Chapter 1: New Beginning
-Zayin's POV-
"I got all i need when i got you and I
I look around me and see a sweet life
I'm stuck in the dark but you're my flashlight
It's getting me, getting me through the night
Kick start my heart wheen you shine it in my eyes
Can't lie, it's a sweet life
Stuck in the dark but you're my flashlight
You're getting me, getting me through the night
'Cause you're my flashlight
You're my flashlight"~
Tinapos ko na ang ginawa kong pagkanta. Every weekend ay pumupunta ako dito sa park malapit samin para kumanta. Ginagawa ko ito to entertain people na namamasyal dito. It's my free will to do this thing, pero may mga tao talagang nagbibigay ng any amount of cash dahil natutuwa raw sila sakin. Tinatanggap ko nalang din dahil malaking tulong din ito samin ni mama.
Matapos kong mailigpit ang gitara ko sa case nito ay sumakay na ako sa bisikleta ko at tinahak ang daan pauwi. Lagpas alas kuwatro na din kasi. Kelanga ko ng umuwi dahil marami pa akong gagawin sa bahay.
Ako nga pala si Zayin Yu. But you can call me Zy for short. Nag-iisang anak ng aking ina na si Zarina Yu. Kung tatanungin n'yo kung sino ang aking ama? Ang sagot ko ay hindi ko rin alam. I am an illegitimate child. Mula nung ipinanganak ako sa mundong ito ay hindi ko na nakilala kung sino ang tatay ko.
Hindi pa man ako nakakalayo sa park ay may nahagip ang mga mata ko na nakapagpatigil sakin. Seven weird species. I mean, seven weird boys. Base kasi sa mga tindig nila ay mahahalata na agad na mga lalaki sila kahit balot na balot sila.
Ang weird lang talaga nila. And when i say weird, kakaiba talaga sila. Pero hindi sila alien, nor monsters, nor ghost, at hindi din sila engkanto. Nakasuot kasi sila ng hoody jacket at parang sinadya talaga para itago ang mukha nila. Naka-suot din sila ng face mask at aviators.
'Hindi ba sila naiinitan?' sa isip ko. Weird isn't it?
Napatingin sa gawi ko yung isa. Nanlaki ang mata ko nung tinanggal n'ya yung aviator n'yang suot at tumingin sakin. Mukhang may sinabi s'ya sa mga kasama n'ya dahil napatingin din sila sakin.
"Omo!" bulalas ko. Kinakbahang nag-pedal ulit ako sa bike ko. 'I need to get out of here. Baka masasamang tao yung mga yun at kidnapin ako. Wala pa naman kaming pera para pantubos sakin. Baka patayin ako. Paano nalang si mama'
Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Bumaba na ako sa bike at pumasok sa maliit naming gate. Itinabi ko sa may gilid ang bisikleta ko at pumasok na sa loob ng bahay.
"Ugh." I groan. Ngayon ko palang naramdaman ang pagod sa katawan ko. Pero napangiti din ako dahil marami naman akong napasayang tao ngayong araw.
Pumanhik na ako sa kwarto ko para mailagay yung mga dala ko. Nagbihis na din ako ng pambahay.
Mga bandang alas sais ng gabi ay naka-uwi na rin si mama. Tapos na din akong magluto ng hapunan namin.
"Ma!" sinalubong ko s'ya sa may pinto at binigyan ng halik sa pisngi.
"Maupo muna tayo nak. May sasabihin akong importante." seryoso n'yang sabi kaya kinabahan ako.
Samu't saring bagay na ang pumapasok sa isip ko dahil sa sinabi ni mama. Nang maka-upo kami sa sofa dito sa maliit naming sala ay nagsalita agad ako.
"A-ano yun ma? M-may sakit ka ba? Nagpacheck-up kaa na? Anong sabi ng doctor? M-malubha daw ba? M-ma?" kinakabahan na talaga ako.
Mukhang naweirduhan ata si mama sakin. Hindi na nga siguro maipinta ang mukha ko dahil sa kaba. Nagtatanung ang ekspresyon ng mukha ni mama at 'di nagtagal ay tumawa s'ya.
"Hahaha. Naku! Bata ka. Wala akong sakit." napakunot noo ako.
"Iba 'to. Haha. It's a good news for you." nakangiti s'yang tumingin sakin. Napasimangot naman ako. Napakaseryoso naman kasi n'ya kanina kaya akala ko bad news.
"Ano naman yun?" napanguso ako.
"Pupunta tayong ***** city. Tutuparin natin ang pangarap mo." mahina n'yang pinisil ang pisngi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. My mother knows about my dream. Alam n'yang pinapangarap kong maging singer/songwriter someday. And she's supporting me.
"Omo! T-totoo??" 'di ko maiwasang ma-excite.
"Yes anak. I want you to achieve your dreams." medyo nag-crack ang boses ni mama kaya niyakap ko s'ya.
"Thank you ma." pinipigilan ko rin ang sarili kong maluha.
"Anything for you baby." humigpit ang yakap n'ya sakin.
"I love you ma." hinigpitan ko din ang yakap ko sa kanya.
"I love you too anak." sagot n'ya na nakapagpangiti sakin.
"Pero teka nga ma." humiwalay ako ng yakap sa kanya. Kunot noo naman s'yang tumingin sakin.
"Paano ang trabaho mo dito? Paano 'tong bahay natin?" inilibot ko pa ang tingin sa kabahayan bago tumingin ulit sa kanya.
"Tungkol sa trabaho ko? Settled na lahat. Nakapag-resign na ako at may nag-aantay na ring trabaho sakin doon." napatango nalang ako sa sinabi n'ya.
"About naman dito sa bahay, wala tayong dapat alalahanin dahil hindi naman ito maglalayas habang wala tayo." natatawa n'yang sabi kaya napatawa rin ako.
Kinabukasan nga ay lulan na agad kami ng bus patungo sa distinasyon namin. Sobrang excitement ang nararamdaman ko. Sa buong byahe ay nakapikit lang ako pero hindi natulog. Nakikinig lang ako ng mga kanta ng EXO sa ipod ko. I am a kpoper myself.
Napamulat ako ng biglang mawala ang headset sa tenga ko. Kinuha pala ni mama.
"Nandito na tayo." sabi n'ya at nauna ng tumayo.
Tumayo na din ako at isinukbit sa balikat yung strap ng guitar case. Kahit saan ako magpunta ay hindi ko kinakalimutang dalhin itong gitara ko. Importanteng bagay ito sa buhay ko. Kinuha ko na rin yung bag ko at bumaba.
I inhaled hard ng makababa ako. And exhaled right away. Napangiti ako habang nililibot ng tingin ang buong paligid.
'This is it. This is the new beginning of another chapter of my life.' sa isip-isip ko.
BINABASA MO ANG
My Melody
Ficción GeneralZayin was just a simple girl who dream to become a singer/songwriter someday. From a simple town, her mother decided that they should move to the city to achieve her dream. Her mother introduce her to the SMA company. She became a trainee while she...