Chapter 13

20 1 1
                                    

SHE'S BACK

CHAPTER 13

Max POV

Grabe. Napasarap ata yung tulog ko. Mukhang tanghali na ah.

Pagdilat ko, nasa bed ako katabi si Seth. Tulog pa rin siya.

Oh yeah. Yung kagabi. Sakin pala tumama yung tranquilizer kaya di ko na namalayan na nakatulog na ako. At mukhang siya yung nagbuhat sa akin dito.

Speaking of nangyari kagabi, siguradong alam na nina Percy na andito ako at magkasama kami. Kailangan mas maingat na dahil lagi na nila kaming babantayan at susundan.

Tumingin ulit ako sa tabi ko para tingnan si Seth.

Hindi naman siya gising no?

Habang nakatingin ako sa kanya ngayon naalala ko yung mga panahon na okay pa kami. Actually we were more than okay. Ever since he's really sweet and gentle. So generous too. Understanding and humble. Di rin siya yung tipong di ka bibigyan ng freedom & privacy kahit mag-asawa na kami. Naalala ko pa kapag nagkakaroon ako ng crush o kaya may nakikita akong gwapo na guy pag magkasama kami. Kinikilig ako habang tinititigan yung gwapong lalaki. Tinatawag ko pa siya minsan. And he didnt mind it. Di naman sa wala siyang pakialam pero hinahayaan niya lang akong magspazz basta alam ko limitations ko. Ganun din naman kasi pag nakakakita kami ng pretty & sexy girls pag magkasama kami. Minsan nga pareho pa naming tinititigan yung mga girls mula ulo hanggang paa. It was really fun marriage to be honest.

Di nga lang siya loyal. Damn, I should have known na di naman pala talaga ako yung mahal niya. Na all those times that we were together its still that bitch that he loves. His so called "bestfriend". Tsss.

Na-iintindihan ko pa nung una na they are just bestfriends and he cares for her. Na gusto niya lang tulungan yung bitch na yun dahil nga sobrang depress daw gawa nung walang kwenrang boyfriend. Psh. Depressed siya sa lagay na yun? Nanlandi ng asawa ng iba? Ganun na pala ma-depress ngayon no? Ang astig naman -_-. Sana ginawa ko yun nung nadepress ako after ko silang mahuli.


Kung nagkataong marunong na akong humawak at gumamit ng baril nung araw na yun, siguro napatay ko na silang dalawa. I admit na hanggang ngayon sobra pa rin yung galit ko. Kaya nga kung anong pinaggagawa ko sakanya eh. Kulang pa yan. At di ako nagbibiro sa balak kong patayin siya. Actually silang dalawa.

Pero ngayon na pati sina Percy gusto akong unahan sa pagpatay sa kanya mahihirapan akong gawin yun. Isa pa pala yun. Kailangan kong malaman kung anong kailangan nila kay Seth.

Sometimes I wonder, itutuloy ko pa ba na patayin siya? I mean siguro mas malupit kung pahihirapan ko siya habang buhay siya to the point na gugustuhin niya mismong magpakamatay na lang. Since ayaw naman niyang pirmahan yung divorce papers. Tapos magkasama kami. Sa trabaho ko, mas magaan pag may ganitong may katulong ako sa bahay. Yung utusan tapos outlet ko din pag mainit ang ulo ko. Tama, nang may pakinabang siya.

I sighed. Who am I kidding? Eh 3 years na akong kating kati na gantihan at patayin siya. But now that nagkita na kami ulit? I think the real question is...

Kaya ko ba siyang patayin?

I leaned closer to him and I whispered to his ear.

"Di ko na alam kung anong gagawin ko sayo."

Then bumangon na ako. Focus muna sa operation ngayong araw.

Seth POV

Feel ko mukhang nasasanay na akong magsuot ng French maid costume. Ewan, parang di na kasi ako na-aawkward eh. Sabagay, si Max lang kasi nakakakita.

Speaking of Max, ayun busy na naman. Kinatok ko na nga lang siya sa work room niya para i-abot yung breakfast niya eh. Grabe, di na nga nagthank you sakin sinabihan pa ako na ang bagal ko daw kumilos. Eh malay ko bang maaga siya magigising? Bastos talaga siyang amo minsan eh.

Alone na naman ako dito sa labas. Maganda to. Makakapag-isip ako para sa birthday ni Max. May regalo na akong naisip. Pero kailangan mapasaya ko siya ng araw na yun. Kailangan special.

Hmm ano kaya? Party? Uhm, sino naman ang iimbitahin? Or yung kahit kami lang dalawa? Ayaw niya kasi ng matao eh. Kaso parang ang boring. Di pa naman kami close kaya baka di maging maganda ang kalabasan. Tsaka di naman ako lang ang pwedeng magpasaya sa birthday niya eh.

Masyado akong nabi-busy sa pag-iisip kaya di ko namalayan lumabas siya sa work room niya.

"Hey! Magpalit ka ng damit." Sabi ni Max

"Ha? Bakit? Maaga pa ah."

"Aalis tayo. Kaya bilisan mo!"

Woah. Sa wakas! Lalabas na din kami. Saan kaya kami pupunta? Magdadate na kaya kami? Kahit saan yan, masaya pa rin kasi kasama ko siya :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Back: The Revenge & MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon