CARLA’S POV
Tinigil ko na muna pag- eemote ko .
Nandito kasi ako ngayon sa klase namin kasama ang aking partner na si LOUIS WILLIAM THOMAS. Laki siya sa States tsaka American ang tatay niya kaya ganyan ang pangalan.
LOUIS yan pero ang tamang pagbanggit daw diyan ay LOUIE.
Hahaha, ang WEIRD ng parents niya. Pero LOUIE talaga ang tamang pagbanggit ah.
Kahit na bulol pa yan sa tagalog noon, nakakatuwa pa rin iyan kasama. Lagi akong kapartner niyan sa lahat ng activities sa school eh. AS IN LAHAT (~.~)
Hindi pa rin naman ako nagsasawa diyan eh. Bukod sa matalino yan, mapagkakatiwalaan pa.
Kumbaga, siya ang pumalit sa bestfriend ko dati na si TOM.
Simula ng nawala si TOM hindi na ako nagkaroon ng kaibigan na lalaki.
Hindi pala siya nawala, lumayo pala ako para hindi na ako masaktan.
Pero ewan ko ba kung bakit parang natuto ako ulit magtiwala sa bago kong BESTFRIEND.
Kungsabagay parang harmless naman itong si LOUIS .
Parang siya na rin yung tumatayong kuya ko sa school.
Two years kasi ang tanda niya sa akin eh.
Lagi akong nililibre niyan sa cafeteria.
Minsan nga hinahatidan niya pa ako ng pagkain eh.
Yay ang swerte ko talaga sa OLDER BROTHER/PARTNER/BESTFRIEND/ALALAY ko.
Hahaha.. pero joke lang yung ALALAY . Peace kuya LOUIS :D
“hoy Carl parang timang ka lang diyan ah. Tumatawa ka mag isa.hahahaha”
“Bakit Carl na naman tawag mo sakin kuya!!! “
“hahaha.. eh mukha kang lalaki eh. Kilos lalaki ka pa. tsaka wag mo nga akong tawagin na kuya, pag tinawag mo ako ulet ako niyan di na kita gagawan ng artwork sa MAPEH” (-_-)
“naman eh.. sige na nga, ang cute cute talaga ng BESTFRIEND ko.. ayieee.. gagawan na ako niyan ng artwork “ (^_^)
“pshhh.. you should be thankful Carl . kung wala ako dito sa tabi mo siguro bagsak ka na sa art class natin. Payback time later ah. Kain tayo sa KFC, your treat!” (^_^)
Ganyan naman lagi yan eh, pero sa huli siya pa din ang nagbabayad ng foods naming.. hahahaha . parang kuya talaga (*0*)
“sige Louis mamaya ah , lets do our task na dito sa trigo”
“tapos na ako kanina pa.. hahaha.. pano ka makakasali sa Math quiz bee niyan kung ganyan ka kabagal ?? “
“ehh kasi kala ko kinakausap mo lang ako. MULTITASKER si kuya LOUIS ko “
“ shut up, stop calling me kuya nga eh”
“ okay. Ill zipper my mouth na kuya “
(.^^) -ako (~~.)- siya
Hahaha, nakakatawa talaga siya pag napipikon.
Nakakatawang isipin na ganyan na ganyan din kami ni TOM noong Elementary kami.
Kung hindi ko siguro inamin yun baka sana hanggang ngayon kami pa rin yung magbestfriend.
Baka hanggang ngayon masaya pa rin kami magkasama.
Baka hanggang ngayon hindi ako natatakot magtiwala at masaktan.
Baka hanggang ngayon may taong nagbibigay liwanag at inspirasyon sa buhay ko.
Pero wala akong magagawa eh. Nasabi ko na, at nalaman ko din na nagpapakatanga na lang pala ako nun.
Three years na pero hanggang ngayon naiimpluwensiyahan pa rin ako ng nakaraan ko.
Mahirap palang umasa,
Mahirap palang magpakatanaga.
Sana una pa lang pinigilan ko na.
Sana una pa lang alam ko na yung magiging consequence ng pag-amin ko sa kanya.
Eto na naman ako eh. Ayaw ko na nga
Enjoy na lang kami sa lakad naming ni Kuya Louis ko :D
BINABASA MO ANG
Malfunction of the Heart
RomanceWe don't need to explain how much we love a person. It depends on them how they appreciate the efforts that you did for them to be contented. but you never failed to make me upset every time i do great things for you