PAGE 1

71 4 0
                                    

Hindi ka ba nagtataka?
Sa paligid mo.
May mga tanong na hindi nasasagot.
At may mga sagot naman na bumubuo ng maraming tanong.

Katulad na lamang nito;

'SAAN BA TALAGA NANGGALING ANG TAO O ANG MUNDO?'

at

'MAY HANGGANAN BA ANG UNIBERSYO?'

Bagama't may mga sagot ang mga dalubhasa dito.
Wala pa rin itong katiyakan o katotohanan.

Pero ako

ALAM KO!

At Ikwe.kwento ko sa inyo.

Noong unang panahon sa ikapitong araw matapos gawin ng Bathala ang Mundo at ang tao. Biniyayaan nya ito at namahinga.

Habang namamahinga ang Bathala'y may namumuong inggit naman sa kaluoban ng kanyang kanang kamay na si Lucifer.

Nakita ni Lucifer ang kapangyarihan ng Bathala.
Lalong-lalo na ang kakayahan ng Bathala na lumikha ng buhay.

Ilang pilit man ni Lucifer na lumikha ng buhay ay hindi parin ito nagtatagumpay.

Kaya sa subrang inggit ay hinikayat nya ang ibang mga anghel upang maghimagsikan laban kay Bathala.

May mga nahikayat ni Lucifer at may mga nanatiling tapat naman sa Bathala at isa na dito si Gabriel.
~•~


Gabriel: Panginoong Bathala. Ipag-umanhin nyo po ang aking paggambala sa inyo ngunit may digmaan po'ng nagaganap sa pagitan ng mga anghel na panig kay Lucifer at sa aking hukbo.

THE FOUR STONESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon