Chapter 2

164 14 0
                                    

Pere

"Anak, gumising ka na!!!"

Wow, ang ganda ng bungad ng umaga sa akin, I can compare my mom's voice already sa construction sa likod ng house namin. Tinatamad pa ako bumangon kasi 1st day of school na pero need eh.

I slowly got up from my bed and did a little stretching for blood flow. Time check: 5:01 AM. Class starts at 7:30 AM so I have at least 1 hr. 30 minutes para magready. It's a good thing that our bathrooms have heaters because at this time, sorbang lamig ng tubig. Natapos ko nang gawin ang mga bathroom rituals ko, wore my uniform, and did my make up.

"Good morning." pagbati ni mama as I went downstairs. I sat in the dinner table and ate my breakfast. The viand for this morning are bacon and eggs. Ganang-gana akong kumain because I am really craving these for the past two days.

"Anak, dahan-dahan lang." sabi ni dad. Well, hindi ko na rin naiwasan kasi ang sarap ba naman ng pagkakaluto. After I ate, I went upstairs para magtoothbrush and touch up. After ko ilagay ang mga burloloys ko, saktong narinig ko na ang sigaw ng aking lovely mother ulit.

"Anak! Alis na!". Oh diba parang pinapalayas na ako rito. Pinagdridrive ako papuntang school pero mostly nagcocommute ako pauwi or kung walang masakyan magpapasundo na lang ako sa driver namin. I went inside our car, and nagsalpak na ako ng earphones kasi old songs mostly pinapatugtog ng driver namin. I don't want naman na mag-interrupt and change the stations because he's kind of enjoying it. While listening to music, natulog na lang ako sa biyahe. Nagising na lang ako nang mauntog ulo ko sa bintana. Ganda 'yan. Ang daming mga tumatawid na estudyante, so it means nandito na ako.

Pumasok na ako sa school, and felt some nostalgia coming back since a lot happened in my school. Tumabi muna ako sa mga benches, and opened my bag to look for my registration form. MM4B ang aking block section, Room 412. Dumiretso na ako sa Commerce Building and took the elevator, papuntang 4th floor. Nang makarating na ako sa aking designated floor ay saktong pagkabukas na pagbukas ng elevator ay bumungad sa akin hallway na dagsa ng mga estudyante na nagsisipasok labas ng kanilang classroom.

Pumunta muna ako sa banyo para magsuklay pero pagkapasok ko ng banyo ay bumungad sa akin ang isang babaeng brown ang buhok, pumuputok sa pula ang labi, umaalingasaw ang amoy sa pabango. Wow, perfect timing, napairap na lang ako dahil ito ay sa mga dahilan kung bakit ako umalis sa SMCU. Jasmin Haley Cruz, kung ano ang kinabango ng pangalan, iyong naman ikinabaho ng ugali niya.

Hindi ko na lang siya pinansin and katabi ko na lang siya nagsusuklay sa mirror. Natanaw ko na lang na binasa niya ang ID ko and gave me a second look.

"So, you're back..." sabi as she was touching up her brows.

"Hindi. Ilusyon mo lang ako..." pamimilosopo ko.

"Oooh... feisty. Alalahanin mo gumanda ka lang pero akin para siya, tandaan mo 'yan." sabi niya.

Wow, nag-activate ang insecurity nitong bitch na ito. Hindi ko na lang siya pinansin and sabay na kaming natapos sa pag-aayos. Noong nasa pintuan na kami sabi niya: "After you." with a bitch face. I just responded, "No, after you.". She just shrug and went out.

As we went out the comfort room, I saw a familiar face standing near the girl's comfort room.

"What a lovely coincidence." sabi ni Jas with a big smirk on her face.

My ex boyfriend, Ron Jefferson Albano. Wow everything is just in perfect timing, daig ko pa mga Wattpad stories sa mga school setting ha. He saw me and gave me another second look. Para matapos na lang, I just said: "Yadda, yadda, yadda. I'm back, alam na natin. Can I just go to my room, peacefully?"

He was just silently awkward for the whole time as I walk in my room. It's "fun" na kaklase ko pa mga hinayupak na 'yon ha. It's a good thing na lang na kablock ko mga friends ko na sina Gelo Tuazon and Mica Chen. Bigla na lang silang tumakbo, and gave a warm welcome by hugging me.

"Bes, namiss kita! Buti na lang dito ka na nag-aaral" sabi ni Mica

"True! Makakapagbonding nanaman tayong squad together." confirm naman ni Gelo.

We just sat down, and nagkwentuhan nang kaunti. Mica and Gelo thought that I came back here for revenge against Jas and Ron but wala pa talaga sa isip ko 'yan pero why not, right? I just said na lang tungkol ito sa business ni dad kaya ako nakabalik dito.

Sina Mica and Gelo ay napakasupportive talaga. They said na if I am planning na magplot ng revenge, I'll just call them kasi they would help me set up pranks and whatnot's. I still laugh every time I remember na pinasabugan nila ng powder si Jas noong binuksan niya ang kanyang bag. Well, grade 6 pa 'yon ha. Ano na? Hindi pa rin ako maka-move on sa happening na 'yon. Kaya minsan suki sila ng Discipline office eh.

Ang cute ng subject namin for this day, Math in the Modern World. Wow ganda talaga bungad ng umaga sa akin. Ano ba meron para mangyari sa akin ito. Ugh, I just shrugged and let the classroom happenings flow.





Lovely CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon