PART 8

16 3 0
                                    

Kasabay ng malakas ng pagbuhos ng ulan ay ang kaba na umusbong sa akin, paano kung hindi na sya magising. Dali dali akong lumapit sa kanya at tinapik ang pisnge nya

Oi Blake ! Blake gising ! God hindi ka pwede mamatay walang tigil na tapik ang ginawa ko sa kaliwang pisnge nya kasabay nito ay ang pagpatak ng luha sa akin mata. Paano kung napalakas yun hampas ko. Jusko po! Magiging kriminal ako at makukulong T.T

Hmm? Ungot ni Blake ng tablan sya ng walang tigil kong pagtapik sa pisnge nya.

Thank you Lord at okey naman sya. Thank you !

*door knocks*

Security personnel kaya yan?, wala naman akong inaasahan bisita o kakatok sakin ng ganitong oras

Blake saglit lang ah? Kausapin ko lang yun security personnel ng resort kahit alam kong wala pa sya sa ulirat para sagutin ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad nga sa akin ang dalawang personnel.

Good evening Ma'am, kami po ay mga security personnel ng resort pinakita nila ang id nila sakin.

Ah eh ano ba sasabihin ko ? Na pinasok lang ako ng malaking pusa o napindot ko lang yun sa telepono.

At inutusan po kaming pumunta sa villa nyo para icheck ang security nyo kasi nakarating po sa head namin na press nyo po yun 1 sa telepono which is for emergency purposes only

Ah oo nga ? Sorry na press ko yun number 1 ,don't worry I'll pay for my action if I needed to sana lumusot ako, para hindi lang sila makapasok sa loob at para hindi nila makita ang duguang si Blake, kaasar daig ko pa kriminal nito -__-.

Ah hindi na po Ma'am pasensya na po sa abala namin

Wala po yun pasensya na din po sa abala good night sige na umalis na kayo mga kuya hehe para matuon ko ang atensyon ko sa pag gamot ng sugat ni Blake. Tumango nalang sila at nagumpisa ng mag lakad. Dali dali ko namang sinarado ang pinto at dumiretso sa living room.

Teka! Asan yun ?

Blake ! Sigaw ko. Wala sya sa living room ah. Pumunta ako sa kitchen wala din sya. Sa guest room wala din. Baka nasa kwarto ko ? Patakbo kong tinungo ang kwarto ko, at andun nga si Blake na nakahiga, nakatakip ng braso nya ang mga mata nya. Dahan dahan akong lumapit at tinungo ang distansya sa pagitan naming dalawa. Umupo ako sa gilid ng kama, napansin ko na may bakas parin ng dugo sa ilong nya. May first aid kit ba ako dito? Kailangan ko ng yelo. Dali dali akong umalis sa kama at dumirestong kusina para kunin ang mga pakay ko.Nilagyan ko ng yelo ang maliit na towel na kinuha ko sa drawer ko kanina. Kumuha na din ako ng wipes para punasan yun natirang dugo sa parte ng mukha nya. Ang problema ko nalang ay ang patagiliran o padapain si Blake, ay hindi pwede, dapat pala nakatayo sya o nakaupo para makatingala sya at hindi umagos ang dugo.

Oi Blake lilinisin ko yun dugo mo sa mukha ha? Tas upo ka mamaya para malagyan ko ng yelo yang batok mo. Kinakausap ko sya kahit alam ko naman na wala sa wisyo tong lalakeng toh.

Hmmm ungot parin nya. Sinimulan kong kumuha ng wipes para mapunasan yun natuyong dugo sa mukha nya. Sa malapitan ko lang na appreciate ang kagwapuhan ng nilalang na toh hehe. Those perfect pointed nose, eyebrows na tinalo pa ang akin. Ang mga la--labi nya na ang sarap kagatin este ang sarap pagmasdan hehe. Naku kelan ka pa Thaleia na matutong umarot hihi.

Matapos ang kalahating oras nalinis ko na ang mukha ni Blake ng hindi sya nagigising, tumigil na din ang pagtulo ng dugo sa perpekto nyang ilong ^__^. At sa loob ng kalahating oras na yun hindi parin sya nagigising, Aba! Napapasarap ata ang tulog nya sa kama ko ah. Hay naku, kung may makakaalam lang na andito si Montercarlo sa villa ko paniguradong lalong lalala ang mga balita tungkol sakin. At lagot na naman ako nito kay Ms. L, parang kanina lang sinabihan nya akong layuan si Blake, tas eto ako ngayon kasa-kasama sya, hindi lang basta kasama, nakahiga pa sya sa kama ko.


Mermaid for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon