February 1, 2012
Dear Diary,
My name is Vera Angela Cheng, 16 years old senior high school student. Student Government Secretary. Drama Club Star Actress. Cheerleader. School Muse. Top Four in Honor Roll.
And a member of No Boyfriend Since Birth Society.
Okay. Hindi ko naman sinasabing maganda ako. Hindi rin naman ako pangit. Katanggap-tanggap naman ang hitsura ko. Eh bakit wala pa rin akong boyfriend? Unfair.
And okay, hindi naman ako atat much. I'm just... wait. So what's the big idea of writing in this diary, anyway? I have so much to do, pero why am I writing? Puwede ko namang i-blog, right? Oh. School project. So you, Diary, are a school project na kailangang matapos in fourteen days before Valentine's Day.
Medyo bet lang talaga ni Ma'am Vanessa na maki-mood sa Valentine's Day. So sa loob ng fourteen days, kailangan naming isulat ang thoughts, mood, feelings, and whatever it is that we want to right sa diary na ito. Sa February 14 ang pasahan, so...
Okay lang. I love diaries. And I like writing. But honestly, hindi ko alam kung anong isusulat ko here. I mean, wala naman akong masyadong ikukuwento eh. Wala namang masyadong exciting na nagaganap sa akin.
But since Valentine's Day rin lang naman ang topic... I might as well get into the mood. Mood, mood. How can I even get into the mood eh wala akong love life? NBSB nga eh. I'm not bitter or anything, pero... OMG, why? Why wala pa akong boyfriend? I mean, wala man lang bang kahit isang lalaking naa-attract sa akin at bet na mag-attempt na manligaw?
The answer is wala. OMG, wala. At kahit 'yung nagpaparamdam man lang, wala. Grabe. Ganoon na ba ako ka-unttractive?
Forever alone na naman ang peg ko ngayong Valentine's Day. It's not that atat akong magkaroon ng boyfriend, pero you know, 'yung tipong someone man lang? Someone to care for, someone worth the kilig, someone... ugh, forever alone nga talaga ang peg ko ngayon. Just like last year. Habang ang buong barkada ko ay nag-enjoy sa noongValentine's Day last year, nasaan ako? Ayun, busy sa Student Government, making sure na everything went on smoothly sa fair. So unfair, right?
At noong freshman at sophomore ako, walang pasok ang February 14, so sinong kasama ko? Malamang 'yung DVD player ko at sangkatutak na Korean Dramas. Oh, I forgot to mention—si Vladimir na nakinuod din. He's my faithful dog, by the way.
But anyway, I'm fine. Bet ko lang mag-inarte slight sa diary na 'to, but otherwise, I'm fine without a boyfriend naman talaga. Sabi ko nga, nag-iinarte lang ako. I'm not bitter. I love seeing couples together. Ang sweet tingnan. Nakaka-inspire.
Maybe someday, I'll be with someone din. Tapos sweet kaming tingnan. At marami ring mai-inspire sa amin.
Love,
Vera
~*~+~*+~*~
"Good morning, David!" masiglang bati ko sa president ng Student Government namin habang papasok sa office ng SG.
"Anong ikinaganda ng umaga?" masungit niyang tanong.
Uh-oh. Nagsusungit na naman siya.
"Ako! Ako ang ikinaganda ng umaga!" masiglang sabi ko. Kapal ng mukha ko. I know, right? Pero joke lang naman 'yun.
"Kung ikaw rin lang ang makikita sa umaga, hindi na bale," sagot niya habang patuloy sa pagta-type ng kung ano mang tina-type niya.
Lumapit ako sa kanya. "Anong tina-type mo?" tanong ko. "Tulungan kita, you want?"
BINABASA MO ANG
Valentine Girl
Literatura KobiecaSi Vera Cheng ay member ng No Boyfriend Since Birth Society. Magka-boyfriend kaya siya bago mag-Valentine's Day? Valentine Girl is a light romance fiction inspired by the Valentine Season.