Chapter 1: Anonymous number

2 0 0
                                    

"Dun na lang tayo sa dulo umupo. Mas malamig doon!" Pilit kong kumbinsi kay Ysa. Ang bestfriend kong simpleng Manang.

"Ano ka ba?! Ayoko na dun! Last time na umupo tayo dun, sinipon ako ng malubha." Pagtanggi niya.

"Makapal naman buhok mo kaya for sure 'di na tatalab ang lamig kaya tara na!!!" Pagpupumilit ko.

Naghahatakan kaming dalawa sa loob ng Library. Pakanan siya, pakaliwa naman ako.

"Ehhh. Ayoko nga dyan!!"
"Daliiii naaa! :33"-ako, pabebe way.
"Ayawwww kooo!"

"Excuse me. Library ito. Hindi playground!" Mataray na sita samin ng isang babae. Hindi pa naman siya ganun katanda.. Parang nasa 30's pa lang siya.

"Sorry po." mahinahon kong sagot.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Observe silence." Wika niya sabay talikod at naglakad palayo. Umupo siya dun sa malaking table na maraming nakalagay na libro at kung ano pang anek-anek. My Laptop din doon.

Ending.. Wala sa gusto namin ang nasunod dahil naunahan na kami sa tables. Kaya doon na lang kami umupo malapit sa table ni Ma'am.

Nilapag na namin ang mabigat na encylopedia at nakakabinging katahimikan na ang sumunod.

"San tayo kakain mamaya? :D" halos bulong na tanong ko kay Ysa. Ansama kasi ng tingin ni Ma'am sa amin. Kung makatingin akala mo ibubulsa ko yung Encyclopedia eh.

"Sa...Plato malamang! Hehehe XD" pigil na tawa ni Ysa.

"Hihihihi. Gaga! I mean saan.. sa Jolibee ba or McDo or foodcourt or dito na lang sa cafeteria?"

"Kahit saan basta nakalagay sa plato!" Sagot niya.

Binatukan ko nga. Pilosopa ang fishtea!

"Shhhhh!!"- Si Ma'am yan.

"Oh. Hala ka. Wag ka daw maingay." Bulong ko kay Ysa.
"Tangeks. Umiihi siya. Wag kang makulet! Mwehihihihi XD"

"Hahaha.Shaddap na baka magulat ka na lang may lumilipad na, na-Almanac papunta sa mukha mo. Hahahaha---"

♪♬"Singing radio head from the top of my lungs, with the boom box blaring as we falling inlove got a bottle of whatever but it's getting us drunk, singing here's to never growing up.♬♪"

Lagot na. Hindi ko pala na i-silent yung Phone ko. Naku po.

"You're not good at listening aren't you?!! Akin na yang Library card mo!!" Omg. Lord help po!

Nanginginig kong binigay yung Library card ko kay Ma'am. Tumalikod siya dala yun tapos pumunta sa desk niya.

"Hala best. Bakit kaya niya kinuha? Juskoo po. Papatayin ko yung tumawag na yun!!"

♪♬"Singing radio head from the top of my lungs, with the boom box blaring as we falling inlove got a bottle of whatever but it's getting us drunk, singing here's to never growing up.♬♪"

"Turn off the phone!!!"sigaw ni Ma'am. Dali dali ko namang tinanggal yung battery ng phone ko. Halos magkanda hulog na sa sobrang taranta ko.

"Friday Bree S. Montefalco. You are not allowed to enter this Library for one week. Claim your Library card at Guidance Office." Wika niya sabay lapag ng card sa table ko.

"Wait lang po Ma'am.. A-ano so-sorr-sorry po Ma--"

"And one more thing.. GET OUT!!!!" Sigaw niya.

Srsly? Ba't kailangan sumigaw? Grabi siya, ang dami kayang tao dito. Nakakahiya.

Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng Library.

Ini-On ko ang Phone ko..

WTF?!
41 missed calls from 0975*******

♪Shringgg [27 times]♪♪

MyGhad. Nagdadatingan na yung mga messages.

W.T.H.??!!
27 new message recieved??!.

Yamaguri AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon