Ema Ravilo's Story

28 1 0
                                    

meron akong crush, sikat siya dahil sa basketball, siya ang ace sa basketball club at hearthrob sa school sabi nila suplado daw, masungit pero sa nakikita ko oh my gulay!!! ang hot niya sobrang gwapo niya, gusto ko siya yung mapangasawa ko! handa na ako magpakamatay kung siya ang dahilan ang pagkakamatay ko! oh shemay naman! god take me!

"hoy ema! tingnan mo nga iyan sarili mo konti na lang matunaw ka na lang jan kakatitig jan sa crush mo! ano ba meron sa kanya? at patay na patay ka ! eh hindi naman ganung kagwapuhan" ang nega! naman nitong bestfriend ko, ganyan siya kapag nagaway sila ng boyfriend niya eh bitter!

"aba! nagsalita ang babae! eh ikaw ano ba ang nakita mo jan kay justin at naging boyfriend mo? eh sa totoo lang niisang katiting wala siyang nakuha sa crush ko! tingnan mo ah! bukod sa gwapo,macho, at sikat sa basketball pati na din sa buong campus, matalino at sobrang bait pa! eh yang boyfriend mo may nakuha ba? wala! boyfriend mong ang hilig sa bisho katulad ng alak, yosi! at isa pa babaero! ilang beses mo nang nahuli hindi ka parin makipaghiwalay! at isa pa ha bestfriend matalino ka naman ewan ko ba naman sayo kung bakit pumatol ka sa bobong lalaki! lalaking walang dereksyon sa buhay ano dahilan mo na ibibigay mo saakin, 'eh mahal ko eh' my goodness beh! ang daming lalaki jan oh jan ka pa talaga nahulog?!"

"ewan ko sayo ema! eh ano gagawin ko mahal ko eh oo alam ko tanga na kung tanga eh ano gagawin ko nga mahal ko eh, hindi mo kasi alam kung paano magmahal ng tunay eh hanggang crush ka lang naman nasaan ang pagibig? kapag mahal mo gagawin mo ang lahat para sa kanya, para makita mo lang siyang masaya, you are ready to sacrifice everything you have"

love? ano nga ba ang love? hindi ba love ang tawag sa pagkakaroon ng crush? basta ang alam ko gusto ko lang siya makita, at kahit magmuhka akong tanga sa harap nila gagawin ko parin ang lahat para magkasama kami!

nakalimutan ko nga pala magpakilala, ako nga pala si Ema Ravilo 15 years old Third year high school ulila na sa ama at ina both of them died in the car accident ang sabi nila may kuya daw ako pero napasama na daw iyon sa namatay, oo nawalan ako ng memorya hindi ko nga matandaan ang muhka ng nanay ko at tatay ko ngayon nakatira ako sa isang apartment ako ang nagbabayad sa renta pero syempre tinutulungan ako ni Mich ang bestfriend ko pareho kami nagtratrabaho sa isang coffee shop pinayagad kami ng school na maging working student tutal naman daw ako na lang ang mag-isa, wala kasi ako kilalang mga kamag-anak ko hindi ko nga alam kung meron nga akong kamaganak at hindi ko alam kung nasaan sila

ipapakilala ko naman sa inyo si Mich ang kaisa-isa kong bestfriend Michelle Hernandez ang pangalawang anak ng Golden Inc. ang sikat at pinakamayan na kumpanya sa buong bansa, siya din ang unang tumulong saakin para magkaroon ng pera at makahanap ng trabaho madami na akong atraso kay mich at madami na din akong ipapasalamat kay mich, pero tanga si mich pagdating sa pagibig, nagmahal siya ng isang lalaki na walang kwenta sorry sa word pero totoo naman eh, ilang beses na namin nakita yung boyfriend niyang may kasamang iba pero hindi niya parin kayang makipaghiwalay kasi nga mahal niya daw, lahat daw ibibigay niya para hindi mawala ang boyfriend niya

