Chapter 1- Her life

7 0 0
                                    

Jai's POV


Jai Aileen Rodriguez nga pala, hindi ako maganda DYOSA lang. Hindi rin ako sexy, HOT lang. Well, ako yung tipong headturner, nakakapaglaway at at at.. SPEECHLESS. *o* Well, 16 years old hindi naman ako masama eh. Hindi rin ako GANGSTER o kung ano anong queen na nababasa nyo. Heto lang ako, hindi ganuon kayaman na gaya ng iba nyong binabasa pero mayaman ako sa kaibgan. Hindi rin ako yung may palasyo o mansion na gaya ng iba nyong nababasa simpeng bahay lang ang mayroon ako may bubong, pinto, bintana basta.

Normal na tao lang ako.

Wala rin akong Prince Charming na gaya ng nababasa niyong mayroon pang Knight and shining armor, kasi kaya ko namang protektahan ang sarili ko sa pamamagitan ng dustpan at walis.

May pamilya ako pero di gaya ng iba na control ang galaw ng anak nila, malaya ako sa magulang ko.

Ang masasabi ko lang, mayaman ako sa pagmamahal.

I love seeing everyone surrounds me smiling, nakakataba ng puso.

Sa public school lang ako nag-aaral kasi ayoko pahirapan ang parents ko.

May kapatid ako may kuya na lampa, adopted na kapatid na bunsong makulit. May kambal ako, kaso namatay na siya nung insidenteng iyon. Pero hindi yun naging dahilan para magpaka-down ako.


Sa isang simpleng paaralan, highschool student ako na kung saan marami akong kaibigan. Pero hindi sila lahat totoo. May mga ibang pilit akong sinisira at ang iba naman hindi natutuwa sa tagumpay na nakakamit ko. Wala naman akong ginawa sakanila na dapat nilang ikagalit kasi alam ko sa sarili ko na ISANG TAWAG LANG NILA NA JAI ANDYAN AGAD AKO TO THE RESCUE.

Pero thankful parin ako kasi may mga totoo parin sakin.


Hindi naman ako ganoon katalino para hangaan ng lahat.

"Jai, may problema kaba? Ang lalim naman ng iiniisip mo." si Sceven, kaibigan kong TOTOO.

"Ha? Ako may problema? Sus, wala ata sakin yan!" sabay akbay saknya at sinakyan siya na naging dahilan para matumba kami.

"Aray naman! Ang bigat bigat mo kaya!" Sabay tayo namin at habulan.

Nang nakaramdam kami ng pagod, agad naman kaming umupo sa sahig ng corridor.

"So anong balita sa plastik?" napakunot-noo akong tumingin sakanya.

"Sila." napa-ahh nalang ako sa sinabi kasi sa totoo lang hindi ko alam.

Ginulo niya ang buhok ko sabay tayo at naglaro ng basketball.


Minsan talaga hindi mo maintindihan ang mundo, sometimes you want to be love pero kapag nandyan na bigla bigla kang aayaw kasi nalaman mong MASAKIT PALA AT MAHIRAP.

Kaya mas masarap parin sa feeling ang ikaw ang minamahal.


'girl look, ang emo niya na naman oh!' Girl 1

'Nagmamaganda kamo' Girl 2

'malandi naman kasi siya' Girl 1

'yah right, nasa loob ang kulo niyan!' Girl 2


"Pag hindi pa kayo tumigil sasaksakin ko ana kayo 3 times, PROMISE!" pasweet at nakkaatakot na boses ni Ina. My super duper girl friend forevs!

Sabay ng takbuhan ng mga babae ang hagalpak na tawa namin ni Ina.

"Nagpapa-api kana naman, gaga ka talaga!" sabay irap sakin.

"Ayoko lang ng gulo, kapag pinatulan ko yun lalo nilang ipagduduktukan sakin ang mga salitang hindi totoo." napa-ngiti nalang siya at yumakap sakin.

"Nga pala, may assignment kana ba?" ask ko sakanya at iling naman niya.

"Kuha mo nalang sa bag ko yung notebook kumopya kana. Pagagalitan ka nun ni ma'am sige ka!"

"Thanks bessy!" pagkatapos niyang makipag beso beso sakin, tumakbo narin siya sa loob.


Ang ganda talaga ng ngiti ni Ina, ang sarap titigan.




******************************

Author's Note:

Hi guys! May idea naba kayo sa babaeng yun? Naiimagine nyo naba?




She's just a GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon