3

1.1K 23 0
                                    

MICHAEL'S POV

First Friday of the month na pala. At every first friday, may misa kami sa school

Bumaba kami sa school grounds para magmass. Nagsimula na yung seremonya hanggang sa mag 'peace be with you' na.

Nagpeace ako kay Dominic na katabi ko ngayon, kay Aivie, kay Ally at sa ibang kaklase ko. Pero kita ko sa peripheral vision ko, he's looking at me. Nakatingin siya na parang hinihintay akong lumingon para makipagpeace

No Michael, wag kang lumingon

Pinilit kong maging matibay at hindi lumingon sa kanya.

Natapos ang mass nang hindi ko siya pinapansin. I don't know pero ang hirap ng nararamdaman ko ngayon

"Mike, lika na" yaya sakin ni Dominic. I rolled my eyes

"Mike your face! Urgh!" sabi ko at naunang maglakad

"Naku, ikaw naman, masyado naman tong matampuhin. O sya, kita na lang mamaya"

Naghiwalay na kami at pumasok na ako sa classroom. Nagulat ako nang may isang papel ang nakita ko sa desk ko

Binuksan ko yun at nalamang sulat iyon

Dude,

May nagawa ba akong mali? Kasi kahit anong paikot ikot ang gawin ko, hindi ko malaman kung bakit ka nagalit. May nasabi ba ako? Kung meron, sorry na. May nagawa ba ako? Kung meron din, patawarin mo ako.

Pasensya na kung meron ah? Pero hindi ko kayang ganto. Hindi ko kayang galit ka sakin, hindi ko kayang umiiwas ka sakin.

Ikaw ang bestfriend ko. At kahit galit ka, ikaw pa rin.

Sana mapatawad mo ko

-Kyle

Tumulo ang luha ko. Parang napawi lahat, yung galit, yung sakit. Katabi ko siya ngayon kaya bigla ko siyang niyakap

"Sorry kung naging masama ako" sabi ko habang yakap siya

"Tama na nga dude. Ang corny na natin oh" sabi niya habang tumatawa pero halatang masaya siya

"Di mo kasi ako pinapansin nung test eh" sabi ko at ginulo yung buhok niya

"Nge? Ayun? Edi sana nilapitan mo ako" sabi nya at pinisil ang pisngi ko

"Andami kayang nakapalibot sayo" sabi ko at nagpout ng lips

"Kaya ko naman silang paalisin para sayo eh" umiwas ako ng tingin dahil alam kong namumula na ako

"Mcdo tayo mamaya. Libre ko" sabi niya at nag 'yes' ako with matching action pa

Natapos ang discussion namin at nung uwian na, hinintay ko siya sa may gate. May aasikasuhin pa daw siya eh

"Waiting for me?" biglang sabi ni Dominic

"Ang kapal ah! I'm waiting for my bestfriend" sabi ko at tinignan kung nandito na siya

"Si Ally? Lumabas na ah?"

"No, si Kyle" kumunot ang noo niya

"Kyle? Sinong Kyle?"

"Ako" sabi ni Kyle at tumakbo papalapit sakin

"Pasensya na tol. Kailangan na naming umalis eh" sabi ni Kyle at hinila na ako

Naglakad kami nang tahimik. This is awkward.

"Mmm, Kyle?"

"Mm?"

"You don't have to be that rude to my savior" kumunot ang noo niya

"Savior? Yun? Mas kaya pa kitang ipagtanggol kesa dun eh" napangiti ako sa sinabi niya

"Oo, savior ko siya" sabi ko at pumasok sa Mcdo

"Burger, fries and sundae" sabi ko at nagsmirk kay Kyle. Walang sabi sabi ay iniwan ko siya para maghanap ng upuan

Aga naman siyang nakapunta dito dahil walang masyadong pila

"Isa lang naman ako Mike" Mike? Hindi ko alam pero bakit nung nanggaling na sa kanya, hindi ako nainis

"Thanks" sabi ko habang nilalapag niya yung mga order namin

"Anyway, anong nangyari nung iniiwasan mo ko?" feeler lang ba ako o hindi? Pero feeling ko nasaktan siya dun sa ginawa ko eh

"I met a new friend. Savior na rin" tumawa ako nang mahina

I Love You, DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon