"WALA na po kaming nakita na bangkay o buhay sa loob at sa paligid ng pinangyarihan ngpagpatay Mrs. Luviera," ani ng pulis kay Mrs. Luviera.
"Hindi maaari! Ang anak ko. Nasaan siya?! Nasaan si Bridgette?!" Umiiyak na turan nito.
Isang linggo na ang lumipas matapos malaman ng lahat ang pagpatay sa lahat ng estudyante niTeacher Noah.
"Sinalakay kami ng mga bandido. Parang mga NPA sila...Isa-isa nilang pinatay ang aking mga estudyante! Napakawala nilang puso. Mabuti nalang at nakatakas ako bago pa nila ako mapatay!" Iyon ang pahayag ni Teacher Noah sa nangyari.
Pinaalis na ng mga pulis si Mrs. Luviera.
"Ayoko! Hanapin niyo si Bridgette!" giit pa nito.
"Hon, umuwi na tayo. Hayaan na nating gawin ng mga alagad ng batas ang kanilang trabaho." At inakay na ni Mr. Luviera ang esposa nito papasok sa kanilang van.
Mula sa di-kalayuan ay tanaw na tanaw ni Bridgette ang lahat. Isang kulay itim na tela ang nakabalot sa kanyang mukha.
Kung may makakakita lang sa kanya ngayon ay hindi na nila makikilala na siya si Bridgette dahil sirang-sira na ang mukha niya dahil sa sobrang tapang ng asidong ibinuhos sa kanya ni Teacher Noah. Kitang-kita niya sa kinaroroonan niya ang pagtangis at pag-iyak ng mga magulang at kamag-anak ng kanyang mga kaklase na namatay. Nakahanay sa gilid ng kalsada ang napakaraming bangkay. "Kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari anglahat ng ito..." umiiyak at tahimik niyang turan.
Labis ang pagsisising kanyang nararamdaman.
Totoo nga na nasa huli ang pagsisisi at huli na rin para sa kanyang pagbabago. Marami ng buhay ang nawala dahil sa pambubully niya. Tumalikod na si Bridgette. Hindi na niya kaya ang kalunos-lunos na senaryong kanyang nakikita. Gamit ang isang kahoy na tungkod ay paika-ikang naglakad palayo si Bridgette. Bahalana kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa...
MABILIS na lumipas ang isa pang buwan at isang programa ang dinaraos sa Wellington Highschool. Isang seremonya makalipas ang eksaktong isang buwan matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa lahat ng estudyante ni Teacher Noah. Bilang panimula matapos ang mataimtim na panalangin ay nagsalita muna ang principal ng naturang eskwelahan. "Nakakalungkot isipin na halos dalawang buwan na lang sana ay makakatapos na sa highschool ang mga batang ito na naging biktima ng mga walang pusong mga bandido. Sana ay hindi na ulit maulit ang ganitong pangyayari. Bilang pag-alala sa ika-unang buwan ng pagkamatay ng mga estudyanteng ito ay inaanyayahan ko ang nag-iisang survivor sa insidenteng iyon...Mr. Noah Veracruz!"
Nagpalakpakan ang mga naroon ng pumanhik sa entablado si Teacher Noah. Nasa mata niya ang lungkot. "Magandang umaga po sa inyong lahat," panimula niya. "Bilang guro ng tatlumpung estudyante na lahat ay namatay, masakit para sa akin ang nangyari. Wala akong nagawa habang isa-isa silang namamatay sa harapan ko!" tumulo na ang kanyang luha. Nagsimula na ring mag-iyakan ang mga audience na naroon lalo na ang mga ilang magulang. Nagpatuloy si Teacher Noah. "Gusto ko lang na magkwento sa inyo. May isa akong estudyante na naunang namatay na. Siya si Olivia. Simpleng estudyante na may lihim. Hanggang sa malaman ng mga kaklase niya ang lihim niyang iyon. Doon na nagsimula ang pambubully sa kanya hanggang sa hindi na niyakinaya ang lahat...Nagpakamatay siya. Magsilbing aral na sana sa ating lahat ang pangyayaring ito. Wag ninyong hahayaang mangyari sa mga anak niyo ito. Pinakaimportant e ang komunikasyon. Kausapin niyo sila pagkauwi nila galing sa school. Unawain niyo sila dahil marami pa silang bagay na hindi pa nila alam...Maging magulang kayo sa kanila." Nag-crack na ang boses ni Teacher Noah. Sa wari niya ay hindi na niya kayang magsalita pa. "Marami pa sana akong nais sabihin pero sa tingin ko ay hindi ko na kaya. Nakikiramay po ako sa inyong lahat...Salamat po."
BINABASA MO ANG
School Trip
HorrorA PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan na ng lahat...Pero ang kaluluwa ni Olivia, nakalimutan na rin kaya iyon? Sasama ka ba sa isang kaka...