CHAPTER 10

99 15 25
                                    

Heart's POV

"Naku Cupid, iho. Mabuti naman at naisipan mong dumalaw samin dito ngayon." sabi ni sister.

"Namili po kasi ng supplies yung mga staff ng resort nila Ezra sa bayan. Minabuti ko nang dumalaw dito." Nagmano pa si Cupid bago sagutin ang matandang madre.

"Pagpalain ka ng Diyos iho. Kumusta naman sila? Matagal- tagal na namin kayong hindi nakikita." magiliw na tanong ng madre.

"Okay lang po. Medyo naging busy na rin kasi. Pasensya na po kayo sister." may chance dim palang maging mabait tong si Cupid?

"Ay hindi problema yun. Ano ka ba. Ang importante ay naisipan mo kaming bisitahin ngayon." nakangiting tugon ni sister.

"Ay may kasama ka pala iho." ngayon lang ata ako nakita ni sister. Nasa bandang likuran kasi ako ni Cupid habang nag-uusap sila.

"Ay opo sister. Siya po si Heart. Heart, meet sister Ana " pagpapakilala sakin ni Cupid.

"Hello po sister. Magandang hapon po sainyo." Nakangiti kong pagbati at nagmano na rin.

"Pagpalain ka ng Diyos. Ang gandang bata mo iha."

"Ay naku! Hindi naman po sister. Hahaha!"

"Ikaw ba ay girlfriend nitong si Cupid?"

"Ay naku hindi po!"

"Sigurado ka ba iha?"

"Hindi nga po eh." Nang tiningnan ko si Cupid ay tumaas ang isang kilay nito.

"Hahaha! Ikaw naman. Joke lang yun!" tinawanan ko lang si Cupid sa reaction niya. Hahaha!

"Hahaha! Mapagbiro ka pala iha." sabi ni sister.

"Di naman po. Hihi."

"Ngayon lang kasi nagdala ng babae yan dito."

"Ohw. So mga lalaki lang po ba?" natawa naman si sister sa sinagot ko.

"Tama na yan." Eto talagang si Cupid, napaka KJ!

"Hahaha. Oh siya tayo na sa loob. Siguradong matutuwa ang mga bata." sabi ni sister at nauna ng pumasok sa may gate na nasa gilid ng chapel.

Nandito nga pala kami ni Cupid sa St. Mary's. Isa siyang bahay ampunan. Isang foundation na itinayo pala nilang magkakaibigan. Hindi ko nga lang alam kung sinu- sinong mga kaibigan. Basta ang sabi lang sakin ni Cupid, silang magbabarkada daw ang nagpatayo neto. Si Ezra lang naman yung sinabi sakin ni Cupid. Kung sabagay siya lang din naman ang kilala ko. Hahaha!

Ay basta! Sabi niya, madalas daw silang magkakaibigan dito sa San Felipe noong nasa college palang sila. Sa private island daw kasi ang tambayan nila pag gusto nilang tumakas sa college life. Tapos palagi silang napapadpad dito sa bayan. Dahil nga sa mahilig sila sa adventures daw, kung saan saan na sila umaabot sa pagbabike. Kaya naman minsan ay nakita nila etong chapel at nakilala sila sister Ana.

Agad daw nilang nagustuhan ang paligid kaya palagi na silang bumabalik dito. Sabi pa nga sakin ni Cupid ay pumupunta pa sila dito para magsimba. Dagdag pogi points na sana yun kaso sabi niya sakin kaya daw sila nagsisimba dito noon ay para i pray ang nanganganib nilang grades. Hahaha! Bulakbol pala tonh si Cupid noon.

Naisip ko lang, sa komting panahon na nakilala at nakasama ko si Cupid, medyo marami na rin akong nalaman sa kanya. Nakakatuwa ngang isipin, alam kong masungit siya pero may side din pala siyang malambot. Tulad neto. Haaaay! Lord, tulungan niyo po sana ako. Baka di po ako makapagpigil at magahasa ko si Gg mamaya pauwi. Hahaha!

"You okay?" tanong sakin ni Cupid. Hindi ko namalayan na tumabi na pala siya sakin. Nasa may reception area kasi kami. Hinihintay namin si sister.

"Yeah." nakangiti ko namang sagot.

MY RIGHT KIND OF WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon