Nine

1.2K 26 2
                                    

Alexia's POV

nilanghap ko ang preskong hangin pagka-upo ko sa bench.

Lunch time ngayon at hindi ganuon ka tirik ang araw.

napakagandang timing para tumambay dito.

Haaaays :"">

Ang sarap mag in-love... ang sarap palang mag mahal ulit.. 

uhmmm, ewan ko kung tama ba tong naiisip ko o itong naf-feel ko, Pagmamahal na nga ba ito? tch..

"I Love you~.." 

napatingin ako sa lugar na yun kung saan ko na rinig yung mga salitang yun.

ewan ko ba kung bakit bigla bigla nalang tumulo ang luha ko.

ang sakit parin pala makita, kala ko naka move on na ako.

Kala ko... okay na ako..

pero kung galing parin pala sa kanya yung matatamis na salitang yun.. apaka sarap pakinggan, pero nasasaktan ako..

nasasaktan ako kasi hindi na para sakin yun eh..

para sa bestfriend ko na yun..

may biglang nag takip ng mata ko.

"Huh? B-Bakit basa? Umiiyak ka ba?" tanong niya matapos tanggalin ang pagkakatakip ng kamay niya.

"Hindi..... Napuwing lang ako, haha, Ako? Iiyak bakit naman? Tss." sabi ko sakanya

umupo siya sa tabi ko.

"May problema ba?" tanong niya

tumingin ako sa malayo.

"Wala." Malamig kong sagot.

"Tch, Meron eh~ ano ba yun?" pag pipilit niya.

ewan ko pero bigla ko nalang siyang nasinghalan

"Wala nga eh, Bakit ba ang kulit mo?" - Ako

"Nag aalala---"

"Sino ka para mag alala? Ano ba kita?!" bigla ko nalang sinabi.

maski ako nabigla ako sa sinabi ko.

"S-Sorry, Stressed lang ako." sabi ko at umalis na

"OMG, so sila ba talaga?"

"Nabalitaan mo bang nag date sila?"

"OH?! Eh alam mo bang sila na daw?"

"Weh?! Pero ang alam ko nililigawan palang siya, ibang klase."

"Tch, sayang yung lalake gwapo pa naman." 

kahit anong gusto ko na tarayan sila, wala ako sa mood eh :\

pumunta ako sa side stairs kung saan wala masyadong tao

hindi ko namalayan na paiyak na pala ako ng todo.

ang sakit parin.

ang sakit sakit.

flashback

"Kayo parin diba? P-Pano tayo?" papunta ako ngayon sa Room, bumili lang ako ng Banana milk.

ng mapahinto ako sa mga nag uusap malapit sa Gym.

Move On? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon