12

214 10 2
                                    

Chapter 12 - Quinn's Misery

Quinn's POV

"Quinn? Anong problema? Kanina kapa nakaabang sa cellphone mo ah? May nangyari ba?" tanong sakin ni James. Tinignan ko naman si Jaimee at mukhang nag-aalala rin siya sakin. 

"Si Ryan kasi eh, hindi niya sinasagot yung mga tawag ko." naka 6 missed calls na ako pero wala pa din. "Sabi ko kasi sa kanya wag siya aalis sa bahay kasi tatawagan ko siya bago tayo pumunta dun." 

Ang weird talaga.

"Wag kang mag-alala Quinn, baka busy lang paghahanda para sa mamaya!" sabi ni James.

"Siguro, sinabihan ko kasi siyang maglinis kanina eh."  pero hindi, dapat tapos na nga siya by now.

"Or baka umalis lang? May binili or something?" sabi naman ni Jaimee. 

Andito kami ngayon sa elevator papunta apartment ko.

"Pero ang weird, nasa baba lang naman ng apartment namin ang Grocery store ah? Dapat nasa bahay na siya." 

"Baka sa Mall siya pumunta!" sabi naman ni James. "Wag ka ngang mag-alala ng masyado Quinn, malaki na si Ryan mo nuh!--Aray! Ba't ka tumigil bigla Quinn!"

Nakita kong nakabukas ang pinto ng apartment ko.

Hindi naman ni Ryan binubuksan to ah?

"Quinn.." hindi si Ryan yon.

Pumasok kaming tatlo sa apartment ko.

nakita namin si Shane nakaupo sa sahig. Parang wala sa sarili.

"Shane?"

"O-oh..Quinn! Andito ka na pala?" napansin kong kinakabahan si Shane.

"Hoy Shane! Bakit ka nandito ha?! Trespassing ka! Hindi ka naman namin inimbita ah?" 
sigaw ni James sa kanya.

Nakita kong may maso sa sahig.

No.

No way.

"Anong pumasok?" natatawang sabi ni Shane. Parang baliw siya. Ang weird ng ngiti niya. "Pinapasok niya ako!"

Tinuro niya ang Ryan na basag sa sahig.

Nasa doll form siya..

Pero basag ang ulo niya.

No.

walang dugo.

Manika siya diba?

Kaya parang manika lang siyang nabasag.

Nakangiti pa rin ang mukha niya.

"Ry-ryan." yan lang ang kaya kong sambitin.

"SHANE?! IKAW GUMAWA NITO?!" sigaw ni James. nagagalit siya. Feel ko yun.

"Sympre! Wala na akong choice nuh! Kundi patayin ang Halimaw na yan! Hahaha!" 

"Hoy! Ano ka ba! Si Ryan ang precious doll ni Quinn!"

"Eh ano ngayon? Manika lang naman yan diba? edi babayaran ko na lang si Quinn! Di naman mahal yan eh!"

Habang ako nakatulala parin sa Ryan nakahiga sa sahig. Basag ang ulo. Nakangiti.

Adik.

"Hindi na siya makakagalaw niyan for sure! Hahahaah!" sabi pa ulit ni Shane.

Tama.

"Y-yeah. Hindi na siya makakagalaw." napaupo ako sa sahig. "Anong ginawa mo. Alis kana dito shane!" tumulo na yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Quinn." sambit ng kambal.

"Iwan mo niyo muna ako guys." Ryan.Ryan ko.."Umalis ka na Shane, bago ikaw gagamitan ko rin ng Maso." 

RYAN's POV

Umiiyak?

Sinong umiiyak?

Parang kilala ko yung umiiyak ah?

Si Quinn ba yon?

  

Gusto kong punasan ang mga luha niya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit.

Bakit kaya siya umiiyak?

Ah teka, naalala ko na.

Yung istura ko ngayon. Yung nangyari sakin ang nagpapaiyak sa kanya.

walang kwenta ako. Pinapaiyak ko ang Master ko.

Mawawala na ba ang kaluluwa ko?

Ang kaluluwang binigay ng Master ko kasi Mahal niya ako?

Mawawala na ba talaga ako?

Hindi ako makakita.

  

Kung alam kong mamatay na sana ako, sana..

sana di na lang muna ako nagsungit.

  

sana tinawag ko pang paulit ulit ang pangalan mo.

sana humingi pa ako ng maraming halik at yakap.

sana...

I should've said thank you.

a million times more.

and more.

and more.

Quinn's POV

"Ryan." yan lang ang nasabi ko mula kahapon habang niyayakap ko ang box na nasa loob ang manikang nabasag. 

"Sana..bago ka mawala.." pinikit ko ang mga mata ko.. 

"Nasabihan na kitang..

Mahal kita.."

Bloody Doll.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon