"I-break na Yan!" (one shot)

410 18 15
  • Dedicated kay PUP Singles
                                    

Note: First of all, I would like to thank PUP Singles sa pagpayag ni admin ‘Kara na ilagay dito yung pinost nila last Apr. 11, 2013 na naging inspiration ng one shot na ito. You rock, guys! 

Huwag niyo ring seryosohin dahil bunga lamang ito ng malikot na kalandian ng utak ko at nawa’y magustuhan niyo.

 ***

“I-break na Yan!”

 

It was already 11:50 in the evening at online pa rin ako sa fb. Wala lang, nag-eenjoy rin kasi ako sa pagbabasa sa wattpad kaso tumigil na rin ako at tumingin ng newsfeed sa fb bago matulog. Katatapos ko lang din kasi magtype ng kung anu-anong story na naiisip ko. Pampalipas oras kumbaga.

While I was scanning the page, nakita ko yung post ng PUP Singles (group po ito ng mga Single ‘raw’ o kaya yung mga feeling single lang). Kung gusto niyo palang ma-update sa mga status nila o kaya ay single kayo, just search the name and like their page.

Ayun na nga, nabasa ko yung status nila. Ito yung post nila:

“We have a friend, problematic sa bf nia. Kasi si guy, not to say malandi pero parang ganun na nga.. Nakita kasi ng friend ko, ung messages ng guy.. ung mga goodnight daw po tas may then, may isang girl, na friend daw nung guy dati pa.. may mga message sila with i love you's. Sabi namin friend namin, kausapin nia.. Kinausap nia.. then ung guy daw po, nagsisi daw, sabi sa kanya. Kaso, same story goes.. super close padin sa kung sinong babae na kaibigan. Sabi namin sa friend namin, tama na, lokohan nalang naman. Ano po sa tingin nio ung dapat niang gawin?”

 

Andaming comments. Eto yung iba. Itago na lang natin sila sa mga codename:

“KinagandaKoTo101: Agree ako dun! Hahaha.”

 

Yung totoo ateng? Kinaganda mo talaga ang pag-agree kahit hindi iyon ang sagot sa tanong? Isip isip din kapag may time! Nakakaloka! Well, isa pa lang yan sa comments.

Maraming boys na nagreact, actually. May in-add pa nga ako sa isa sa kanila eh. Hahaha! Gwapo kasi niya. Pero uy, wala yun ha! Nagandahan din kasi ako sa payo niya. Kayo ha, kung anu-ano ang iniisip niyo. Walang bahid ng kalandian yun. It just so happened na nagustuhan ko lang yung comment niya at saka..gwapo nga. Pero wala lang yun, promise! Kung ayaw mong maniwala, eh di 'wag!

“MysteriousGuy: I think the girl should focus on loving herself more. She deserves someone better.”

 

“AngelicFace: Aww" Makes sense di ba? Ganda ng comment mo teh! Oo, maldita ako. Halata naman siguro. Tapos eto pa yung isa.

“SayNoToDrugs: Maganda ba yung friend mo? Ako na lang sasalo sa kanya :)” The username speaks for the owner itself. As if namang gwapo siya. Duh?!

After nun, nagcomment ako.

“MasMagandaAko: I-break na yan! Walang kwenta yung lalaki. Dapat nga sa mga yan pinapatakbo sa kahabaan ng EDSA nang madala. Kaasar lang. Tsk!”

 

I strongly believe na kung mahal talaga siya nung bf niya, hindi siya masasaktan nun sa kahit anong paraan especially ang saktan siya dahil sa ibang babae.

Maya-maya, may nagcomment. Yung PUP Singles mismo.

“Grabe naman ateng! Huwag malupit sa boys. Kalma.”

 

Nagsimulang mag-init ang dugo ko. Ewan, basta naiinis ako sa mga ganitong issue eh. Lalo na kapag may third party. Asar lang. Sino ba itong admin na 'to?!

Kasi kung mahal talaga niya yung gf niya, hindi niya magagawang tumingin o lumandi sa iba. Di ba?! Sabihin na nating lalaki lang din sila. Tapos sasabihing confused? Mukha nila! Bakit, babae lang din kami. Wahahaha. Nakakaasar!

So, nagreply ako ng ganito: “Wala akong paki. Dapat i-break na niya yan bago pa siya masaktan ng tuluyan. Plain and simple.” Sadista ba? Sorry, ganito talaga ako. May pinagdadaanan din eh. Sabihin na nating halos parehas kami ng pinagdadaanan.

Maraming nagcomment after ko. Halos lahat sila agree sakin. Natuwa naman ang kagandahan ko dahil marami akong kakampi.

Nagreply ulit yung PUP Singles. “Everyone deserves a second chance. Why won’t you give him that chance kung mahal mo talaga siya? Gaya nga ng sinabi mo, lalaki lang din kami, babae lang din kayo. Ibig sabihin, lahat tayo hindi perpekto.”

 

May isa pa ulit silang comment.

“Kung ikaw nga nagagawa mong i-add ang kahit sinong gwapong makita mong magcomment dito.”

 

Medyo natigilan ako. Medyo lang naman. Tagos sa puso yun kasi totoo namang may in-add akong gwapo. Aba teka, pero galit pa rin ako. Pati ba naman personal na activity ko sa fb alam nila? Nagcomment ulit ako.

“Kung yung unang chance nga na ipinagkatiwala sa kanya ay sinayang niya lang, why would I give him second chance? Sasayangin niya lang ulit yun. And besides, I guess he’s now happy with that b*tch. Kunwari pa siyang namimiss ako. Mukha niya! Panget! And about dun sa pag-aadd ko ng gwapo, wala na siyang paki dun. Patas na lang kami.”

 

In-enter ko na yung comment ko. Kaso hindi pa ako kuntento kaya dinugtungan ko iyon.

“Kung mahal talaga niya ako, bakit kailangan niyang tumingin sa iba? Nagsorry nga siya, pero bumalik pa rin sa dating gawi. Tingin mo tama? Kulang ang salitang ‘I love you’ kung wala namang gawa.”

 

Mukhang mapapalaban ako nang wala sa oras nito. At mukhang kailangan ko na ring i-unlike ang page nila bago pa ako ma-report. Marami na ring comments at sa tingin ko, marami nang makakakita. Ayoko namang madagdagan ang kaaway bukod sa isang admin nito.

Masyado nang masakit sa dibdib. It’s as if ako yung pinapatamaan ng page na ito. Parang tutulo ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko gamit ang pamaypay na nasa tabi ko. Sayang ang tubig!

I was about to unlike their page nung may notif ulit ako galing sa kanila. Promise, after basahin yun, hindi na ako magcocomment at i-uunlike na talaga sila. Binasa ko yung comment.

“So I guess you’ve finally decided to break up with me. Sa konting challenge na ibinigay ko sa’yo, ganun na lang ba kadali para sa’yo ang sumuko sa’ting dalawa? Ngayon pang mahal na mahal kita? You are now free to leave as you wished.”

 

I guess it’s over. We’re finally over. I think I don’t have to unlike their page. Single na rin ako gaya nila. Totoong single na rin ang isa sa mga admin nila.

Naisip niyo ba kung sino yung couple na tinutukoy ng page nila? Oo, kami yun ng boyfriend ko. At yung boyfriend ko rin yung admin ng PUP Singles na nakasagutan ko.

Kagaya ng samin, hindi lahat ng love stories may happy ending. At some point, they're designed to end para makapagsimula ulit.

----------

-ilovemYOUsic

"I-break na Yan!" (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon