Rumor

8 1 0
                                    

[AN/ Omaygash sorry for the long update! Hehezz nagexam kasi kami kaya medyo nag focus ako sa studies ko btw eto na po! Enjoy! xx atsaka dedicated po ito kay Kate Doronio old classmate ko mag update na daw kasi ako hahahahahha labyu kate~ ❤️💞]
----------------------------------------------

Austin's POV

Hello. Austin here again! Namiss niyo ba ako? Haha. Malamang hindi, sorry na fc ko e.

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung mag dinner kami ni Miss President.

**Flashback**

Jusko ang tagal ni Miss President heeeyyy nekeeee. Habang palingon lingon at patingin tingin sa wrist watch ko. Napayuko na lang ako at pumikit baka naman siguro hindi na dadating na yun.

"Excuse me-" bigla ko namang inangat yung ulo ko dahil babae ang nagsalita. Pagka-kita ko, yung waitress lang pala ng resto. Akala ko naman siya na.

"Yes?"

"May order na po ba kayo Sir?" Tapos hinanda na niya yung ballpen at papel na parang susulat na.

"Ahm, I'm sorry miss pero may hinihintay pa a-" bigla namang naputol yung sasabihin ko ng biglang sumulpot sa likod ng waitress si Miss President.

"Sorry late hehe" she giggled. Ang cute ..

"Sir? Excuse me? Mag o-order na po ba kayo?" She asked then smiles.

"Yes Miss may I have your menu?" Bigla namang sabi ni Miss President at nag drawing pa sa hangin na hugis square para sa menu.

At inabot naman ng waitress ito at nakatayo parin siyang naghihintay sa order namin.

"Gusto ko neto, neto, eto din, pati eto" Yan ang binibigkas niya habang nagtuturo sa menu halos lahat naman na ata orderin niya ha?

"Ako Special Carbonara na lang" tapos sinarado ko na yung menu book. At umalis na din ang waitress.

"So, ano pag uusapan natin? 'Mister Vice President' ". Ang pode nun ah? Hahahah di bagay sakin!

"Di bagay Miss President!" Nahihiyang sabi ko sakanya kasi di naman talaga bagay ang ganyang tawag sakin e.

"Just call me Austin please" pagmamaka-awa ko. Nagtaka siya pero bigla naman akong nginitian hahahahah ang cute!

Tapos dumating na bigla ang order namin at nagsimula na sa school matter talk.

After 1 hour

Natapos na kami sa pagkain at pati sa paguusap busog na kami. Nakita ko siya na nakahawak sa tiyan niya na halatang busog na busog dahil sa facial expression niya.

"Gusto mo tubig?" Tanong ko sakanya at bigla naman siyang sumagot ng oo at nag please pa. Tumawag ako ng waitress para makahingi ng tubig.

Uminom siya at pumikit tapos huminga.

"Ano, A-Austin" medyo nahihiya pa siguro siya sa pagbigkas ko kaya di pa deretso.

"Bakit po? Miss President?"

"Ano kasi, it's already 6:45 pm. I need to go home na e. Salamat sa treat ha .."

Tapos tumayo na siya tinignan ko naman siya at nginitian. Tumawa ako ng mahina

"Hmm, busog ka tsaka ihahatid na kita baka mamaya e mapahamak ka pa" tumayo na rin ako sa pwesto ko "Let's go" nabayaran ko naman na rin yung bill ng kinain namin kaya wala na akong nakalimutan pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mister Second PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon