PART 3

28 3 0
                                    

-beep-

-beep-

Narinig ko ang busina ni Ms. L sa labas ng bahay ko, kaya nagmamadali akong isuot ang sandals ko. Wala pa si Manang dito sa bahay kaya mejo magulo pa, ang nagiisang katulong ko sa bahay na tuwing umaga ko lang pinapapunta, i love living on my own that's the first reason kaya tuwing umaga ko lang sya pinapapunta then na second one is baka maweirduhan sya sa mga kilos ko. Tanging si Ms. L lang ang nakakaalam na sirena ako

I snap my fingers then in just a blink of an eye lahat ng kalat sa buong bahay ay naayos na, okey lang gumamit ng simpleng kapangyarihan, huwag lang ang kapangyarihan na nagtataglay ng lakas dahil  sa isang iglap ay matutunton ako ng mga kauri ko.

Bye everyone mahinang bulong ko sa mga kaibigan ko bago lumabas ng bahay. Alam ko namang maririnig nila ako.

Abo't tenga ang ngiti ko ng maabutan ko ang salamin ng back seat na nakababa at ang mukha ni Jacob ang nakita ko. Hindi na ito nakapagpigil at sinalubong ako ng mainit ng yakap.

I miss you ate Thaleia wika nito sakin sabay halik sa aking pisnge.

I miss you too Jacob sabay baling sa driver seat kung saan nakaupo si Ms. L, nakababa na din ang salamin nito at abot tenga din ang ngiti nito sakin.

Tara na? Tumango ako bilang pagsang ayon sabay hawak kay Jacob at hatid sa kanya sa back seat at pinag seatbelt ko sya. Then pumasok na ako sa tabi ni Ms. L

Buong byahe puro tawanan at kwentuhan lang ang ginawa namin. Dahil tinutukso namin si Jacob sa babaeng may gusto sa kanya, kaya nagkanda haba ang nguso nya at salubong ang kanyang dalawang makakapal na kilay.

J you're so cute wika ko dito sabay kurot sa pisnge na lalong kinasimangot nya hahaha

Ate I'm not a pup, handsome is fine with me =-)

Okey handsome come on, hold my hand and you're mama's hand

Habang naglalakad kami papasok ng mall ay hindi magkamayaw ang mga tao na tumitingin samin. Lahat sila ay malalaki ang ngiti habang nakabaling samin, pero ni isa ay walang lumalapit coz this is an exclusive mall, kaya dito ang gusto ni Ms. L para may privacy kami.

Pumasok muna kami sa isang fine dining restaurant dahil nagrereklamo na si Jacob na nagugutom na sya. Mom I'm hungry na wika nya kanina kaya pinaunlakan na sya ni Ms. L dahil sabi ko din na hindi pa ako kumakain before umalis.

Nakaupo kami sa may dulong pwesto ng restaurant. Inabot samin ng waiter ang menu. I want this one , and this one too mom. How bout you ate ?. Baling nito sakin ng mapansin ang pag nganga ko sa kanya haha Big boy na talaga sya, lakas na nya kumain. 

Le Burger Extravagant sabi ko sa waiter sabay baling kay Ms. L Ano sayo?

Wagyu Kobe Rib Eye Cheesesteak please ani ni Ms. L at umalis na din ang waiter.

Napuno ng tawanan ang pwesto namin habang hinihintay yun order. Then after 5 mins dumating na din kaya nagumpisa na kaming kumain habang simpleng kwentuhan nalang.

Nabaling ang atensyon ko na may mga pumasok sa restau. Na grupo ng mga lalake, 4 to be exact na may kasamang isang babae na naka lingkis sa matangkad na lalake na may matangos na ilong. Aba't teka si Mr. Chinito yun ah, napakagat labi ako habang pinagmamasdan silang inaassist kung san sila uupo.

Hey Thaleia are you okey ?

Y-yup tipid na sagot ko sabay baling ng atensyon ko sa pagkain. Psh. Ba't sya nandito. Tss what a question Thaleia well obviously kakain siya dito with his friends and girlfriend duh! Nakong sirena ka!  para kang loka loka kinakausap mo ang sarili mo..Stop it!

Ate do you have a boyfriend? Anak ng! Tanong sakin ni Jacob ng matapos na syang kumain. I'm sure hotseat ako sa kanya ngaun. Bumaling sakin si Ms.L na may matamis na ngiti sabay tango, hudyat na sagutin ko yun tanong ni Jacob.

A-ay ano wala pa e-este wala namula ako bigla sabay baling sa pwesto nila Mr. Chinito na malaki ang ngisi sakin. Oh God! Nakita nya ako at Naaalala nya?

Haha bakit ka namumula ate? Obvious ba ? Grabe T.T sana kainin na ako ng lupa.

Hey son stop that! Huwag mong asarin ang ate mo Pagsalo sakin ni Ms. L sa susunod na tanong ni Jacob.

Napainom ako ng tubig pero hindi nakaligtas sakin ang tingin nya kahit na malayo ang distansya namin. Ang mga kaibigan nya ay busy sa kwentuhan habang sya ay busy sa pagtingin sakin na may kasamang mapanuksong mga ngiti sa kanyang labi. Inaasar mo talaga ako ah! Habang busy ang mag-ina sa kwentuhan, binaba ko ang kanang kamay ko at tinago sa ilalim ng table. Napabaling ako sa waiter na dadaan sa tabi nila na may dala dalang mga wine at bucket of ice together with a glass water

Umbilrge I murmered at palihim na pagkumpas ng right finger ko sa ilalim ng table, it's okey to use some minor power =-) then walang kagahol gahol ang atensyon nyang nakabaling sakin kani kanina lang ay nabaling na sa sarili nya na basang basa dahil sa hindi sinasadyang pag out of balance ng waiter, dahilan para sumaboy sa kanya ang dala dala nito.

Oh my Gosh Blake! Patiling bigkas ng babae na kasama nila at dali dali dinampot ang table napkin at pinunas sa suit ni Mr. Chinito. Mukhang mahal pa naman ang damit nya.

Namutla yun waiter at dali dali din kumuha ng pamunas. At humingi ng paumanhin.

Be careful dude

Kami na bahala

Pumunta ka na sa trabaho mo wika ng mga kaibigan ni mr. Chinito at inalalayan nila si Blake kuno na halatang badtrip HAHAHA

Kahit ang atensyon nila Ms. L ay napabaling sa kabilang table. At halatang nagulat sa nangyare

HAHAHAHAAHHAAH umalingangaw ang tawa ko sa buong restaurant at ang lahat ng mga tao ay sakin naman napabaling ng atensyon. Gosh !

Dali dali kong hinawakan ang cp ko at pinapanuod ko kuno ang viral na video kung saan yun lalake ay nakatapak ng ahas at napahiyaw sa magkahalong gulat at takot nya.

Pinakita ko yun cp ko na nagpaplay ng video sabay sabing Nakakatawa dba ? HAHAHAHAHA

Ilang segundo din nawala na ang atensyon nila sakin pero si Ms. L at Jacob ay may malokong mga tingin. At hindi din nakatakas sakin ang matalim na tingin sakin ni Chinito aka Blake, problema nun ? hahahaha












Mermaid for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon