Melody 2

9 1 1
                                    

Chapter 2: Once Upon a Bump unto Him

-Zayin's POV-

"Okay lang ba sa inyo na dito nalang?" tanong ni tita Dona. Kaibigan s'ya ni mama at s'ya ang may-ari ng apartment na 'to.

"Oo naman." tango ni mama sa kanya.

"Ito lang talaga kasi ang bakante since wala na talagang umuupa dito dahil nakakapagod daw mag-akyat baba." paliwanag ni tita.

Well, I find the place comforting. Sobrang homy ng ambiance. Nasa rooftop ng talong palapag na building ang maliit na pent house na ito kaya siguro walang gustong umupa.

Overall, maganda ang kabuoan ng apartment. May maliit na sala, kitchen, kainan, comfort room, at dalawang bedroom. May mga kagamitan na rin dito at konting mga appliances dahil yung huling umupa raw dito dati ay 'di na dinala ang mga gamit n'ya nung umalis ito. Mukhang mayaman din daw.

Nung umalis na si tita Dona ay nagsimula na din kami ni mama mag-ayos ng mga gamit namin. Pinili ni mama yung kwartong malapit sa kitchen para daw mas malapit doon pag magluluto s'ya. At ito ako ngayon sa magiging kwarto ko. Mukhang ito din ang naging kwarto nung unang tumira dito dahil may mga gamit pa. Base sa kagamitan ay mukhang lalaki ang may-ari.

May nahagip ang aking mata na isang bagay na nakapatong sa mesa malapit sa bintana. Ibinaba ko sa sahig yung mga dala ko at tinungo ang bagay na yun. Curious talaga ako kung ano yun. Nang makita ko ito ng malapitan ay nanlaki talaga ang mga mata ko.

"Omo!" napasigaw ako ng mahina. Kinuha ko ito at pinasadahan ng tingin sa ibabaw ng palad ko.

"Mukhang original 'to ah." excited kong sabi. Wala naman kasing ibinibentang ganito sa kahit saang merchandise store. It's really one of a kind. I sit down in the cushion na nakalatag sa sahig habang sinusuri pa rin ito.

"Omo! It's Ford's badge! Kyaaahh!" napatili ako sa nalaman ko. Kay Ford pala ang badge na hawak ko. It's his badge symbol. Nag-iisang design lang ito. Every member of the boy band group Galaxy Mates have their on badge symbol.

"Zayin! Anong nangyari sayo??" humahangos na pumasok si mama sa kwarto. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Sumigaw ka kasi kaya akala ko napano ka na." hinihingal n'yang sabi habang nakahawak sa dibdib n'ya. Napangiwi ako.

"Ah? Wala yun ma. May ipis kasi kaya napasigaw ako dahil sa gulat." alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Okay." she inhaled. "Naku! Pinakaba mo ko bata ka."pagkasabi n'ya nun ay lumabas na din s'ya.

Ibinuka kong muli yung mga palad kong naitikom ko kanina nung pumasok si mama. Tinitigan ko ulit ito.

'I wonder, sino kaya yung taong nag-rent dito dati? Paano kaya s'ya nagkaroon ng gan'to?' sa isip-isip ko.

The next day ay maaga kaming nagising ni mama. Naisipan naming pumunta sa pinakamalapit na Seven Eleven para bumili ng makakain. Hindi pa kasi kami nakakapag-grocery. Maybe mamaya siguro. Kagabi ay sa labas din kami kumain ng dinner.

Nandito na nga kami ngayon sa loob ng store. Kasalukuyan akong namimili ng chocolates dahil fovorite ko talaga 'to. Nahirapan pa ako sa paghahanap dahil malapit sa pinakadulong bahagi pa ito. Si mama naman ay 'di ko alam kung saang bahagi naroon. Ang alam ko lang ay namimili s'ya ng kakainin namin.

Nang makakuha na ako ng sa tingin ko ay sapat na kaya kong ubusin ay nagpasya na akong pupunta sa counter. Doon ko na din aantayin si mama dahil s'ya ang mgbabayad. Ngunit ganun nalang ang pagkabigla ko ng paglingon ko ay may mabangga ako. Hindi pala ako ang bumangga, kundi s'ya ang bumangga sakin. Mukhang nagmamadali ata. Muntik pa akong matumba, buti nalang nahawakan n'ya ako sa balikat kaya 'di natuloy.

"Aish!" mahina n'yang sambit pero narinig ko pa rin. Ako naman ay napakurap-kurap lang. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil sa hoody ng jacket n'ya at may cap din s'yang suot.

Kinabahan ako ng maghubad s'ya ng jacket at walang pasabi akong hinapit ako sa baywang palapit sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Isinandal n'ya ako sa cabinet ng mga chocolates at itinukod ang isa pa n'yang kamay malapit sa ulo ko. I feel his body over me and it mades me froze. Hindi ko maintindihan kong anong gagawin n'ya.

Ganoon nalang ang paglaki ng mga mata ko nung tumingin sakin ang estranghero. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makakilos. I'm stiff like a statue.

"Ssshh.." mahina n'yang sabi sa harap ko. Nasinghap ko tuloy ang mabango n'yang hininga.

Sobrang kinakabahan talaga ako dahil ang lapit-lapit ng mukha n'ya sa mukha ko. Maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na s'ya. And that thought made me to gulp. Mukhang napansin n'ya yun dahil nakita ko s'yang nag-smirk. O baka namamalikmata lang ako.

May mga babae akong nariring na nag-uusap sa 'di kalayuan. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapann nila dahil ang buong atensyon ko ay nasa lalaking kaharap ko ngayon. Magkatitigan kaming dalawa. Ang naririnig ko lang ay ang malakas na kabog ng puso ko at ang sa kanya. Nakahawak kasi ako sa matitipuno n'yang dibdib and it adds shivers to my body. His masculine scent also smells so good.

"For-" sa wakas ay nahanap ko na din ang dila ko. Ngunit ganoon nalang ang paglaki lalo ng mga mata ko ng pinutol n'ya ang sasabihin ko gamit ang labi n'ya. He kiss me. He kiss me in the lips. He cut the word I'm going to say by a kiss. He actually cuts me by kissing in the lips. And I was like a statue by the moment with wides eyes open.

U

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon