S.U. 52 The Final Battle

8.9K 200 13
                                    

CHAPTER 52

THIRD PERSON'S POV

"They are gone. Mukhang dadalhin na sina Freja at Hailey sa hidden villa," muling sabi ni Braxly kay Caiden.

"Okay, Yosef and Keith tignan ninyo ang mga darating," paalala ni Caiden.

"Keep an eye to Hailey, she's, she's," nauutal na sabi ni Braxly.

Biglang napahinto si Caiden nang mapansin na parang may kakaiba sa sinasabi ng kaibigan. "What the hell Braxly? Is there something wrong?"

"She's not okay. She's bleeding, nasaksak siya."

"What? Fvck you! Pinabayaan ninyong masaksak siya? Where the hell are you King and Zaid! I told you to keep an eye to Zoe!" sigaw na naman ni Caiden. Napasipa siya sa mga batong nasa paligid niya. Hindi siya mapakali at gustong guto nang lumabas para puntahan si Hailey.

"I'm sorry, nahuli ako ng dating," malungkot na paliwanag ni Braxly. Kahit siya ay naiinis din sa nangyari dahil hindi siya nakatulong.

"What is happening? Bakit walang sumasagot mula kina King?" nagtatakang tanong ni Caiden.

"I'm going to check them, I have 1 enemy left."

"Caiden natatanaw na namin ang golf cart sakay si Freja at si Hailey na mukhang walang malay," singit ni Yosef.

Pagkatapos kalabanin ni Braxly ang natitirang guard ay tumakbo na siya papunta sa may resto bar, ito kasi ang una niyang madadaanan bago ang main hall. Doon niya natanaw sina Jia at Kyler na isa isang tinatabi ang mga tulog na guests sa sahig. Sinenyasan niya ang mga ito na sumunod sa kanya pagkatapos nang ginagawa nila.

Pinuntahan na niya ang main hall. Nagtaka siya nang makita na saradong sarado ito. Ang mga glass window ay naka-lock at hindi niya makita ang mga tao sa loob. Ang entrance din ay nakasarado. Wala na siyang makita na tao sa paligid. Habang naglalakad ay nakaramdam siya na parang may sumunod sa kanya. Mabilis siyang humarap sa likod at nakita sina Jia at Kyler.

"Anong nangyari?" tanong ni Kyler habang nakatingin sa main hall.

"I don't know, may iba pa bang daan na pwedeng pasukan dito?" tanong naman ni Braxly.

"Oo sa fire exit Brax, tara!" tugon ni Jia. Tumakbo na sila papunta roon at nang makalapit na sila ay nakarinig sila nang putukan mula sa loob. Napatago ang tatlo sa kalapit na poste nang makitang may lumabas mula sa fire exit at iyon ay sina Knopper at Elisa kasama ang mga body guards nila. Sumakay sila sa golf cart at nilisan ang lugar. Bigla namang lumabas sina Zaid at King na balak sanang habulin ang mga ito. Pero napatigil sila nang tawagin ni Jia.

"King, anong nangyari?" sigaw ni Jia. Mapapansin ang ilang mga dugo sa damit nila King at parehas pa sila ni Jia na may hawak na baril.

"Sinarado nila ang buong hall at nagtapon ng tear gas sa loob. Ang lahat pala ng bisista ay mga kalaban at kaalyado ng mga Chen!" tugon ni King.

"What? Where's Paula?" tanong ni Braxly. Napatingin naman sa kanya si Jia na may halong pagtataka. Kilala niya kasi ang kaibigan na walang pakielam sa mga babae.

"Nasa loob, kanina nag-uusap nga lang sila ni Mr. Pritzker, ang tagal nga e, pero ngayon ay naglalaban na sila. Makulit si Paula, ayaw kaming patulungin sa kanya," sagot ni Zaid.

"Shit, dapat nagpumulit pa rin kayong tulungan siya! Hindi kaya ng babaeng iyon ang century killer. Katumbas niya ang benteng magagaling na tao!"

Pagkatapos ni Braxly sabihin iyon ay tumakbo na siya papasok sa fire exit, ang napahintong si Jia ay sumunod na rin kay Braxly, kitang kita rin sa mga mata nito ang pag-aalala nang malamn kung sino ang kalaban ni Paula.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon