Ang buhay ay parang isang teleserye, isang pelikula, isang kwento na puno ng hapdi,lungkot, saya, pighati.
Mga eksenang nagpapatibay ng bawat isang indibidwal at nagiging daan upang ang bawat isa ay sumabay sa tatahaking landas.
Ganyan ang buhay. Sabi nga nila "Life is full of mysteries".
Ganyan ang kwento ng buhay ni Agatha. Lumaking palaboy sa lansangan. Wala ng mga magulang. Lumaki sa aruga ng kanyang matandang abuela. Sa isang barong barong pinagkakasya ang mga sarili.
Ang kanyang Ina ay hinalay, isang gabing inabot ng umaga sa pagtitinda ng balot at tinapay sa lansangan. Na sya na ngayon ang naging bunga ng kapangahasang iyon. At pumanaw din matapos syang isilang.
Hindi sya nakatapak man lang sa ikalawang baitang kaya elementarya lamang ang kanyang natapos.
Pinagkakasya nila ng kanyang abuela ang kaunting kita sa pagtitinda ng mga candy,sigarilyo at kung ano ano pa.
Sa araw araw ng kanyang paglalako ay dumaraan siya sa isang mansion na abot ng kanyang natatanaw. Doon ay nangangarap siya ng isang buhay na kanyang inaasam asam. Hindi man nya marating ang ganoong katayuan ay maramdaman man lamang nya sa isang panaginip. Sa panaginip at pangarap na iyon siya ay isang prinsesa na buo ang pamilya.
Sa kanyang edad na 17 ay hindi sya nawawalan ng pagasa na marating ang pangarap nya na makapagtapos ng pagaaral.
Naalala nya laging paalala ng kanyang abuela, "Apo, alam ko hindi man tayo mayaman, wala man akong maipamana sayo, huwag na huwag kang magbabago, maging mabait tayo kahit tayo ay inaapakan ng tao, matuto tayong magpakumbaba, kahit wala tayong pinagaralan." Magsikap tayo na maabot ang pangarap mong makapagtapos ng pagaaral."
At iyon ang itinatanim nya sa sarili nya na sisikapin nyang makapagtapos ng pagaaral. Matanda na rin ang kanyang abuela sa edad na 70 anyos. Pro dahil sa hirap ng buhay nila nagagawa pa rin magtinda ng mga candy, sigarilyo sa kalye, sa kabilang kanto ito dumidestino para malapit sa kanilang barong barong.
Habang siya nman ngttinda ng sampaguita sa umaga sa simbahan. Sa tanghali nman ay dumadayo ng labada sa kung san sya isama ng kanilang kapitbahay na namamasukan bilang katulong.
BINABASA MO ANG
Agatha
RandomPrologue Tadhana ang makdidikta sa atin kung ano ang ating tatahakin maging ito man ay puno ng pighati, tuwa o lungkot. Si Agatha, na puno ng pangarap para sa buhay nila ng kanyang abuela. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, inaasam pa rin nya na makat...