Hindi ko alam kung bakit ako na-kick out mula sa dati kong school. Ako na nga yung na-bully tapos ako pa ang na-kick out. Nasaan ang hustisya?!
"Anak, okay lang yon. At least hindi ka na nabu-bully. Makaka-alis ka na sa school na 'yon," sabi ni Mommy.
Buti na lang may Mommy ako na understanding. Wala na akong tatay simula pa nung bata. Si Mommy lang kasama ko.
"Pero Mommy, nag-aaral lang naman ako. Wala akong ginagawa sa kanila. Bakit ganun sila sa akin?" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Niyakap ako ni Mommy. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa bisig ni Mommy.
Nagising ako dahil sa ingay ng bestfriend ko.
"Hoy babaita! Gumising ka na dyan at susugurin natin yung nangbu-bully sayo!"
Inawat ko na sya dahil nakakabulabog na sya.
"Marie, tama na yan. Pabayaan mo na sila."
"Yan kasi ang hirap sayo eh. Hindi ka lumalaban. Hinahayaan mo lang na maliitin ka nila! Lumaban ka!"
"Marie, mahina ako kaya hindi ko kakayaning lumaban," paliwanag ko sa kanya.
"Ewan ko sayo. Tumayo ka na nga dyan at ngayon yung unang pasok mo sa bago mong school diba?" Tumango ako bilang tugon.
"Minsan hindi ko na alam kung si Mommy ba ang nanay ko. Minsan kasi feeling ko ikaw eh," sabi ko sa kanya.
Tumayo na ako at naligo. Narinig ko naman mula sa labas ng banyo ang pagpapaalam ni Marie.
Lumabas ako ng banyo matapos maligo. Tinignan ko ang bagong uniform ng eskwelahang papasukan ko. Napaka-iksi ng palda hindi tulad ng mga napasukan ko nang schools.
Isinuot ko ang color green na palda. (Nakashorts po ako. Manang ako eh.) Hindi ako kumportable sa suot ko. Isinunod ko ang blouse ko. Pasalamat at hindi long sleeves. Nilagay ko naman sa leeg ko ang malaking laso at ni-ribbon ito. Mukha akong sailor moon sa suot ko. Pero walang sailor moon na may salamin at may hawak na libro.
Bumaba ako sa kusina upang mag-almusal bago pumasok. Nakita ko si Mom doon at hinainan ako ng pagkain.
"Handa ka na ba anak?" tanong ni Mom.
"Mmy, don't worry. Sasabihin ko sa inyo ni Marie ang nangyayari sa akin. Lalo na kapag may bully," tugon ko kay Mom.
Lumabas ako ng bahay at nagpahatid sa driver. Pumasok agad ako sa school. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante.
Lumapit ako sa isang babae. "Miss, saan dito yung Fourth Year Section Six," tanong ko sa kanya. Agad naman nya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Lumayo sya sa akin na para bang isa akong nakakadiring nilalang.
Nakita ko ang Principal's office. Agad akong pumunta roon.
"Good Morning Madame. Saan po ba ang room ko?"
Tumayo sya at inihatid ako. Habang naglalakad kami papuntang fourth floor ay bigla syang nagsalita.
"Mukhang hindi ka nababagay sa section six. Pero doon lamang ang bakante dahil kalagitnaan ka na rin ng first grading nag-enrol. Sigurado akong magugulat ka sa masasaksihan mo," sabi nya at pumasok kami sa isang classroom.
Magulo ang lahat. Hindi maayos ang mga upuan. Mga siga ang narito. Natural na rin siguro dahil last section ito. Ngunit ang ikinagulat ko ay ang ginagawang kababalaghan ng mga estudyante.
"Section six, you have your new classmate," sabi ng Principal na kanina'y mukhang mabait ngunit ngayon ay mukhang tigre at handang mangalmot.
Natigil ang lahat sa mga ginagawa nila. Napatingin silang lahat sa akin.
BINABASA MO ANG
SEXTION
RomanceYes, you read it right. Section full of sex. What will a nerd do with this kind of section? And what will happen to her if she met the King of the SEXTION? Wanna feel the heat? Read the story.