Chapter 34

31 2 0
                                    

*Aisha POV*

Tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa table sa gilid ng Bed ko.Katabi ko ang natutulog na si Nami.Nagtataka ako kung sino bang loko-loko na tatawag sa ganitong oras!

Sinagot ko yun na hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"Hindi siya sumagot.Nagtatakang tinignan ko ang tumatawag.Unknown number yun.Nag-hello ulit ako at nadinig ko na ang mga boses sa background.Nanliit ang mata ko.

"Aisha..."Medyong mahina ang pagkasabi nun ni Grammar boy.Well,kilala ko ang boses ni Grammar boy.Medyo matinig kasi eh.Siya lang naman ang kilala kong may ganung boses.

Umupo ako at sinandig ang ulo sa headboard ng kama ko.Ingat na hindi magising si Nami.Pinaandar ko ang lamp sa gilid bago sumagot.


"Problema mo?"

Huminga siya ng malalim na hininga.Lalim ah?

"I'm sorry"

"For what?"Tanong ko.

"Dahil hindi tayo natuloy."

"Yun lang naman pala.Hindi naman ako nadisappoint dahil hindi naman ako excited.Kaya okay lang"Sinungaling!I rolled my eyes.Simula yata ng makilala ko ang Grammar boy na mongoloid na to nagiging sinungaling na ako ah?

"Yeah... I'm sorry..."Medyo tumahimik ang sa kabilang linya.Hindi din ako umimik.

"Na-Nakausap ka daw kanina ni Clyde?"

"Yes.Hindi lang naman ako.Also Hani and Nami"

"Hmmmm...hihingi ako bukas ng apology kay Nami."

"Dapat lang."Mariin kong sabi."Silang dalawa ni Hani ay na-disappoint sa hindi niyo pagsulpot.Ilang oras din kame naghintay sa inyo ah?Pa-special kayo masyado"Humalakhak siya.Natigilan ako.Kahit tumatawa siya ramdam ko pa rin ang kahungkagan niyo.Hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Are you okay?"Biglang humupa ang tawa niya.Napaayos ako ng upo.Inabot ang kumot at kinumutan hanggang bewang ko.

"Yeah...ikaw?"

"Ano'ng ako?"

"Are you okay?Nabasa ko yung text ni Nami kay Clyde"Ang daldal talaga ng Nami na to!

Tinapunan ko ng masamang tingin ang natutulog na si Nami sa tabi ko.Buti na lang tuloy siya kundi makakatikim talaga siya sakin ng kutos.

"Ang bilis talaga ng balita."

"Just tell me you're okay"

"Okay lang ako.Wag masyadong OA.Wala namang nangyari,kaya bakit ako hindi magiging okay?"

"Okay.Hindi na kita kukulitin.Basta marinig ko mula sayong okay ka"Nagtaka ako ng parang nahahapo siya sa huling sinabi at may nadinig akong mga tahol ng Aso.

"Hey!-"

"What are you doing?"

"Huh?"

"Anong ginagawa mo ngayon?"

"Gag*.Tinagalog mo lang.Anong kala mo sakin may Problema sa Grammar?Hoy!Hindi ako tulad mo,Grammar boy"




"Hahaha...I know"Natahimik ako at pinakinggan lang ang tawa niya.Bakit ang ganda sa tenga?Ang sexy.

Napasimangot ako sa iniisip.Kailan pa naging sexy ang Grammar boy na yun?

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko"Pukaw niya sa iniisip ko.

*Exotic Corporation Love 1* My Gangster Lover(Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon