagsabi sa akin niyan edi ang bestfriend ko na si Kakai.

I miss you Jandrea Elle Lacoste. Long time no see. Wala ka nang text text. Wala kanang internet internet, fb fb, twitter twitter tsaka instagram instagram. Wala ka ring bakasyon bakasyon. Palagi ka nalang nasa bahay niyo, sa kwarto mo to be exact. Lagi ka nalang nag-aaral.

Wah. Grabe naman Kai. Alam mo namiss ko rin kakulitan mo Creisheya Steffany Gonzales. Pero pano mo nalaman na nasa kawarto lang ako at nag-aaral?

Anong silbi ng pagiging bff natin kung hindi naman ako updated sa mga ginagawa ng bestfriend ko? Diba? Tsaka alam naman nating lahat na you're aiming for valedictorian, wala naman sigurong lalaban sayo no except kung may transferee. Tingnan kaya natin.

Sige.

Boom. Hala ka Best may transferee dalawa pa. Sa tingin ko ang isa sa kanila ay gustong maging Valedictorian.

What? No way. Boy o girl

Panic ka naman masyado. Pero according to their names shown boy silang dalawa.

Aw.ok

Sa tinggin mo gwapo ba?

Ano? Ano ka ba kai nagiging malandi ka naman. May boyfriend kana girl.

Hehe. Minsan lang kasi may transferee, o kung meron man babae yun. Kaso iba ngayon, lalaki, dalawa pa baka isa isa tayo. And correction wala akong boyfriend, EX siguro meron. Ni hindi mo panga siya nakita eh

Psh. Shut up kai

Wow. Agang aga Jel masungit?

Hmmpt.

Sitting Beside You [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon