Chapter One

12.4K 151 5
                                    

KHALIL'S POV

"Good morning Philippines and Good Morning World!!!!!" agad akong bumangon para mag-ayos ng sarili.


Pero bago tuluyang magsimula ang araw ko, binuksan ko muna 'yung ipod ko at nagpatugtog. Sinabayan ko rin ito ng sayaw dahil mahilig akong kumanta at sumayaw at hindi na iyon maiaalis sa buhay ko.


Bago maging komplikado ang lahat, magpapakilala muna ako. Ako si Khalil Ramos, Kyla for short. Isang cute na cute na member ng LGBT. First year college na ako sa SyMole Academy. At ang rason kung bakit ko napiling mag-aral doon ay walang-iba kundi si Enrique Gil.


Siya yung taong gustong-gusto ko. Sinundan ko talaga siya dito kasi ayaw kong malayo sa kanya. Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin kapag wala siya.


Unang araw namin ngayon sa academy at simula ngayon, hindi na ako dito titira sa bahay namin. Nasabi ko na rin ito kay mommy at pumayag naman siya dahil sa kondisyong si Kath ang makakasama ko sa dorm. 


Pagkatapos kong mag-ayos, kumain na ako ng agahan. Binilisan ko na rin ang pagkain upang hindi ako mahuli sa klase at nang matapos ay agad rin akong lumabas ng bahay kung saan naghihintay ang driver namin.


"Kuya, tara na po." sabi ko pagkakita ko sa driver namin.


"Okay, sakay na po." aniya't sumakay na ako. Agad din namang umalis ang sasakyan namin at hindi ko mapigilang maexcite sa kung ano mang mangyayari mamaya.


Hindi ko maiwasang mag-isip na talagang mamimiss ko ito. Kapag lumipat na ako sa apartment, wala nang maghahatid sa akin dahil napakalapit na lang noon sa academy na papasukan namin. Isa pa, kailangan ko na ring maglinis ng bahay na hindi naman talaga issue sa akin dahil kahit papano'y marunong naman ako.


"Nako sir! Naflatan po tayo ng gulong. Matatagalan pa po ito. Ayos lang po ba?" biglang sabi ng driver nang bigla kaming mahinto. Kinabahan naman ako dahil doon. Bakit kung kailang unang araw pa ng klase, saka magkakaganito?


"Kuya, maghahanap na lang po ako ng taxi." mabuti na lang talaga at kakalabas lang namin ng village. May mga taxi namang dumadaan dito kahit papaano.


"Mag-ingat po kayo." bilin sa akin nito at nginitian ko naman pabalik bago ako bumaba at maghanap ng taxi.


Nagpanic na ako ng wala akong makitang dumadaang taxi. Hindi naman ganito rito eh. Madalas may taxi na dumadaan dito kaya umasa akong makakasakay kaagad.


"Mukhang nagmamadali ka yata. Gusto mo ihatid nalang kita?" isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likod ko. Biglang tumibok ang puso ko nang napakabilis dahil imposibleng nagkakamali ako. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Hinarap ko siya at nakumpirmang tama nga ang hinala ko.


"Papunta sana ako ng academy kaso nasiraan kami eh." sagot ko rito. Ngumiti pa siya na lalong nagpatibok ng puso ko.


"As far as I know, Symole Academy lang naman ang academy na malapit dito, 'di ba? Doon naman ako nag-aaral kaya sumabay ka na lang sa akin. By the way, Im Enrique." dire-diretso niyang sabi at inalok ang kamay niya. Kinuha ko naman iyon at nakipag shake hands sa kanya.


"I'm Khalil, doon din nag aaral." nginitian ko siya at binitiwan na ang kamay niya


"Sakay na." aniya habang itinuturo ang sasakyang malapit sa amin. Nahihiya man ako'y pumayag na rin ako dahil wala talagang taxi na dumadaan. Isa pa, bakit pa ako tatanggi kung si Enrique na ang makakasabay ko. 


"By the way, 1st year pa lang ako. Ikaw?" pagsisimula nya ng usapan namin. Di pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon sa aming dalawa. Kulang na lang ay kurutin ko ang sarili ko upang makumpirmang totoo nga ang lahat ngunit natatakot akong baka hindi pala totoo ang lahat ng ito kaya hindi ko na ginawa.


"Pareho tayo. Sana maging kaklase kita" sagot ko at kaswal na ngumiti sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin habang sinasabi ko iyon.


"Talaga? Nice. Ano bang section mo?" tanong niya.


"1-A" sagot ko naman dito.


"Uy! Pareho pala tayo eh. Buti naman at may kakilala na ako sa mga kaklase ko maliban kay Daniel." aniya at masaya akong niyakap. Kinilig naman ako sa ginawa niyang iyon at alam ko sa sarili kong namula ako doon.


"Kung alam mo lang, ikaw 'yung rason kung bakit ako nag-aral doon eh." bigla kong nasabi kaya natigil ako. 


"Shocks! Kyle! Ano 'yang pinagsasabi mo?" inis kong sabi sa sarili ko.


"What do you mean?" tanong niya naman sa akin. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot dahil wala naman na akong kawala.


"Schoolmate mo kasi ako noong highschool and I'm one of your stalkers." nakayuko kong sagot sa kanya


"Oh. That's why." sabi naman nya at napaangat ang ulo ko dahil hindi siya nagalit sa akin. Kinabahan ako dahil akala ko'y magagalit siya sa nalaman niya ngunit kaswal lang siyang tumango-tango rito na parang normal na talaga sa kanyang magkaroon ng stalker.


"By the way, andito na tayo" sabi nya at bumaba na. Ipinagbukas niya rin ako ng pinto at kinililig akong lumabas doon.


"Salamat ah" ang tanging nasabi ko sa kanya pagkababa ko


"Wala 'yun. O siya! Pasok na tayo" hinila niya ang kamay ko at nagmamadali siyang naglakad at napasunod na lang sa kanya dahil hawak niya ang kamay ko. Hindi ako makapaniwalang hawak ko ang kamay niya ngayon.

I Love You, DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon