Jia's POV:
Habang naglalaro kami, hindi na namin naiwasan mag-inuman, syempre ilang buwan ba naman kami ‘di nag kita-kita, except sa kutong lupa na babaeng Stelle na ‘yon, araw-araw pinepeste yung buhay ko sa condi ko, ginawa akong errand girl. Kainis.
"Truth or dare tayo guys." Aya naman ni Gaile, nagkatinginan kaming lahat, paano va naman kasi, ngayon lang nag suggest si bakla.
"Wow, ikaw ba ‘yan?" Pangungutsiya ko naman at napatawa.
"Oh edi ‘wag na tayo maglaro." Sagot ni Seb.
"Luh, gagi joke lang, eto naman ‘di mabiro!" Depensa ko sa sarili ko, wow ha, overprotective yarn?
"Daming arte, tara na!" Insuo na sagot ni Callie.
Nagsimula na kami bumilog at kinuha yung walang laman na bote ng beer at nilagay sa gitna.
"Oh ganito, kung sino last na sumagot sya yung magpapa-ikot ng bote ah?" I instructed, may inasikaso kasi ako saglit sa may lamesa since medyo makalat, nakakahiya naman iwan yung mga kalat namin eh bahay na nga ni Arreana ‘to.
At pinagpala nga naman ng Panginoon, sa tabi pa ni Stelle yung natirang space, medyo kupal kasi ‘to si Callie, ayaw makipagpalit kasi gusto katabi si Maeve. Mga mag girlfriend nga naman.
Ang bitter ko talaga.
No choice naman na ako naupo sa tabi nya, hindi naman sa ayaw ko sya kasama ah, pero tangina kasi ni kupido sa lahat ng pwede kong magustuhan, sa kaibigan ko pa na kung maka asta eh kala mo naman lagi akong may kasalanan sa kanya, ang init ng ulo!
"Oh game!"
"Teka lang! Dapat yung ayaw magsabi ng truth or dare mag sh-shot ah!" Dagdag ni Callie, gago, mahina pa naman alcohol tolerance ko.
Nagsimula na yung game at si Maeve yung unang nagpa-ikot ng bote, tahimik lang kami parehas ni Stelle na magkatabi halos yung iba magbugbogan na kasi ayaw mag shot, ayaw din gawin yung pinapagawa, aba hayop talaga.
"Dali na kasi! Kingina neto tatawagan lang yung old crush eh!" Callie argued with Maeve napakamot naman ng ulo si Maeve sa pagkairita.
"Ano ba ‘yan, ‘wag kang tatabi sakin mamaya ah." Banta ni Maeve at nilabas ang cellphone nya at tinawagan yung old crush nya, yun kasi yung dare ni Callie kay Maeve.
Jusko, kahit in a relationship sila hindi halata, parang mag tropa lang eh. Chill chill lang ganernz. Actually, sa circle namin kami nalang talaga ni Stelle ang walang naging ka stalking stage, kahurutan, kalandian o kung anong kababalaghan, sabi nya ayaw nya raw yung galing sa school namin, ganda lang daw ang habol sakaniya.
Pagtapos naman ni Maeve, umikot na ulit yung bote at bless the lord, sakin natapat.
"Truth or dare?" Tanong ni Arreana. Napaisip naman ako ng saglit, kilala ko na ‘tong mga ‘to, baka kapag nag dare ako, katarantaduhan lang yung ipapagawa, kapag truth, jusko anong kababalaghan na naman yung itatanong.
Pero sige, bahala na nga.
"Truth."
"Yown, honest ah." Pangangasar ni Seb, inirapan ko naman sya at nag-isip na sila ng kung anong itatanong nila.
"Sa tingin mo, kung may feelings ka for Stelle, may chance kaya maging kayo?" Tanong ni Callie.
LETCHE TALAGA, DAPAT HINDI NAKO NAG TRUTH
"YUCK KADIRI" sambit ni Stelle at inirapan ako, syempre hindi ako nagpatalo.
"WOW, IKAW BA AKO?" Rebat ko naman.
BINABASA MO ANG
Spaces Between Us | Macolet #1 [UNDER REVISION]
Romance[PREVIOUSLY KNOWN AS "Piece of You"] What if the person you love the most starts to forget every piece of the life you've built together? To most people, the day Maeve Ricalde got into a tragic accident that left her traumatized and with severe amne...
![Spaces Between Us | Macolet #1 [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/368406517-64-k389413.jpg)