Ng matapos nila Agatha ang mga labada ay umuwi na sila. Masungit ang panahon, madilim at malakas ang ulan na may kasama pang kulog at kidlat.
Hindi alintana ni Agatha ang sungit ng panahon. Nilusob nya ang lakas ng ulan upang makauwi sa kanyang abuela. Basang basa na sya sa ulan dahil hindi kinaya ng kanyang payong ang lakas ng hangin at ulan.
Sa kabilang banda. Si Mark sakay ng kanyang ferrari ay galing sa bakasyon na nagmamadaling umuwi sa kanilang mansyon upang silipin ang may sakit na ina.
Sa kanyang pagmamadali nahulog ang kanyang cellphone upang tawagan sana ang kanyang ama at kumustahin ang kanyang ina. Sa pagkataranta nabitawan nya ang kanyang cellphone, pilit na kinakapa ang sa baba ng upuan, dahilan upang hindi mapansin ang dalagang papatawid sa kabilang kalye.
'Shit! , nabangga ko yata ang babae!, mura sa sarili.
Dali dali sya at bumaba sa kanyang auto. Nakahiga na ang babae at walang malay. Basang basa na sa ulan. Binuhat nya ang babae at dinala sa hospital.
Hindi kasi tumitingin sa dinanaanan eh, bulong nya sa sarili. Tiningnan nya ang pulso at napagalamang buhay pa ang babae.Dumirecho sya sa pinakamalapit na hospital.
Si lola Isabel naman ay alalang alala kay Agatha na hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi. "Diyos ko, asan na ba ang apo ko, anong oras na?wala pa. Bka kung napaano na apo ko".
BINABASA MO ANG
Agatha
RandomPrologue Tadhana ang makdidikta sa atin kung ano ang ating tatahakin maging ito man ay puno ng pighati, tuwa o lungkot. Si Agatha, na puno ng pangarap para sa buhay nila ng kanyang abuela. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, inaasam pa rin nya na makat...