Chapter 7: ( Payag ka?)

22 1 0
                                    

Haayy nako ansarap na sana ng tulog ko kaso nga lang naalala ko na naman yung nangyari kanina.

Flashback:

Uwian na at nag lalakad akong mag isa ng biglang..

"Pst.."

Lumingon ako pero wala namang tao, kaya nag patuloy nalang ako sa pag lalakad ko ng bigla na namang..

"Pst.. pst..."

Natatakot nako ah. Ako pa naman mag isa dito,tapos ang dilim pa. Kaya binilisan ko na yung paglalakad ko.

Habang binibilisan ko na yung paglalakad ko ay bigla na naman akong may narinig na ingay pero hindi na 'Pst' yung narinig ko kundi yapak na ng daalawang pares ng paa.

Binilisan ko lalo yung pag lalakad ko, halos patakbo na nga ako nun eh. Kaso nga lang may naapakan akong madulas at dahil do'n nadulas ako.

"Tss, wrong timing naman oh" pabulong kong sabi habang pilit na tumatayo. Bakit ba ang malas ko ngayon? Tapos may narinig akong tumatawa. Anong nakakatawa?

Lumingon ako para makita ko kung sino yun. At nakita ko nga kung sino sya. At alam nyo ba kung sino? Tss si Kaizer lang pala. Anong ginagawa nya dito?. Ay bakit nga pala muka pa akong galit? Pasalamat ka nga kasi nandyan sya eh. Kung hindi, kung ano ng nang yari sayo. Next time talaga hindi na ako mag lalakad mag isa.

Bigla sya nag salita.

"Bakit mo ako tinatakbuhan?" Taka nyang tanong. Tapos inilahad nya yung kamay nya para makatayo ako. Pinagpag ko muna yung puwet ko bago sagutin yung tanong nya. Ansakit kasi eh.

"Hahaa.. yun ba? Sorry kala ko kasi kung sino yung nag 'pst' kanina." Napakamot pa ako sa batok  tapos nag salita ulit."Akala ko kasi manyak yung tumatawag sakin hehehe."

Nakita ko namang nanlaki yung mata nya.
"Hah, ako?manyak?!" Sabi nya habang tinuturo pa yung sarili nya.
"Sa pogi kong to? Manyak tingin mo sakin?!" Hala G na G (gulat na gulat.)

"Ahehehe...." yun nalang ang nasabi ko. Tapos nag patuloy nalang ulit ako sa pag lalakad. Habang sya iniwan ko dung nakatayo.
Ang daldal nya kasi eh, tinalo pa ako.

Habang nag lalakad ako. Hindi ko na malayan na nakasunod lang pala sya. Sinusundan ba ako nito?

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

"Bakit mo'ko sinusundan?" Tanong ko sa kaya. Pero parang napalakas ata yung boses ko.

"Dito din kasi daan papunta sa bahay." Sagot nya. So dito din pala sya nakatira.

"Okay" sabi ko.

Naglakad na ulit ako pagkatapos no'n ng bigla naman syang nag salita.

"Payag ka?" Sabi nya.

Ano daw? Payag ako? Saan? Na ligawan ako? Oo ba.

"Na? " Takha kong tanong. Sa ano? Na cucurious na ako ah.

"Na ligawan ako." Nadulas ako dun ah. Ba't ba lumabas sa bibig ko yon.

"Tanggi, hindi yon. Wag assuming ah. Bakit gusto mo?" Mapang hamon na tanong nya sakin.

"Eh kung hindi yon. Ano?" Inis kong tanong. Akala ko pa naman kung ano na.

" Na sabay na tayong pumasok lagi? Payag ka ba?" Sabi nya.

Para namang huminto yung oras nung narinig ko 'yon. Ano daw? Paki ulit.

"Na sabay na tayong pumasok lagi? Payag ka ba?"

"Na sabay na tayong pumasok lagi? Payag ka ba?"

"Sige ba, sabi mo yan ah. From now on starting tommorow sabay na tayo." Sabi ko, tapos nag pinky swear pa ako. And then yun din ang ginawa nya.

So it's a deal. Officially na kaming mag kasabay sa pag pasok sa school. Yieeppy... Isusulat ko 'to sa Diary ko.

[A/n: Na alala nyo yung sumobrang notebook dun sa first chapter. Yun yung Diary ko.]

And after that conversation. Nag patuloy na kami sa paglalakad. At napag alaman ko na sa kabilang street lang pala sya nakatira.

So it means sa iisang subdivision lang pala talaga kami nakatira. Kyaaaa...

End of flashback.

"Omg" sabi ko tapos kinuha ko yung cellphone ko para tignan yung number nya.

Nasabi ko naba sa inyo na binigay nya yung number nya sakin. Para daw malaman ko kung nag aabang na sya sa labas ng bahay namin.

Oh diba ang haba ng hair ko * insert flips hair*

Haayyy sa wakas nakuha ko rin number nya matawagan nga. Pipindutin ko na sana yung call nang bigla kong nakita sa phone ko kung anong oras na.

'1:35 am'

"Bukas na nga lang. Baka natutulog na yun. Maka abala pa ako." Then binalik ko na yung phone ko sa may side table. Then natulog na uli. Mahirap na baka malate pa ng gising bukas or should i say 'Mamaya'.

To be continue..

Chanbaek_Lee


AUTHORS NOTE:

Madalang lang po akong makakapag UD kasi masyadong busy.

Classmate ko si crush(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon