Kinakabahan ako.
Gusto kong maiyak sa mga oras na ito. Kaso hindi pwede. Kalalaki kong tao. Nakakahiya. Ang dami pa man ding tao sa paligid.
"Jane..." 'Di ko napigilan ang paggaralgal ng boses ko. "'Eto na naman tayo. Nakakatawa naman. Hanggang sa huli pinahihirapan mo ako."
Nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti. Nakangiti nga ba? Alam kong marami rin siyang gustong sabihin.
"Nakakainis ka talaga ano? Naalala ko na naman tuloy n'ung nililigawan pa lang kita. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap para sa aming mga lalaki ang gumawa ng first move? Pero kita mo namang marunong ako manindigan. Hinahatid pa kita sa bahay. Tinutulungan. Sinasabayan. Nililibre. Pinagtyatyagaan. Lahat na. Kulang na lang umiyak ako ng dugo, lumuhod sa asin at pagsilbihan kita nang walang sahod. Pero ano'ng kapalit? Na-SISAZONED mo talaga ako n'ung sinagot mo ako nang, 'Ha? HAHAHAHAHAHA. BALIW.' Na-VIRGINZONED mo pa sa sinabi mong, 'Hindi pa 'ko ready eh.' Na-FRIENDZONED kasi dugtong mo pa, 'Sorry, pero I think we should just be friends.' At higit sa lahat, na BROTHERZONED mo dahil sa sagot mong, 'Para na kitang kapatid.' Pero sa kabila ng lahat, tinanggap ko 'yun ng buong puso, at mabuti na rin na hindi ako sumuko. Sadyang marami sigurong 'vengeful spirits' ang nakapalibot sa akin. After one year ng panunuyo, sinagot mo rin ako."
It made me reminisce. Natawa na siya nang tuluyan. Lalong hindi ko ma-contain ang emosyon ko. "Funny isn't it? Pero... Wala eh. 'Di ko in-expect na aabot tayo sa ganito Jane." Napakagat na lang ako ng labi.
"Rick naman eh. 'Di mo pa rin binabago 'yang ganyang ugali mo." Nagulat pa ako nang bigla siyang magsalita. "Everything about you is memorable. At hindi mo na kailangang ipamukha sa akin ang mga bagay na 'yan."
Hinwakan ko ang kamay niya. I felt the lump in my throat as she continues. "Alam mo kung gaano kita minahal at minamahal. Hindi biro kung gaano mo ako pinagtyagaan. Kung ilang kilo ng bigas ang inubos mo kasi takaw-tingin ako sa pagkain. How you tolerated my annoying habits, kahit na wala naman akong red alert. Ikaw ang pinakapasensyosong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko. Pero ngayon ko na-realize na ang dami rin pala nating katarantaduhang nagawa sa mga taong nakalipas na magkasama tayo. Iba na ngayon Rick. Iba na,"
Kitang-kita ko ang isa-isang pagbagsak ng mga luha niya. Kaya lang wala nang atrasan 'to.
"Pa'no ba 'yan? Tapos na tayo. I wish you the best Jane. I treated you more than just my girl. Thank you for being my confidant and my greatest challenge. Alam mo 'yan. Pasensya ka na kung hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-fulfill ang wish mo na itigil ko na ang pag-aadik sa computer games. At sana 'di ka na-offend n'ung sinabi kong 'wag ka nang magsuot ng maiksi."
"Hell yeah Rick. Tapos na talaga tayo. You've been my bestfriend all this time, and I always cherish that. You're a part of my life and will always be. 'Wag ka mag-alala 'di na ako magsusuot ng maiksi kung ayaw mo. Let's end playing around. Or not. Mahilig ka nga pala sa computer games. If you can't quit it then, May I be your player number two?"
A big smile formed on my face. 'Yung tipong ngiting nakadugas.
"No. You can't be. Para mo na ring sinabi sa aking maglaro ako ng Barbie. I can't play with you, 'coz I want to open another chapter of my life with you. Oo nga eh. Ang haba-haba na ng suot mo ngayon. Para kang madre habang nakabelo. Tapos mamaya... Susuotan na kita ng singsing."
At d'yan na nagsimulang magtilian ang mga tao na halatang nag-eenjoy habang pinapakinggan ang wedding vows naming dalawa.
"I, Jane, promise to love you kagaya ng pagmamahal ko sa credit card ko. Joke. Mahal na mahal kita Rick. Salamat sa lahat ng mga bagay. You made me feel safe when I'm scared, made me smile when I'm sad. Hindi ko alam kung natural na 'yang kabaitan mo. Sabagay, malalaman ko rin ang tunay mong kulay sa paglipas ng panahon. Walang pagkakataon na hindi tayo masaya kapag magkasama tayo. And I hope there will never be one chance. I take you to be my husband, the father of my children and best friend 'till death do us part."
"I, Rick, take you, Jane as my wife, my partner in life, and my one true love. Mamahalin kita ngayon, bukas at habang buhay. Sa'yo lang ako tatawa. Pramis ko 'yan sa'yo. Hindi kita iiwan through thick and thin. I vow to love you through the difficult and easy. I am looking forward to be a married man. Hindi na ito magiging buhay ko, kundi buhay natin. Pipilitin kong maging cool na daddy sa ating mga anak, at higit sa lahat, let's help each other in being the best parents that we can be."
Humarap na kami pareho sa minister. I can't explain my happiness as I see myself marrying the girl that I loved, and will love all my life.
"Rick Domingo, do you take this woman to be your lawful wedded wife, to live together in this holy state of matrimony? Do you promise to love, honor, respect, surrender your share of the blanket to, and cherish, in sickness and health, riches or poverty and will forsake all others and cleave thee only unto her as long as you both live?"
"I do." Sagot ko na may ngiti sa mga labi.
"Jane Enriquez, do you take this man to be your lawful wedded husband, to live together in this holy state of matrimony? Do you promise to love, honor, cook for, clean up after, relinquish the remote to your partner and cherish, in sickness and health, riches or poverty and will forsake all others and cleave thee only unto him until death do you part?"
"She does." Singit ko. Na nagpatawa sa lahat ng mga bisitang naririto.
"Umayos ka Rick." Kinurot niya ako sa tagiliran. "Anyway, I don't just do. I wholeheartedly do."
Natatawang naiiling ang minister na nagkakasal sa amin. "The ring is the symbol of the commitment which binds these two together. There are two rings because there are two people, each to make a contribution to the life of the other and to their new life together. Let us pray: Bless, O Lord, the giving of these rings, which they who wear them may abide together in your peace and grow in one another's eyes."
"I give you this ring, as I give you myself, with love and affection. Wear it in peace always." We both answered."Because Rick and Jane have desired each other in marriage, and have witnessed this before God and our gathering, affirming their acceptance of the responsibilities of such a union, and have pledged their love and faith to each other, sealing their vows in the giving and receiving of rings, I do proclaim that they are husband and wife in the sight of God and man. Let all people here and everywhere recognize and respect this holy union, now and forever. Rick, you may now kiss the bride."
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ko. Syet.
"WAIT! Ayoko pala."
Nagulat ako sa sinabi niya. I mean kaming lahat na naririto sa simbahan. Bumulongako, "Ano na naman ba?"
Binulungan niya rin ako, "I don't want you to just kiss me. I want you to make love to me."
"Save it for tonight Mrs. Domingo." I answered before I owned her lips.
The heck what our love story was, the ending is what's important - and we ended up together, forever.
THE END.
B_[