Chapter Two

3 0 0
                                    

George's POV

"Fortalejo, bakit ba kasi kailangan akong kasama lagi sa mga lakad mo ha? Kulang nalang pati pag punta mo sa cr isama moko eh."reklamo ko sakanya habang nasa sasakyan kami papuntang gym para sa practice nila.

Buti nga at naisipan niyang dumaan sa drive thru ng isang fastfood chain para makaorder ako dahil gutom na gutom nako at nagrereklamo na pati mga alaga ko sa tyan. Tss. Haha.

"Ends, sa higit isang dekada na nating pagkakaibigan bakit ba ngayon ka lang nagrereklamo na lagi kitang kasama ha? Edi ba dati na natin tong ginagawa. Alam mo praning ka talaga."sagot niya sakin habang nagdadrive at habang sinusubuan ko siya ng fries.

"Eh alam ko naman yon. Pero diba kasi ang ganda nung tulog ko eh. Tapos gigisingin mo lang ako dahil sa basketball practice na yan na wala naman ka amor amor. Diba fortalejo?"

"Eh sa gusto ko nga makita mo ko lagi naglalaro ng basketball eh."tapos ay sumulyap siya sakin ng seryoso.

Kinabahan ako, ewan ko. Para bang may gusto siyang iparating sa mga sinasabi niya kahit tungkol lang naman sa basketball yon. Okay george right nababaliw ka na talaga. Stop thinking stupid things. Shzz

"O-o na. Alam mo ikaw para kang ewan eh. Tama mo na drama mo. Eto na oh kasama mo na ako. Ang certified julalay mo for the day."tapos ngumiti ako sakanya ng pagkaluwag luwag para mawala ang hangin na kanina pa bumabalot sa paligid namin..

"Good. You know, you really have to watch me kasi sabi ni Josh sakin. Malakas daw ang makakalaban namin this friday eh. From other schools daw. So dapat andon ka sa araw na yon. Para makita mo kung gaano kagaling maglaro ang bestfriend mo. Diba?" At kinurot niya ang pisngi ko.

"Tss. Wow. Ang lakas naman ata ng hangin ng aircon mo Mr. Mvp at nilipad ang utak mo. Superb yabang ends."at niroll ko ang super mega ganda kong eyes para may arte hahahahaha. Joke!

"Hoy anong mayabang? Hindi ako mayabang no. For your information Ms.DL, sadyang magaling lang ako."with matching kindat na halos ikapula ng buong mukha ko at sinabayan niya ng tawa niya na parang naging musika sa tenga ko.

Tinitigan ko si Jeoff, paano kaya kung hindi naging malalim ang naging samahan namin? Siguro hindi ko masyadong makikita ang side niya na ito. Ang pagiging pilyo kapag wala sa harap ng ibang tao. Pag kami dalawa kasi nakikita ko kung sino talaga siya, kung anong mga hilig niya sa buhay at kung anong mga pangarap niya. Dahil sa harap ng ibang tao kabalitaran siya sa lahat ng yon. Na kung hindi mo siya kilala. Siya ang pinakamisteryosong tao at tahimik na tao. Bumalik lang ako sa wisyo ko nung tinapik niya ang pisngi ko..

"Hoy nanaginip ka ba ng gising o sadyang masyado lang gwapo ang nasa harap mo? Hahaha."salita niyang nagpabalik sa akin na nasa kotse parin kami.

"Baliw. Iniisip ko lang kung bakit madaming nagkakagusto sayo eh hindi naman makinis mukha mo! Hahahahaha."turo ko sa mukha niya

"Kapal ng mukha neto kala mo maganda."at inihinto niya ang sasakyan sa parking lot ng school na ang ibig sabihin ay andito na kami."Tara na nga at mapapagalitan nanaman ako ni Coach at late nanaman ako. Tagal kasi gumising"

Rinig kong sabi niya pero masyado ng malabo ang dulo dahil masyado na siyang malayo sakin dahil sa pagmamadali niyang makaabot sa practice. Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya.

