04

0 0 0
                                    

"Oh, babe? Ba't hindi ka lumalabas sa office mo? Are you that bus– oh, who is she"

I'm currently cleaning the window pane when the witch enter. Ni hindi man lang kumatok, how rude. Feeling entitled.

Kabit lang naman siya ng mahal ko!

"She's my cleaner for today" Matigas na sabi ni Zaiden.

Ay cleaner lang pala ako for today?

Abay talaga?! Buang siya kung ganon ang turing niya sakin.

Umirap nalang ako habang nagpatuloy sa pagpunas sa malaking bintana na to, tumungtong na ako sa upuan kanina para linisan ang bintana sa may taas pero di parin abot kaya ginamitan ko na ng walis. It worked naman!

"Bakit di kana lumalabas sa office mo? Are you that busy?" Malambing na sambit ni Vanessa at yumakap pa sa mahal ko.

Malambing nga, mukha namang kambing.

Hindi pa ako nakakapagwalis dahil sa inuna ko ang lahat na pupunasan para ang mga alikabok ay pupunta sa sahig at iisahin ko nalang iyon ng pagwalis tsaka ko iva-vacuum.

Baka gusto ni Vanessa na siya ang ivaccum ko!

"Yes, I'm busy I'm doing some heavy works since we were launching another technology products" His voice is just normal. Feeling ko talaga hindi niya mahal si Vanessa.

Buti naman.

Ipagpapatuloy ko na sana ang paglilinis nang bigla silang naghalikan sa harap ko.
Agad akong tumalikod at inabala ang sarili.

Putek, puta, putangina, walang hiya, piste!

Gusto kong manapak ng tao. At shet! Naririnig ko pa.

"Stop, there's someone here" Boses iyon ni Zade. Tama nga ako, mahal niya ako at di niya kayang makipaglandian sa iba. Loyal siya sakin.

"But she's just a janitor"

Janitorrr?! Ang putek, e kung ilublob ko kaya mukha niya sa inidoro nang makita natin sinong janitor.

"Still, I'm at work"

Umirap nalang ako at kinuha ang itim na trashbag na may lamang mga basura. Hindi pa iyon puno pero napagpasiyahan kong itapon nalang ito para makalabas ako at mapigilan ang sarili kong manapak.

Kahit na naiinis na ako ay dinahan dahan ko parin ang paglakad at pagbukas ng pinto na para bang wala lang saakin ang nakita.

I sighed when I got out. I didn't bother entering the elevator. Pinasok ko nalang kasi ang basura sa kalapit na trashcan. Pang  company trashcan iyon at maliit lang pero kinasya ko parin kaya ayun busog!

I need to do my plan. Like tomorrow or even tonight wala na akong pake, sawang sawa na akong makita silang naghahalikan na dalawa.

They're getting on my nerves. Ni hindi man lang nahiya ang talanding Vanessa na iyon.
Sawang sawa na akong maghintay at titigan sa malayo ang pinakamamamahal ko.

Like what the fuck? Mahal ko si Zaiden tapos di man lang niya masuklian ang pagmamahal ko? Abay wala siyang utang na loob.

Pumasok na ako sa loob ng walang pasabi. Wala naman akong naistorbo. Zaiden is now busy with his laptop and papers while the whore Vanessa is checking her ugly nails.

Tinapos ko na kaagad ang lahat ng dapat kong linisan. Atat na atat na akong umalis sa office na to at trabahuin nalang ang part ko.

"Sir, I'm done cleaning. Can I take my leave now?" Although gusto ko munang magtagal para mas makasama ko siya ay di ko parin kayang huminga sa hangin na hinihingahan ni Vanessang talandi.

Inangat ni Zaiden ang walang emosyon niyang mga mata para tingnan ako pagkatapos ay iniwas ang mga mata para bumaling sa mga pinaglinisan ko.

Wala ng kalat na makikita roon at wala naring mga alikabok.

Hayaan na sana niya akong maka alis dahil ayaw ko na talagang matiis ang Vanessa na to.

"Ok, you're dismissed. You can leave" After he said he returned his gaze back to his works.

Umalis na ako at bago ko pa maisarado nang mabuti ang pinto ay narinig ko pa ang talanding boses ni Vanessa.

"Babe, wala na yung Janitor"

Tuluyan ko nang isinarado ang pintuan. Napaka bobo! Hayop!

Mamatay nalang sana siyang babaeng siya! Nilalandi niya asawa ko. Humandasiya mamayang gabi.

Napangiti ako sa sarili ko nang mapagtanto kong ito ang tamang oras na gawin ang plano. Hindi ko alam kung paano ito talaga literal na gawin pero desperada akong makuha si Zaiden.

Pagkarating ko sa 13th floor ay agad akong nagtrabaho na. This building contains 15 floors and the 15th floor is for the ceo and the other relatives or for someone who is close to the ceo or the company. The 14th floor is for the board members and the 13th is for the accountants and for the Financial controller.

Chineck ko na ang mga papeles na sinabi ni sir Agoncillo. Marami ito at mas maayos kung may katulong ako. Kaso wala. I don't even have friends.

Naka check na ako ng 10 pages at marami rami pa ang ichecheck ko pero papakiusapan ko na muna na si Mr. Ramos para siya na ang mag announce sa mga kasamahan namin. Isa rin kasi siya sa Senior accountant.

"Excuse me Mr. Ramos are you free today?"

Inangat niya ang tingin niya sakin at bahagyang nagulat.

"Sorry" Paumanhin ko.

"O-ok, lang. Free naman ako, m-may kailangan ka ba" He's uncomfortable I swear.

Natatakot talaga sila sa akin. Ganon ba talaga ako kapangit?

Hindi naman ata.

"May inutos kasi si sir Agoncillo sakin e"

Sinabi ko sa kaniya ang dapat niyang gawin at nakuha niya naman iyon. Umalis ako sa cubicle niya at tumayo naman siya.

He clapped twice calling all the attentions of our workmates and it did work. Tumayo sila at interesadong lumapit ng kaunti para makinig.

"Mr. Agoncillo said that the Ceo wants all the accountant to report at him tomorrow at the meeting room. All of us have one day to prepare. Mr. Agoncillo hope for better execution tomorrow" Report niya sa kanila.

"Tomorrow? I think we don't have enough time for that" Reklamo ng isa sa workmate naming lalaki.

Maraming tumango dahil tama naman siya. Hindi namin pwede pakiusapan si Mr. Agoncillo dahil baka siya pa ang maipit.

Ayaw pa naman ni Zaiden ng mga pala reklamo.

"Tama siya"

"Marami pa tayong gagawin, tapos dumagdag pa to!"

"Kailangang magtulungan tayo"

"Pero wala na tayong oras"

"Then why don't we start now?" Suhestiyon ko na ikinatahimik ng lahat.

Hindi nalang sana ako nagsalita....

Mkxien

Taming the billionaire Where stories live. Discover now