Picnic

1 0 0
                                    


Bukas na ang araw ng pag-alis ni faye sa probinsiya, uuwi na siya ng maynila dahil may pasok pa siya sa iskwelahan. Nagbakasyon lamang siya rito sa probinsiya.

Bago siya umalis dito ay napagplanuhan nilang magkaibigan na si faith na mag picnic muna bago siya bumalik sa maynila.

--

Mahigit ilang minuto na rin na naglalakad sila. Napansin niya na kumukulimlim na ang kalangitan.

"balik na lang kaya tayo dumilim na oh" sabi ni faye.

"Hindi yan."

Huminto naman sila sa tapat ng isang sementeryo. "Dito talaga?!“ Naisip niya na baka naluwagan sa utak ang kaibigan niya at naisipan nito na mag picnic sa sementeryo. 

"Oo, lika na" sabi ni faith at hinila siya papasok dito. Naglakad lang sila ulit, imbis ma excite si faye sa picnic nila ay nawalan siya bigla ng gutom dahil ayaw nito kumain lalo na sa sementeryo.

Tumigil sa paglalakad si faith, Huminto sila sa parang bahay. Kahit pa kanina pang may tanong sa kanyang utak bakit sila dito nag picnic ay ipinagsawalang bahala na lang niya ang mga ito. Pumasok na sila dito merong mesa sa gitna nito at upuan. pumunta na sila agad dun at umupo, pinatong ni faye ang basket na naglalaman ng pagkain nila sa ibabaw ng mesa.

Nagtataka na talaga si faye sa kaibigan niya at naisip nito na magpicnic sila rito, tinanong niya ulit ito kung bakit dito sila magpipicnic sinagot naman ito kaagad ni faith na "Mas gusto ko lang dito at least dito tahimik tsaka may kasama pa tayong iba" sa sinabing iyon ay kinilabutan siya, napabuntong hininga na lang siya ng malalim at ipinagsawalang bahala niya lang ang sinabi ng kaibigan niya.

Dalawang oras ang itinagal nila rito dahil sa nagkwentuhan pa sila habang kumain, buti na lang at bukas pa ang alis niya.

Nakaramdam ng antok si faye kaya napagpasyahan niya na umidlip kahit sandali

---

Napabalikwas si kinauupuan si faye dahil sa malakas na kulog. Umuulan din ng malakas. Nakita niyang na madilim na ang paligid, mabuti na lang ay may ilaw sa labas.

Ipinalibot niya naman ang paningin niya sa paligid,  andito pa rin siya sa loob pero bakit wala na si faith dito?

Umalis na siya? Iniwan niya ako? Tanong niya sa kanyang sarili.

Napatingin naman siya sa inuupuan niya ngayon, andito pa rin naman siya sa upuan pero yung lamesa kanina, wala na dito iyon, tinanggal ba kase iba na tong nakalagay dito, mukha tong libingan, para ba itong nitso andito na ba na talaga to kanina pa? Pero Hindi ang alam niya lamesa iyon at Hindi bato, imposible.

Ilang minuto na siyang nakatambay dito sa loob at gusto na niyang umuwi.

Napatingin siya sa dun sa bato na kung saan ang alam niyang lamesa na nakalagay roon sa lamesa.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang lapida roon at mas lalong niyang kininagulat ang pangalan na naroon.

---

✍️ 12/10/22

Compilations Of Stories Where stories live. Discover now