Pagkarating ko ng gym ay agad kong narinig ang pagtalbog ng bola at ang boses ng mga babaeng nagcheer cheer sa Walter's kahit practice palang, isali mo pa dito ang fangirls ni Jeoff Fortalejo. Tss. Feeling pogi.

Bilang bestfriend don ako sa pinakadulong upuan sa taas umupo. Ayoko umupo sa harapan tulad ng gusto lagi ni Jeoff dahil ayoko ang maging tagasalo ng mga hiyawan at tili ng fangirls niya dahil mahal ko pa ang tenga ko. Ayoko mabingi no. Hahahahaha.

Habang nakaupo, hinanap ng mata ko si ends at agad ko naman siyang nakita. Siya ang may hawak ng bola habang ang iba ay dumedepense para hindi siya makapuntos.

Aba ang bilis magbihis ng kumag ha. Parang nakapantalon kapa kanina ha ngayon naglalaro ka na dyan sa gitna.

Sa bawat shoot ng bola ni Jeoff ay kasunod naman ang hiyawan ng mga fangirls niya.

Kala mo naman makasigaw ang mga to mamamatay na!

Bulong ko isip ko. Dahil hindi ko alam kung naiinis lang ako o may halong selos dahil sa dami ng babae na pinagnanasaan siya. Isa na ako! Hahahahaha!

Tumingin naman si jeoff sakanila at kumindat pagkatapos ay ngumisi.

Tragis tong hayup na to! May pa ganyan ganyan pa eh mukha naman siyang aso. Kala mo fortalejo! Humanda ka sakin!!!

At dahil sa nangyare ay halos mahimatay ang lahat ng tao dito sa isang side ng gym dahil sa ginawa niya. Hayy superb oa ha!

Nakita ko naman na tumingin siya sa akin ang nagkunot ang noo niya, malayo siya sa akin pero sa bigkas ng bibig niya naintidihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Bakit andyan ka?"

"Pakealam mo! Bleehh!" sagot ko sakanya

Feeling ko naman ay nainis siya at napraning pero hinayaan ko nalang. Tumingin nalang ako sa gilid niya at nakita andon si Stephen, ang isa sa mga kaibigan ni jeoff at kateam mate niya din. Well, sige na nga. Isa din siya mga crush ko. Bukod kay jeoff. Hihi!

Nakita ko namang nakatingin din sakin si Stephen at kumuway with matching ngiti na nagpahulog sa kalahati ng panty ko. Wait kapa kapa muna ako! Baka tumagilig ang panty. Pero laking pasalamat ko at nakapantalon ako at makapit siya.

Sinuklian ako ng ngiti with beautiful eyes ang akin reply sakanya dahil feeling ko ang ganda ko at kinilig ako. Wag nga kayo. Kinilig ako eh! Hihi

Pagkatapos noon ay isang malakas na paghagis ng bola ang nakita ko. Tumigin ako sa gawi ni jeoff na nakasimangot sakin at tumingin kay steph at nagwalk out.

Ha?! Anong nangyari doon?! Niregla siguro yon. Pero kalahati ng utak ko nagsasabi na baka nagseselos si Jeoff ng dahil sa nakita niya. Pero hindi. Dahil isang bagay lang ako sigurado dahil hinding hinding magseselos si Jeoff dahil hindi niya ako mahal. Dahil nasa ibang bansa ang mahal niya at hinihintay niya yon hanggang ngayon....

----------------------------------
I am really sorry sa matagal na di paguupdate guys. I know. Kasi nagisip talaga ko kung tutuloy ko pa ba siya or what eh. Pero dahil may isang taong nakabasa neto ang pinursige akong ipagpatuloy kahit chap 1, 2 and 3 palang eto. Para sayo itutuloy ko! Thank you! Thank you!

Kahit feeling ko hindi pasado sa taste ng iba tong story ko pero atleast nabasa niyo thankful po ako. Maraming salamat po!

Makakaasa kayo ng madami pang updates at mahahaba pa para naman makabawi ako. Loveyou guys!

-Qbee💓

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best friend's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon