Chapter 2

79 3 0
                                    

'Agatha! sigaw ng kanila ng kapitbahay na si Josephine sa kanya.

'Oh baket makasigaw ka diyan akala mo napakalayo ko', si Agatha na sa pagmamadali muntikan ng madapa.

'Kailangan daw kasi ng makakasama ni nanay sa paglalaba sa mansyon na pinagtatrabahuhan nya kasi umalis yata ung isang labandera doon, hindi naman ako pwde kasi pinapapunta ako sa kabilang bayan at me inaalok sa aking trabaho dun',pagbibida ni Josephine.

'Ah ganoon ba', sige at magaayos muna ako. Sasabay na ko sayo, sayang din iyon, pandagdag sa ulam at pambili ng bigas, pagsangayon ni Agatha.

'Ok sige libre na kita sa pamasahe. Bilisan mo at baka mahirapan tayo makasakay, sabi ni Josephine.

Makalipas ng ilang minuto kasama na ni Agatha si Aling Teresa sa mansyon na iyon. Lulang lula si Agatha sa taas at garbo ng mansyon na iyon. Hindi rin nya akalain na makakatuntong sya sa ganoon kalaking mansyon.

Kahanga hanga ang ganda at tayog niyon, ilang talampakan din ang taas ng gate na iyon, at me dalawang gwardya nakabantay sa loob at labas ng gate na iyon.

Me bermudang nakatanim sa labasan at kahanga hanga ang landscape na makikita sa labas at loob nito. Magaganda at malalago ang mga bulaklak na nakatanim dito na lalong nagbibigay buhay sa mansyon.

Sa harap ng mansyon mayroon grotto at gazebo na maaring gawing bulwagan sa tuwing me kasiyahang magaganap. Makikita rin kung ilang mamahaling sasakyan ang nakaparada sa kanilang garahe. Hindi makakailang me bilyonaryo ang nakatira dito.

'Agatha, halika ka na sa likod at ng matapos na tayo sa ating labahan, at ng maaga tayong matapos, pangungumbinsi ni aling Teresa.

Kaya dagling kumilos si Agatha na tulala sa kanyang nasaksihang tanawin.

AgathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon