hello! This is my first ever story =)))) sana magustuhan niyo ^^
vote/comment ^^
**
"tch. nakakainis talaga! bakit ba pag nagtuturo yung teacher namin sa math walang pumapasok sa utak ko?" >__<
Kasalukuyan kaming nasa math subject ngayon. 4th year student na ko at syempre kahit hindi ako magaling sa math proud akong sabihin na nasa section A ako. ^__^v. marunong naman ako sa ibang subject no!
"Ms. Kitkat Sandoval! lumulutang nanaman yang utak mo jan, hindi ka nanaman nakikinig sa klase ko! kaya madalas kang hindi makarelate sa topic e!"-Mrs. Valencia
Ayun! nahuli nanaman akong hindi nakikinig sa klase niya. hindi na lang ako sumagot dahil nagpatuloy na ulit siya sa pagtuturo niya, pero dahil sa nasigawan niya nanaman ako buong atensyon ng klase, na sakin nanaman. -__-"
"psh. idiot"
mahina niyang sabi, pero rinig na rinig ko pa ding sabi ni Cloud. kasi naman sa likod ko siya nakaupo. kainis talaga tong lalaking to e. kung di lang talaga kitang matagal ng crush e. huwaaaa!
siya ang pinakamatalino sa klase namin. malamang siya ang top 1 namin psh. lagi niya na lang akong binubulungan ng idiot. ang yabang talaga! pero aaminin ko gwapo siya at matalino, heartthrob pa. masungit nga lang. mehehehe :D
"uy sis, ok ka lang ba?"-yannie. bulong niya sakin. seatmates kami e ^^
"oo naman, sanay na ko."-ako.
since hindi na ko nakakatiis sa kaka-idiot ng idiot ni cloud, yari siya sakin mamaya! eeerrr! di porket crush ko siya papalampasin ko yung mga sinasabi niya.
>>> fast forward
lunch time
pinauna ko muna si yannie sinabi ko naman sa kanya yung dahilan kung bakit hindi ako makakasabay sa lunch. syempre naiintindihan niya yun at nakasupport siya sakin. HAHAHA.
"sige sis! kaya mo yan! hindi ka niya dapat ginaganun e. di na kita tutulungan sis alam ko naman moment niyo na yan ni fafa cloud. hahaha" XD-yannie
"OA mo naman sis -___- di ko siya kakausapin para sabihing crush ko siya no!"- ako
"haha joke lang. sige na sis! una na ko ha. bye! goodluck"
sinundan ko si cloud ng palihim hanggang sa makarating kami sa garden ng school nagtago agad ako sa gilid, wala kasing tumatambay dito masyado kasi tong malayo sa mga room, nakita ko siyang umupo sa bench at nagbabasa ng libro. O//////O
kyaaaaaa!!!!! >__< ang gwapo ni cloud-- teka ERASE ERASE Kikat! hindi ka pumunta dito para lang titigan siya!
"magdamag ka bang tatayo jan para titigan ako? baka matunaw ako nyan?"-cloud. tumayo siya saka tumingin sakin.
aba't ang kapal lang ng fes ni kuya ha?!
"hoy hindi a! andito ako para kausapin ka! nakakainis ka!" nilapitan ko siya tska ko hinampas ng hinampas yung braso niya.
"lagi mo nalang akong sinasabihan ng idiot! waaaa! porket matalino ka lang tska gwapo tska crush kita-- ay patay!" napatakip na lang yung dalawang kamay ko sa bibig ko. nakakahiya ka kitkat! aish ayan kase ang daldal mo. T__T
"HAHAHAHAHAHA! grabe kitkat! epic yang mukha mo!"-cloud
O///////O
huwaaaa T__T di na ko nakapagsalita feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa mukha ko.
nagulat na lang ako nung hinawakan ni cloud yung dalawang kamay ko. then he whispered on my ear.
"you're so cute when you are blushing kit, i love you idiot."
tapos niyakap niya ko ng mahigpit. ^____^
--END--