Mr. Right 4

14 1 0
                                    

"Nasaan naman kaya ang mokong na yun?" Bulong ni Misha sa sarili.

Hindi pa kasi bumabalik si Jaydee mula sa flag ceremony. Ayun, hinahanap-hanap na naman ng mga mata niya.

Biglang namang bumungad na isang bungkos ng mga pulang rosas sa harapan niya.

"Flowers for you! Happy birthday Misha!"

Pag-angat niya ng tingin, ang ngiting-ngiting mukha ni Lance ang nakita niya.

"Ayieeeee!!" Tukso naman ng mga kaklase niya. Nahiya naman siya. Ayaw talaga niya na nasa kanya ang atensyon ng lahat.

"Kunin mo na oh." Malambing na sabi ni Lance.

"Oo nga naman! Ikaw na nga ang binibigyan ng bulaklak eh." Epal na sabi ng babae niyang kaklase na sa pagkakaalam niya ay may crush kay Lance.

"Ahh.. Salamat." Sabay kuha niya nun. Ipinatong niya agad iyon sa lamesa niya.

"Hep hep! Not just that. Because it's your birthday, syempre may cake!"

Lumapit ang isa sa mga kaklase niya na may dalang blueberry cheese cake.

"Salamat talaga Lance. Nag-abala ka pa."

"Anything, just for you!"

"Misha! May naghahanap sa'yo sa labas!" Tawag ni Claire.

Tumayo naman siya at pumunta sa pintuan. Di pa man siya nakakalapit doon ay bumungad na sa kanya ang isang napakalaking teddybear. Natulala siya.

"Hello! Happy Birthday!" Ikinaway pa ng may hawak nun ang kamay ng teddybear.

Napangiti siya. Boses pa lang kilala na niya kung sino ang taong yun, kahit pa paliitin pa nito ang boses niya.

"Ano ba? Kanina pa ako nangangalay dito ah!" Sabi ng taong iyon.

Doon niya lang napagtanto na kanina pa pala iniaabot sa kanya ang teddybear.

"Sorry!" Sabay kuha niya nun.

Nagsimula na namang manukso ang mga kaklase nila.

"Salamat Jaydee!" Sabi niya sa binata.

"Anong salamat? May bayad yan."

Napaismid naman siya.

"Joke! Pero kailangan mo akong ilibre mamaya!"

"Ang sweet naman! Seriously, what's going on between the two of you?" Tanong ni Mario na umakbay pa kay Jaydee.

"Would you please speak with me in Tagalog? Na-no-nosebleed ako sa'yo dre!" Sagot naman ni Jaydee.

"Haha! Ewan ko sa'yo dre! Pero di nga? Anong meron sa inyo? Break na ba kayo ni Cassy?"

"Of coarse not! Yan napa-english tuloy ako."

Gusto ng umalis ni Misha sa kinatatayuan niya. Ayaw niya ng ganitong usapan. Masyado naman kasing echosero 'tong kaibigan ni Jaydee. Panira ng moment. Pero di na rin siya nagugulat sa mga ganoong tanong. Kahit ang iba ay nagtatanong kung ano bang meron sa kanila.. kung ano ba sila.

"Magkaibigan lang kami ni Misha. Para na kaming magkapatid kaya wag niyong lagyan ng malisya." Sabi ni Jaydee. Kumirot naman ang dibdib ng dalaga.

"Oww.. Eh ikaw Misha, kapatid rin ba ang turing mo kay Jaydee?"

"Aba. Hina-hotseat ako."

Right Beside You, Mr. Right (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon