"Crystal ,Christ bilisan niyo na diyan baka malate kayo sa school niyan."
"Opo mama malapit na po."
sigaw sa akin ng anak kong si christ na nasa kwarto habang nandito naman ako sa kusina para ihanda ang almusal nila.Kinder na sila sa isang public school na malapit sa amin at first day nila sa school kaya ayoko silang malate."Mama look bagay sakin yung uniform ko!"
Sabi naman ng bagong sulpot na si crystal.
"Oo nga ang pretty naman ng princess ko." Pagsakay ko naman,suot niya ay isang blue uniform na parang bestida na bumagay sa maputi niyang balat.
Nakita ko naman ang unico hijo ko na tahimik na nakikinig samin. Sa kanilang dalawa kasi si crystal yung pinaka bibo na kabaligtaran naman ng kuya niya.
"Oh sige na kain na kayo para makapasok na kayo."
Pagkatapos nilang kumain, inihatid ko na sila sa school nila at binilinan na huwag maghihiwalay at huwag sumama sa iba,ibinilin ko rin sila sa teacher nila.
Ako naman ay papasok na sa trabaho ko. Isa akong waitress sa isang cafe kapag umaga at janitor naman sa isang call cented company kapag hapon.
Todo ang pag hahanapbuhay ko dahil hindi biro ang pagpalaki ng dalawang bata lalo pa't nag uumpisa na silang mag aral.
Hindi biro ang pagiging single mom sa dalawang bata,pero wala akong pinagsisihan na dumating sila sa buhay ko. Sila ang natatanging kayamanan ko sa buhay at walang sino man ang makakakuha sa kanila mula sa akin.

BINABASA MO ANG
Prologue:Perfect Disaster
General FictionI never thought that I will be happy with the disaster that came to my life. Sa lahat.ng kamalasan na dumating sa buhay ko meron pa ring konting swerte.Akala ko habang buhay na akong mag- isa pero nung dumating siya sa buhay ko naging kumpleto ulit...