My Lists Vote
(Hello. Sana ishare nyo yungZAK'S POV
"Oo. Ikaw na ang bahalang pumili ng makakalaban." Kausap ko yung trainor ko habang nandito ako sa mall ngayon iniintay ang magaling kong kaibigan.
"Ikaw na ngang bahala." Napaharap ako ng may kumaway na isang babae.
Teka nakatingin ba sya dito?
"Sweetie!" sigaw nung babae habang kumakaway. Tumingin ako sa likuran ko pero salamin lang ang nandun.
Wow ang tindi naman nitong babaeng 'to. May pakindat-kindat pa syang nalalaman. Akala mo kung sinong maganda. Nakakainis talaga ang mga babae kahit kelan!
Tinalikuran ko na lang sya at bumalik sa kausap ko. "Ano nga ulit? May aswang kasi dito sa mall." Naiinis kong sabi ng naramdaman kong may biglang yumakap sa'kin.
"What the f*ck!" sigaw ko.
"I'll call you back!" sabi ko sa kausap ko.
Tiningnan ko ng masama 'tong babaeng 'to. Nakangiti pa. Suntukin ko kaya 'to sa mukha.
"Ikaw naman. Okay lang na PDA tayo. Namiss kasi kita agad. Ha – ha – ha." Mukhang ninenerbyos sya sa tingin ko. Aba dapat lang.
Teka! Ano daw? Namiss nya ako? Eh kung hindi ba naman baliw 'tong babaeng 'to eh.
Dahil sa asar ko inalis ko yung kamay nya sa pagkakayakap sa'kin. Sa higpit ng hawak ko mukhang nasaktan sya. Para syang iiyak.
"Excuse me mi – "
O.O
Baliw ba sya? Bakit sya nanghahalik? Iheadbat ko kaya 'tong loka-lokang 'to!
A-ano bang dapat kong gawin?
a. Suntukin sya
b. Suntukin sya
c. Suntukin sya
Bwisit ka talagang babae ka!
"Babe I think we should go!" sabi nung isang babaeng kasama nya.
Dahil hindi ko naman kayang manuntok ng babae itinulak ko na lang sya ng malakas tsaka ko pinunasan yung bibig ko. Nakakadiri sya! Ang kapal ng mukhang halikan ako!
"Wala akong sakit don't worry." Mayabang nyang sabi habang nakatingin dun sa umalis na babae kasama yung syota nya siguro yun.
Ano ba sa tingin nya yung ginawa nya? Papaalis na sya pero hinigit ko sya sa braso at tiningnan ng masama. Sa tingin ko palang mararamdaman na nya kung gaano ako kainis.
"Aray!" reklamo ng babaeng aswang na 'to at hinigit nya yung braso nya.
"You'll pay for that!" Itinaas ko yung kamay ko para sana sampalin sya pero bigla syang nanakbo.
"You can't run from me forever! I'll find you bitch! Magbabayad ka!" gusto kong manuntok ng kahit na sino.
"What was that?" pang-aasar ni Tuck na nakatingin sa'kin.
"What?" habang pinupunasan ko yung bibig ko.
Nagtatawanan sila.
"Ano bang sinasabi mo?" naiinis kong tanong sa kanya. "Kung tapos na kayo aalis na ko. Kelangan ko pang magtraining. Lalo na ngayon, gustong-gusto kong manuntok." Tumalikod ako at papaalis na sana.
"Wow dude ang ganda ng kuha mo ah. Tingnan mo ang mukha ni Zak nakakatawa!" sabi ni Luke.
Tumingin ako agad sa kanila at nakita ko silang lahat na natawa at nakatingin sa phone ni Val.