Chapter One

32 1 0
                                    


[George's POV]

"ENDDDSSSSSSSSSSS!!!!!!"

Ayy. Butiking tanga. Ano ba yan!!! Natutulog yung tao eh. Sino ba yung kumag na nambwibwisit umagang umaga. Hayyyyst!!

"ENDDDDSSSS!!! GISING!!"

Ano ba yan!!

"HOY. KUNG HINDI KA NA MAKATULOG MAGPATULOG KA!!"sigaw ko. Humiga ako at tinakpan ang tenga ng unan. Patuloy padin siya pag katok ng akala mo masisira na ang pinto ko. Tssss.

"HOY GEORGINA MENZY ROXAS MEDINA! BUBUKSAN MO ANG PINTO O BUBUKSAN MO?!" sigaw niya. Paktay. Buo na ang pangalan ko buong buo. At kilalang kilala ko na kung sino yan. Si Jeff. Ang bestfriend ko.

Tumayo ako ng padabog na naglakad papunta sa harap ng pinto. Binuksan ko at tenen isang malakas na batok ang natanggap ko sa isa kong mabutihing bestfriend. Bakit ba kasi umagang umaga andito to bwisit!!!!!

"Aray ko! Bakit ka ba nambabatok ha? At bakit umagang umaga nandito ka at nambubulabog?"singhal ko sakanya.

"Eh loko ka pala eh. Sinong hindi mambubulabog dito eh kanina pako naghihintay sa sala. Yung isa sa katulong niyo kanina pa daw kumakatok pero di ka daw nagigising. Ano ka ba! Nakalimutan mo na ba? Sabado ngayon may practice kami. Kailangan mo ko samahan don." Nakasigaw niyang sabi pagkatapos ay umupo sa kama.

"Ngayon ba yun? Malay ko ba. Tsaka practice lang yun Ends. Ano naman gagawin ko don? Di mo ko katulong."sagot ko sakanya.

Tumabi ako sakanya sa dulo ng kama at humarap. Tumingin siya sakin at humiga sa lap ko.

"Ends. Kailangan kita doon. Ano ka ba. Para ka namang baliw eh. Dalian mo na. 9 ang practice naman. 8:00 na."nakapout na sabi niya. Tss.

"Oo na sige na. Maliligo nako. Hintayin mo nalang ako sa sala. Bilis na. Labas na. Chupi chupi."itinayo ko siya at tinulak palabas ng kwarto ko.

"Okay. Pakibilisan ends." At sinarado ko na ang pinto.

Kinuha ko ang towel ko at dumiretso sa banyo. Kahit inaantok pa ko. Kailangan ko samahan si Jeff. Ang bestfriend ko.

Ako si Georgina Menzy Medina. 18 years old. Nagaaral sa Walters University. 3rd year nako sa kursong Civil Engineering. My dad, George Medina, one of the best business man in the country. Patay na si mom, Si Ina Medina. 8 years old palang ako nun ng mamatay siya sa sakit na lung cancer. Sobrang hirap samin mag adjust ni Dad nun. Kasi ang laking parte ni Mom samin. Kaya si Dad simula ng mawala si Mommy, nagfocus siya sa kumpanya. Ako laging naiiwan sa mga katulong noon pero ng dumating si Jeff sa buhay ko. Nagbago ang lahat.

Si Jeffrey Renz Fortalejo ang nagbigay kulay sa buhay ko nung namatay si Mom. My dad wasn't always here by my side. Even christmas or even my birthdays. Lagi siya wala at nasa ibang bansa para sa kumpanya. Kaya nung dumating si Jeff hindi nako laging malungkot noon. Naging magkaibigan kami nun. Pag umiiyak ako. At malungkot andyan siya para pasayahin ako. Lumapit sila noon sa tapat ng bahay namin noon. Galing ibang bansa. Sa bawat ginagawa namin lagi kaming magkasama. Parehas kaming third year at kumuha ng CE at nag aaral sa Walters University. Kasali siya sa varsity ng WU at team captain ng Walters. Ang kanilang basketball team.

Ako? Ako ang rank one ng Engineering department. Matalino ako at dean's list kahit mayaman kami. Mas gusto ko yun para maging independent sa sarili ko at hindi ko dinedepende ang pag aaral ko sa apelyido namin sa mundo ng mga business. Kaya nga ako kumuha ng kursong hindi konektado sa bussiness eh. =))

Daldal ko ba? Ts. Nilalamig nako. Nakapagbabad nako sa shower kaka kwento sa inyo. Chikadora kasi kayo eh.

Nagbalot ako ng robe at lumabas ng banyo. Kumuha ako ng pants at sweatshirt. Malamig lamig nadin kahit maaga pa dahil Ber months na din. Pumunta ako sa harap ng salamin at nagsuklay. Mahaba ang buhok ko hanggang sa bewang. Nagpapagupit ako pero trim lang. Mas gusto ko ganitong mahaba buhok ko. Matangkad ako 5'7 kaya bitin kung titingnan ako sa pantalon na suot ko. Kinuha ko ang vans ko na sapatos at isinuot. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.

Okay na to. Maganda na ko. Mamahalin na din siguro ako ni Ends nito. Oo. Tama kayo. Mahal ko siya higit pa sa kung anong meron kami. Pero di niya yon alam. Wala din akong balak sabihin dahil ayoko masira ang pagkakaibigan namin. Hehe. Martyr ba? Tss. Oo na. Sige na.

Kinuha ko ang shoulder bag ko at cellphone at lumabas ng kwarto. Nagmamadali na akong bumaba dahil baka mabwisit na nanaman ang boss kong bugnutin.

"Ano ba yan ends. Ang tagal mo naman. Tara na. Malalate nako sa practice." At naglakad siya papunta sakin.

"Eh kasi sabi sayo di naman kailangan don. Bakit kasi isinasama moko doon. Im sure gagawin mo lang akong alalay don. Tss. Di pa nga ako kumakain oh. Nagugutom nako."nakapout kong sabi sa kanya.

"Aish. Wag kana kumain. Mamaya na tayo kakain. Libre na kita. Dali na. Kailangan kita doon ends."tapos hinila niya nako ako palabas.

Nagtataka kayo kung bakit ends ang tawagan namin? Siya ang nag imbentong kalokohan niyan. Hahaha. Galing sa salitang FriENDS. Kung bakit ends di ko alam. Hahaha.

Wala si dad. Nasa london. Mag oone week na siya doon at di ko alam kung kelan siya uuwi. Hayys.

Binuksan ko ang kotse ni ends at umupo sa passenger seat. Lagi naman eh. Pagkaupo niya agad naman niyang pinaandar ang kotse.

Hayyys. Goodluck! Magiging alalay forever ako netong bestfriend ko. Gutom na ko.

------------------------------------------------------

Hihihi. Nameet niyo na sila guys. Si George at Jeff. Hihihihi.

UD agad agad. Dont worry. Hahahaha. Votes and comments guys.

Follow me. Read my other story. The Queen Bee's First Love.

My Best friend's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon