Flashback
"Uy! Girl hinihintay ka ng prince charming mo sa labas." Agad naman akong napatingin sa labas ng classroom dahil sa sinabi ng bestfriend kong si Rica. Kasalukuyan ko kasing inaayos ang mga gamit ko.
"Hayaan mo siyang maghintay diyan hmp."
"Naku pakipot ka pa halata namang kinikilig ka, sige ka pag hindi mo pa pinanasin si Clive aagawin ko siya sayo."biro sakin ni Rica.
"Subukan mo lang RicA at sasabunutan kita" pabiro ko mamang sagot.
Bigla naman kaming napatingin sa harap namin ng makarinig kami ng pagtikhim,hindi namin napansin na nasa harap na pala namin si Clive.
"Oh sige friend una nako sayo tutal may kasabay ka namang umuwi.Ingat kayo." Paalam ni Rica sakin.
"Are you ready to go?" Tanong naman sakin ni Clive pag kaalis ni Rica.
Himdi ko siya pinansin at diretso kong inayos ang gamit ko kahit ayos naman talaga,akma na akong aalis ng pigilan niya ko.
"Hey, why are you avoiding me?"
" Ewan ko sayo,tabi nga diyan uuwi na ko. Ulyanin!"
Talaga bang nakalimutan niya kung anong araw ngayon? Fifth monthsary namin ngayon eh,akala ku pa naman magiging masaya araw ku ngayon pero di pala. Bigla naman akong napapitlag ng yumakap si Clive sakin mula sa likod ko.
"Hmmn I think I know the reason of tantrums of my beautiful girlfriend haha."
" Tigilan mo ko Clive ah, mainit ulo ko kaya pwedi ba bitawan mo ko."
Pilit kong inaalis ang pagkakayakap sakin ni Clive ng Bigla naman may lumitaw na cute na teddy bear sa harapan ko.
"Happy monthsary to the most beautiful girlfriend in the world.I love you Ana."bulong ni Clive.
Hindi ko alam kung anong sasabihin,buong akala ko kasi nakalimutan na niya.Nagising lang ako ng halikan niya ko sa labi.
" Arent you gonna say something."
Dahil di ko alam ang sasabihin,hinalikan ko nalang siya sa labi at yinakap ng mahigpit.Ang saya ko talaga ngayon,hindi kasi sweet si Clive.Every monthsary lang namin o kaya kapag may kasalanan siya sakin siya nagiging sweet.Pagkatapps noon ay kumain lang kami sa Greenwich favorite ko kasi doon kaya pinagbigayan ako ni Clive.The whole date namin ay masaya kami ni Clive.
Nagising ako sa pagmumuni- muni ng sitahin ako ng boss namin.
"Hoy hindi kita sinu-sweldohan para mangarap,kaya kumilos kilos ka diyan."
"Sorry po ma'am." Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, aalis ako dito,pero kailangan kong magtiis para sa mga anak.Lunch break na ng mapag- desisyunan kung puntahan ang mga anak ko sa school nila.
Nakita ko silang naghihintay sa isang bench sa playground,mukhang naramdaman nila na may nakatitig sa kanila at lumingo lingon,ngumiti sila ng makita ako at tumakbo papunta sakin.
"Mama" sigaw ni Crystal habang tumatakbo.
"Careful baby, baka madapa ka."Agad naman siyang yumakap pagka lapit sakin,ganon din ang kuya niya.
"Gusto niyo bang kumain sa Jolibee baby?" Sabay naman silang umiling na ikinataka ko.Alam ko kasing favorite nila don eh.
" Mama sa bahay na lang po tayo kumain,mahal po doon eh tsaka mas masarap luto mo mama."sabi ni Crystal
"Oo nga po mama,sayang po pera natin kung sa jolibee tayo kakain."tuloy naman ni Christ.Masaya ako na kahit mahirap kami ay lumaking mabait ang mga anak ko.Sa mura nilang edad naiintindihan na nila ang sitwasyon namin.Sa kabila ng mga kamalasan na dinanas ko noong nasa sinapupunan ko sila meron pa ring swerte.Kaya sana wala ng dumating na problema samin.
Vote. Coment. Share.
BINABASA MO ANG
Prologue:Perfect Disaster
General FictionI never thought that I will be happy with the disaster that came to my life. Sa lahat.ng kamalasan na dumating sa buhay ko meron pa ring konting swerte.Akala ko habang buhay na akong mag- isa pero nung dumating siya sa buhay ko naging kumpleto ulit...