Jumbled Hearts (TAGALOG POEM)

103 2 0
                                    

DATI, akoy pinapansin mo.

Ngunit akoy patay mali na hindi tumitingin sayo

DATI, pangalan ko ang laging bukang bibig mo.

Ngunit ako hindi alam ang unang letra ng pangalan mo.

DATI,  niyayakap mo pa ako. 

Ngunit ako todo tulak sayo

Pero bakit Ngayon,

Mundo nati'y inikot

Puso nati'y binaluktot 

NGAYON ako namay lumalapit sayo 

Bukang bibig ang pangalan mo

Todo papansin sa harapan mo

Bumebwelong makalapit sayo

At tumitingin sayo mula sa malayo

Kasama ang mahal mo.

Gusto ko mang bumalik 

Sa mga oras na AKO pa ang mahal mo

Humihiling na akoy makapasok

Sa puso mong busog .

Jumbled Hearts (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon