1

36.4K 137 1
                                    

Second subject na pero wala padin sa school yung utak ko, sayang talaga yung tuition na binabayad ko di ako nakikinig sa Prof ko. ~____~

Kanina ko pa iniisip yung nangyari kagabi, pagkatapos kong nakita na si Wade yun umuwi na agad ako nahihiya kasi ako, alangan naman na hintayin ko pa siyang magising diba? Pagdating sa bahay mga 4am tulog pa sila so safe naman hindi ako napansin ni Mama. Hindi ko alam kung bakit kasama ko siya ng gabing yun, ang alam ko lang nag-iinuman kami ng mga highschool friends ko si Becca at Charm kaya nakapag tataka talaga na dun kami nahantong, Kahit anung piga ko sa utak ko capital USELESS ang na-iisip ko.

Ayy oo nga pala, ako si Alyana Mari Cordero, 17 years old taking up Political Science sa University of Manila. Si Wade? Waderico Ortega yung full name niya, 17 years old din dito din sa school ko pero Architecture yung kinukuha niya kaya malamang sa alamang eh magkikita at magkikita kami, baka mamaya makita ko na yung pakalat-kalat sa campus eh. Ano kayang mukhang ihaharap ko? Naalala pa kaya niya?

Matagal na kaming mag-bestfriend, since 1st year highschool pa. Mahilig kasi ako sa mga gwapo kaya ko siya binestfriend. Joke. Transferee kasi kami pareho sa Magsaysay Higschool nun at kaming dalawa lang ang transferee sa section namin yung iba since gradeschool dun na nagaaral kaya magkakakilala na. O.P. much kami kaya kami nalang ang naguusap, naging seatmate ko din siya kaya dun na nagstart ang aming samahan, madami kaming common interests kaya idagdag mo nadin yun sa mga reasons kung bat nag-click kami agad.

"Okay class, tomorrow bring your scientific calculators we will have a long quiz. Understood?" -sabi ng prof ko sa Math4

"Yes ma'am"- sagot nila. di kasi ako sumagot.

After class break na namin, 1hr din yun dati pag ganitong oras pumupunta nako sa building nila Wade pero iba kasi yung situation ngaun so i guess mag-isa lang ako kakain sa canteen ngayon.

I grabbed my bag at lumabas na ng room.

"Alyana!"

"Huh?" oh shit, Wade's outside. Hinihintay niya pala ko

"Umm, bakit?" - patay malisya ka lang para hindi obvious, pero ang totoo kinakabahab na ko, pano ba ang tamang pakikitungo after some wild sex?

"Bat umalis ka?" nakikita ko sa mata niya ang hinanakit. Okay feeling ko lang hinanakit, assuming lang malay ko ba, di naman ako Psychologist.

"Umm, kasi..." naging mailap yung mga mata ko.

"Pwede bang wag na nating pag-usapan?"

"So wala lang sayo yun?" parang naniniyak pa siya, hindi ba siya makapaniwala?

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala lang sakin yun, dude, siya kaya una ko? di niya ba yun ramdam?! Kaya lang kung sasabihin ko namang affected ako? ano namang mangyayari?Bakit papanagutan niya ba ko? Di naman diba? Useless lang wala pa yung pride ko.

"W-Wade, im drunk, we are drunk. Kalimutan na natin yun, were friends. Okay na yun."

"Hindi ka galit? Ayaw mo manlang magwala? manuntok? manipa?"

"Nope"

Grabe, kung alam niya lang.

The Best SEXMATE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon