"Huwag mong subukang ipakita 'yang mukha mo sa akin ha. Kung ayaw mong manghiram ng mukha sa kalabaw!"
=___= Ano ba 'yan ang tapang naman netong taong 'to!
Binasa ko pa 'yung isa pa niyang text..
" @North Gate. 9pm. Bring the Tulips."
O_o May date siguro 'to? May flowers pang dadalhin eh..At madami pang ibang text kaso 'di ko na mababasa kasi may klase na pala ako.
So, nag elevator na ako dahil mas mabilis 'yun.
Nga pala.. Bago ang lahat.. Magpapakilala muna ako. Para naman makilala niyo ako dahil.. wala naman. Gusto ko lang magpakilala. Ang cute kasi ng pangalan ko kaya gusto ko siyang ulit-uliting banggitin. Mukha kong sira 'no? Sabi ko magpapakilala ako e, hanggang ngayon wala pa din. HAHAHA!
So ito na nga bago kayo mabored.. magpapakilala na ko.
Hiii. :) Ako si Friday Bree S. Montefalco. 17 years old. Nursing student.
One word to describe me.
"Maganda" (o^^)oPero syempre, keme lang 'yun. Y(^_^)Y
Pero sabi nga nila..
"Walang taong pangit."
Sooo, maganda nga talaga ako. Hahahaha!Gulo ko ba? Ge.
Hindi naman ako pango, sakto lang. Hindi ako payat.. hindi rin mataba. Sakto lang din. Meron akong mahabang curl na buhok. Kasing curl siya ng cord ng telepono na kulay brown.
Medyo maputi. At ang masasabi kong pinaka asset ko ay ang mata ko, dahil meron itong mahahaba't makakapal na curly na eyelashes. Kaya no need na sa akin ang paglalagay ng mascara at contact lens dahil maganda din naman ang orbs ng mata ko. Sabi nga ng iba.. 'Cold eyes' daw..
Sa madaling sabi..
Mukha daw akong australianang hilaw.
Guest what..Curls at puti daw ang nagdala. Mwehehehe. ♡♡
Okay.. tama nang pagmamaganda dahil magsisimula na ang klase ko at may quiz pala kami ngayon sa Math. Nakuuu namann. T3T
Pagkapasok ko ng room, naupo agad ako at nilagay sa vibrate mode itong cellphone ko. Mahirap na. Hindi ko pa nga nakukuha 'yung Library card ko baka mamaya niyan, itong I.D ko naman ang makumpis.
Lalong lalala ang sitwasyon dahil 'No I.D No Entry.'
"Get one and pass."wika ni Prof. David, isang M.M.P
Matandang. Matabang. Panot.Test I. Evaluate the ff.
1.) 5²•√-42³+ (6³•2²)
2.) 6⁴•(9xy+56xyz) -5
3.) 45x²y³-4xy⁴+8z²
4.) 4³-4⁴x(6⁴•8²xyz)Hala? Ang sakit sa mata, sa utak, sa ngipin, sa daliri, sa nail polisher..
Mukhang babagsak ako dito sa quiz ko ah? Hindi kasi natapos 'yung pa tutor ko kay Ysa kanina..Math Genius pa naman 'yun! Kumuha siya ng kursong Accountancy. Sayang!! Edi sana hindi ako nga-nga kain hangin dito! Kasalanan ito nung anonymous number na 'yun eh! Urg!! >:-(
"Pass your papers quietly. "
Oh ayan na. Bumablank space tuloy ang test papers ko.
"Kanino itong test papers? Wala na ngang sagot, wala pang pangalan?!!" Tanong ni Prof. David .
Oh ayan. Katangahan exploded na naman. Tsk.
Pagnakita ko talaga 'tong anonymous number na ito.
Swear!! Magkakapalit ng pwesto ang ilong, mata, at tainga niya!!