Malaya, masaya, at walang problema.
Walang iintindihin, walang resposibilidad na nakaatang sa balikad ko, walang mga taong gugulo sa akin at sa mga ka gustuhan ko.
Tila hindi ko ma-explain itong sayang nararamdaman ko habang masayang naglalaro dito sa perya. First time ko lang makapunta dito.
"Khia i heard maganda raw doon sa pier," ani ng taong nasa harap ko. Napangunot ang nuo ko dahil sa hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nito. Para bang blurred "We?" tanong ko halatang di pa kumbinsido. Iyan na lamang ang lumabas sa aking labi tila matagal ng kilala itong nasa harap ko. Na para bang kapag kasama ko siya'y komportable na ako.
"Oo nga, ayaw maniwala nito sakalin kita diyan."sinamaan ko lang siya ng tingin ngunit tinawanan ako nito at hinila na papunta sa pier na tinutukoy niya.
Pero bakit ganto.
Bakit dumidilim ang paligid ko.
Unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ko.
At unti-unti na ring nawawala ang taong kanina'y kasama ko.
"KHIA!"
Napabalikwas ako ng bangon, wala na ang masayang paligid, wala na rin ang taong kanina'y kasama ko.
Ang bigat ng pakiramdam ko, ang bigat ng nasa paligid ko. "nandito na naman tayo" mahina kong bulong sa sarili.
Andito na naman tayo sa lugar kung saan gustong-gusto kong takasan. Lugar kung saan puno ng lungkot at malupit sa tulad kong ang hangad lang ay maayos na buhay.

YOU ARE READING
Compilations Of Stories
Short StoryKaramihan sa story ko na nakapost dito activity ko lang sa school. Sayang naman kung mawawala di ba? hehehe Anyways unedited po iyan so if you found some grammatically incorrect and typographical then sorry agad. Lovelots -Riri Highest rank# 1 - D...