Ang daling sabihin na makakalimutan kita, pero ang hirap palang gawin..Sino ba naman kasi ako, para magkalakas loob na iwan siya? Break up? Under the rain? A daybreak rain?
Ako ang pinaka nakakainis na tao.. Dahil ako ang taong walang paki sa mga bagay bagay, hindi ko sila pinapahalagahan, nasasaktan ko sila ng sinasadya at hindi sinasadya.. Ako yung isa sa mga estudyante na hindi makapagreview dahil may ibang inaatupag, kaya umaasa na lang ako sa multiple choice pag may test o exam..
Totoong minahal ko siya, pero it doesn't mean na binago niya ako.. Ng mahalin ko siya noon, ganun parin naman ako.. Kung ano ako bago ko siya makilala yun ako ng makilala ko siya at ako parin yun ng naging akin siya.. Kaso iba pala talaga kapag masyado kang sira ulo.. Maraming nawawala sayo, kapag hindi mo pinaghandaan..
Sa ngayon medyo umayos ang buhay ko, nakakapag study na ako ng maayos, pero bihira parin ang pagpapahalaga ko sa isang bagay, lalo na't narealize ko na kung kelan wala na ang isang bagay, saka ka lang magsisisi at magsasabi na sana hindi ko na lang siya binitawan kahit pagod na pagod na ako... How complicated!!
Ako nga pala si Charles David Adamson ... Ang lalakeng mahal na mahal si Shan. At ang lalakeng nakipagbreak sakanya.
Well, sorry kung magagalit kayo sakin dahil sa pag-uugali.. G*go kasi ako..
Shan's POV
May nakalimutan akong sabihin sainyo... Yun ay may pagka maldita o maarte din ako.. Nilalabas ko lang yung ugali kong yun kapag may nang away sakin o sa kaibigan ko.. Or kung makapang lait akala mo maganda!
Hehe, mukha tuloy akong masama...
"Erise!!! Samahan mo ako sa canteen!! Bilis!!" sigaw na sabi saakin ni Hannah sabay hatak ng kamay ko.
"Huy! Bakit ka ba nagmamadali?! Tsaka, sandali! Pagod na ako.." tumigil naman siya sa paghatak at sa pagtakbo.. Hingal na hingal ako nun ah...
"Kasi maya maya parating na yung limang babae na maaarte sa canteen, so kailangan ko ng magmadali at bumili ng pagkain.." huh? Bakit naman siya matatakot dun?
"Una na ako, sunod ka ah! Bilisan mo.." dagdag pa niya..
Bakit ba siya nagmamadali?
Tumakbo na ako papunta sa canteen, pagkapasok ko nakita kong nagkakagulo.. Ano nanaman ba ito?
Nakipagsiksikan ako sa mga tao at nakita ko yung limang babae na sinasabi ni Hannah.. Pero .... Hindi si Hannah ang inaapi o inaaway nung limang babae, kundi yung kaklase naming nerd.. At lalake yun.. Ang lakas talaga ng loob ng mga babaeng to.
"Sino ka ba? Ha? Kilala mo ba kami? Ha? Sagot!" sigaw nung isang babae.

BINABASA MO ANG
Daybreak Rain
AcakShann is a beautiful, adorable, cute girl. She's a teen with an age of 15 turning to 16 Charles David is a guy who broke up with Shann a year ago. Even though Shann found it hard to get over him, she did and she even forget him. SHANN → mabait, mat...