"oh! naanjan pala kayo? kamusta ang school?" siya si Mat-mat ang katrabaho namin dito sa coffee shop matagal na siya nagtratrabaho dito, siya din ang naging una naming naging kaibigan at siya din ang tumulong at nagturo kung papaano ang galaw dito sa coffee shop mabait yan! tuwing may babae kaming customer lagi nilang nirerequest ni mat-mat mabait na gwapo pa at masipag at matalino oh di ba ganyan dapat ang mga lalaki masipag mabait at matalino

"alam mo ba mat-mat itong si mich ayaw padin makipaghiwalay sa boyfriend niyang walang kwenta"

"huh? bakit? eh di ba manloloko yun"

"kaya nga eh ewan ko ba dito kay mich"

"sige jan kayo magaling pagtulungan niyo ako, ka-stress! huh? huy ema tingnan mo yung paparating"

bigla ako hinila ni mich at hinawakan ang muhka ko at itinutok sa counter ng coffee shop namin at nakita ko si oh my! oh my! SI CRUSH!!!!!

"bakit siya naandito? naandito ba siya para bisitahin ako? o di kaya naandito siya para magproprose saakin?! oh my! i do! i do! i do!"

bigla akong binatukan ni mich, aray! kulang na lang mapunta ako sa kabilang mundo eh kahit kailan talaga masakit mamalo si mich sa kapal ba naman ng kamay niyan

"gaga! naandito lang siya, ikaw na agad ang dahilan, propose agad bata ka pa teh, ang landeee!"

"bakit ba! inggit ka lang hahahaha"

oh my g! nanaginip ba ako sana wag niyo na lang ako gisingin handa na akong mamatay!

"ano pa ang hinihintay mo? puntahan mo na yung crush mo, sige ka bakamahuli ka" pagtutulakan saakin ni mich, eh kinakabahan ako, basa na nga ang kilikili ko eh, naiihi tuloy ako dahil sa kaba, jusko basang basa na ako para na akong basang sisiw, palapit na ako sa table nila, oh my god ang gwapo niya talaga! i love you! i love you! i love you! mwaaaahhhh!

"mwaaahhh i love you!"

"umm miss, coffee ata namin yan" minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako sa sarili ko! nagsabi ako ng 'i love you' sa kanya at para akong tanga na gusto ko pa soya halikan, oo gusto ko yun pero sa panaginip lang ano na ang gagawin ko!

"teka, ikaw ba si ema? yung masungit at matapang na babae?" tanong nung isa niyang kasama saakin

" oo nga noh siya si Ema Ravilo yung cute but wild girl, dito ka pala nagtratrabaho"
sabi pa nung isa niyang kasama actually apat sila kasama si crush sa apat at bakit parang kilala nila ako?

"hi babe!" may narinig akong boses ng babae at bigla ko na lang naramdaman na may tumulak saakin kaya naman ako natumba pati na din yung mga coffee's saakin ganito yung muhka ko 😧

" ay sorry hindi kasi kita nakita" sabi saakin nung babae, yun lang ang sasabihin niya saakin, sorry hindi niya kasi ako nakita? lokohan?! gusto niya ata away eh!

"ayos ka lang, miss?" biglang may nag-abot ng kamay saakin para tulungan ako, pagkatingin ko isang mysterious boy gwapo din siya napatulala ako sa kanya oh my g!
tumayo ako at nagpasalamat dun sa lalaki at nagulat ako sa nakita ko katabi ni crush yung malditang babaeng iyon, oh my gof! siguro girlfriend niya? or sugar girl lang? please sabihin mo saakin ang totoo sino siya!

"babe, next time sa laro niyo di ba may game kayo next week, mag3points ka haa, para saakin at kapag nakapag3points ka mag-wink ka saakin at flying kiss"request ni maldita

"babe kailangan pa ba yun?"sabi ni crush

"oo naman babe para romantic di ba?" sabi nung malditang babaeng yun

"te-teka, magcouple kayo?" tanong ko na parang takot na takot na tanong

"oo, bakit anong problema mo coffee girl, boyfriend ko siya may anggal ka?" ayyy! papatayin ko talaga itong malditang babaeng ito! teka, boyfriend sino si CRUUUUUUSHHHH!!!!!!!

"ANO?!"

All rights Reserved 2015

Mahal Kita pero di mo lang alam

Mahal kita pero di mo lang alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon