1

523 20 4
                                    

CHAPTER 1

 

 

It all started with something Jaimee said.

 

 

Quinn's POV :

 

 

"The "Bloody Doll" is on Auction. AGAIN!" biglang sabi ni Jaimee samin ni James.

"Yan na naman? Palagi lang Ino-auction yan eh! " sabi ni James. Kambal ni Jaimee.

 Sila pala ang mga matalik kong kaibigan. Mula Elementary magkaibigan kami nito.


"Yeah. Pinapasapasahan lang nila yung manika eh!"
sabi naman ni Jaimee sabay subo ng Potato chips.

"Ano yung BLOODY DOLL?" biglaang tanong ko.

"Ha?! Di mo alam yung Bloody Doll?!" gulat na tanong ni James.

"Oo nga? You're weird. Pinagkakaguluhan yan ngayon sa Pilipinas. Anyone wants it. But it always ends up selling it again." dagdag naman ni Jaimee.

"Bloody doll." sabi ko lang, na parang Interesado parin.

"Sabi daw nila, they attack their Owners and drinks their blood. Ohhh spooky." sabi ni James na parang tinutukso pa si Jaimee.

"Y-Yeah. Dyan daw nagmula yung pangalan nila. Ang Ganda daw ng Manika kaya maraming nagbibid doon. But always ends up selling it after getting it. " malungkot na sabi ni Jaimee.

"It's happening over and over, so you can't help but to think that something creepy is going on." sabi ni James.

"Hmm. Gusto kong makita yung Manika." sabi ko kay Jaimee.

"Ohhh. Si Quinn interesado sa manika! Uyy Quinn! Bilhin mo ah?! Pwede kang dumesign at tumahi ng dress para sa manika mo!" masayang sabi ni James.

"Dude. Tigilan mo nga yan. Mukha kang Bading." sabi ko nalang kay James.

"But ,--"

"Hoy tigilan niyo na nga ang pag-uusap tungkol sa manika. College na kayo diba? wew." biglang dumating si Shane at pinagsabihan kaming dalawa.

Pero. Baka mainspire nga ako kung meron akong Manika na gagawan ng mga damit.

"Pero diba Mahal yun?" tanong ni James.

"Patingin nga.." sabi ko at hinablot kay Jamiee ang laptop.

So, Eto yung Bloody doll na sinasabi nilang Nakakakilabot?

How is he Creepy?

Ang Astig kaya neto!

"Quinn, you shouldn't be involved in this bloody Doll." sabi ni Shane.

"THIS ONE." sabi ko.

"Huh?" sabi nilang tatlo.

"I WANT THIS ONE." sabi ko habang nakatulala parin sa Manika.

Eto yung kaunaunahang na love at first sight ako.

Tapos sa isang Manika pa!

***

"Package po para sayo." sabi nung delivery Boy.

"Hala! Eto na yun!" excited kong sabi. "Good thing it arrived safely." dagdag ko pa.

Binuksan ko yung Box.

Eto nga yun! Ang Astig tignan ng Doll! Tawagin niyo kong baliw pero na inlove na ata ako sa Manikang Ito!

"Grabe, ang astig." sabi ko tas inalsa at niyakap ang Manika. "You're even better than the picture. Gagawan muna kita ng Damit." masayang sabi ko.

Oh, Im Quinn Vergara pala. 17 Years Old. 2nd Year College studying Fashion designing.

Pumunta ako sa desk ko para mag design ng bagong damit para sa Manika ko.

"Alright! Gawa tayo ng damit!" sabi ko na parang timang na kinakausap yung Manika at nilagay ko muna iyon sa higaan ko.

*PSH*

"So Ikaw ang bago kong Amo? First time kong maging tao this fast. And you just saw me like 3 minutes ago." Sino ang lalaking to? Rapist ba 'to?!

 

"Ahh?!"

Bloody Doll.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon