Chapter 9

12 2 0
                                    

SHE'S BACK

CHAPTER 9

SETH'S POV

Andito kami ngayon sa kwarto. Nanonood ng fave naming TV series dati. Buti na lang may copy ako.

At buti pumayag siya. Eh siyempre may kundisyon nga daw diba? Kahit sobrang hirap at feeling ko nawala na yung natitirang dignidad at kahihiyan sa katawan ko, ginawa ko pa rin. Wala eh. Naka-oo na ako.

Tumingin ako sa tabi ko. There I found her, holding her phone. Laughing and giggling alone.
Yeah, tumatawa mag-isa. Ano bang tinitingnan niya? Di kaya kinilig over some text messages? Kanino naman galing? Pag nalaman kong may ibang lalaking pumuporma sa kanya, hahamunin ko agad ng suntukan. Eto naman kasi, andito naman ako di na lang ako ang landiin.

Medyo sinilip ko kung anong meron sa phone niya....

o.O

Kaya pala -_-

Kaya pala mukha siyamg baliw kakatawa mag-isa eh, pictures ko yung tinitingnan niya.

Okay na sana eh. Kasi pictures ko.

The problem is yung pictures na yun... It were taken earlier before we started watching. Yung para sa kundisyon niya.

Gusto niyong malaman kung ano yung kundisyong binigay niya?

Well she said na papayag lamg siya if magpapakuha ako ng pictures... Wearing this damn french maid costume.

---- FLASHBACK ----

"Ayusin mo! Tsaka ngumiti ka."

Edi ginawa ko naman.

Andito kami sa salas. Using her phone she's now taking pictures of me.

Ugh. Feel ko wala na akong kahihiyan. Yung pagkalalaki ko rin natatapakan.

"Okay last shot. Yung pose sexy and daring ah. Pati facial expression." Sabi ni Max.

What?! Is she crazy? Ano to FHM Magazine Photoshoot?!

Ano bang trip niya?

"Max, are you serious? Ang sagwa kaya. Tsaka di naman ako bakla."

"Mukha ba akong nagbibiro? -_-"

"But Max---"

"Bilisan mo! Pumayag kaya panindigan mo to!" Sabi niya habang nakatutok ang baril sakin.

Sabi ko nga. Susunod na ako.

And yes, every time na may reklamo ako tutukan o papuputukan niya ako.

Buti nga di niya ako tinutuluyan eh.


So ginawa ko na yung gusto niya.

"Pffft.... You look so funny... And slutty..haha" then kinuhaan niya na ulit ako.

--- END OF FLASHBACK---

But atleast, ang saya pa rin sa feeling na pictures ko ang tinitingnan at tinatawanan niya at di sa ibang lalaki.

I smiled secretely before I went back facing the TV screen again.


MAX POV

Hahaha. Mukha siyang baklang GRO.

Nakakatawa kasi may mga pose pa siya eh.

Okay naman ah. Bagay nga yung damit.

Tsaka sa unang tingin, mukhang pambabae yung legs niya.

Ang puti kasi tsaka ang slim. Hmmm dati pa ganito yung legs niya eh. Actually, mahilig talaga sa mga slim & long legged na lalaki. Paano ang payat kasi.

Nakakaenjoy talagang tingnan to. Tumingin ako sa upper body.

Woah. Tama ba to? May laman na yung braso niya. Eh ang payat din to dati eh.

Nag-gym ba siya? Kasi parang medyo lumapad yung balikat. Broad shoulders at firm ah. Ano kayang naisipan nito at nag gym?

Baka naman may abs na din to. No way. Baka naman sa pictures lang?!

--- FLASHBACK ----
(Before marriage)
"Hun, do you work out?" Syempre, malapit na kaming magkita at ikasal, kailangan prepared ako kung ano bang meron sa katawan niya sa wedding night namin :3

"Not regularly. Do you want me to? "

Oo naman. Ang ganda kaya kung katawang nasa tabi mo may abs.

"Why not? Haha. Ofcourse hun."

"Well I will work it out to have muscles & abs. Just for you."

Halaaa. XD Excited na ako :3

---- END OF FLASHBACK----

Sa totoo lang di naman ako talagang naniwala.

At tama ako dahil nung maikasal kami at nangyari yung wedding night, eh ni isang abs wala akong nakita.

Eh ngayon kaya?

Tumingin ako sa kanya. Tutok pa rin sa panunood. Okay to. Di niya mapapansing nakatingin ako.


Bumaba yung tingin sa balikat at braso niya.

Totoo nga. Nagkalaman. Tsaka lumaki. Nag gym nga si Gago.

May muscle na.

Ang tanong may abs kaya?

"Uy Max! May tumatawag sayo. Kanina pa tumutunog yung phone mo!"

Ha? Bakit wala akong narinig?

Pagtingin ko sa phone ko, 2missed calls from Bob

"Bwisit. Bakit ang hina ng volume ng phone ko?"


Then tumaya na ako para lumabas.

"Sa susunod kasi Max, dahan dahan lang ang titig. Wag mong dibdibin. Di naman mawawala to eh. Oh and btw, narinig kong bumulong ka. And the answer is YES. May abs na ako."


WTH. Narinig niya yun?! Ughhh! Nakakahiya. Ano namamg iisipin niya?

"I dont care sayo na yan." Then mabilis akong lumabas dahil feel ko pulang pula na yung mukha.

Then narinig ko yung tawa niya mula sa labas.

Damn you! Di pa ako tapos sa pictures mo!

She's Back: The Revenge & MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon