TOM’S POV
Hi . ako nga pala si TOM EDWARD SUAREZ .
Ang gwapong basketball player ng St. James International School
Mabait naman ako sabi nila.
Mapagkakatiwalaan din daw.
Gentleman .
Pero ewan ko ba. Hindi ako naniniwala.
Maraming nagkakagusto saken dito sa school na ito.
Pero hanggang ngayon wala pa ring akong Girlfriend.
Tinatanong nila kung bakit pero ang lagi ko lang sagot ay hindi ko alam.
Torpe kasi ako.
Walang confidence.
Natatakot masaktan.
Isang beses lang akong nagmahal.
Sa childhood bestfriend ko pa.
Siya si Carla James del Monte.
Ang may ari ng Del Monte Food Corporation.
Mayaman siya. Mayaman din naman ako kaya hindi yun yung dahilan kaya ako natotorpe.
Matalino siya. Pero hindi siya Nerd noong bata pa kami.
Ewan ko nga kung bakit nagbago siya eh. Dati cool lang siya. Tamad. Pero honor student siya.
Hindi lang basta honor student. Siya ang salutatorian namin noon.
Kaya alam ko na kahit hindi pa siya magkulong sa bahay nila ngayon , kayang kaya nga pa din magka honor.
Tinanong ko kasi ang bestfriend nya kung bakit parang hindi na siya nakikipag socialize eh. Sabi ni trishia, gusto lang daw magfocus sa study niya.
Parang ayaw ko maniwala eh. Parang may tinatago sila.
Lumayo na lang siya sa akin simula nang maka graduate kami ng elementary.
Hindi ko alam kung bakit.
Ang alam ko lang…
NASASAKTAN AKO KAPAG NAKIKITA KONG PILIT NIYANG INILALAYO ANG SARILI NIYA SA AKIN..
SA DATI NIYANG BESTFRIEND NA NAGMAMAHAL SA KANYA.
Natatandaan ko pa ang tinanong niya sa akin noon
>>>>FLASHBACK<<<<
“ ok… what if I think ikaw ang first love ko?? “ –Carla
Niloloko na naman ako ni Carla. Hindi ko alam kung bakit niya tinanong to. Pero ayoko pang masaktan.
Baka isa na naman to sa mga biro niya.
Pano kung umamin na akong mahal ko siya??
Wag na lang. biro nga lang to.
“are you kiddin me ?? bata pa tayo. Bata ka pa . tsaka sorry Carla pero parang baby sister kita eh . nothing more “ –me
“hahahaha.. you’re cute. Im just kiddin. Ok gotta go “-me
Haaaaay.. sabi ko na nga ba. Edi kung umamin ako baka layuan pa ako nito.
Umalis na siya..
Pero bakit parang may tumulo sa mata niya na pinahid niya??
Wala yun. Nababaliw na naman ako.
>>>>END OF FLASHBACK<<<<
Yun ang huli naming conversation.
Hindi ko na siya nakikita.
Hindi ko na siya nalalapitan.
Parang may mali akong nagawa pero hindi ko alam kung ano yun.
Naiinis ako sa sarili ko kasi nagpakatorpe pa ako.
Kaya niya ba ako nilayuan dahil nalaman niyang in love ako sa kanya??
Pero hindi naman siguro.
Ako lang ang nakakaalam nito eh.
Three years na simula noon pero in love pa rin ako sa kanya.
Gay ba ?? hindi naman dba?? Nagmamahal lang ako talaga.
Susubukan kong kausapin siya :D
AJA !
BINABASA MO ANG
Malfunction of the Heart
RomanceWe don't need to explain how much we love a person. It depends on them how they appreciate the efforts that you did for them to be contented. but you never failed to make me upset every time i do great things for you