Die

14 1 1
                                    

"Oo ako nga! Ako ang kapatid ni Zia Rodriguez. Ang nirape ng mga junior student dito! Si ate Zia ay isang College Instructor na walang awang hinalay at pinatay ng mga putang inang junior students dito!!"

Ngayon ko lang nakitang ganyan kagalit si Nina. Narinig ko lahat ng sinabi niya.

Nina Rodriguez ang totoo niyang pangalan, hindi Nina Santos. At hinri rin daw siya mabait. Maling mali daw ang pagkakakilala ng mga taga North Eastern University sa kaniya.

Kaya daw niya ginagawa iyon eh para ipaghiganti ang ate niyang si Zia.

Pero 5 taon na ang nakakalipas nang kumalat ang issueng iyon. Pero hindi pa rin nahuhuli ang mga gumawa sa kanyang iyon na ang pinagbibintangan eh ang mga Junior Student sa school nato.

Biglang sumigaw yung babaeng nakaupo sa gitna at tumayo.

"Pero wala kaming kinalaman dyan sa sinasabi mo Nina!"

Bigla na lang siyang binaril ng isang babaeng naka black suit sa gilid.

"Ano!? May gusto bang magaya sa kanya?"

Napuno ang visitor's hall ng iyak at takot.

Habang ako, naririto pa rin sa may malaking poste nagtatago. Hindi ako umiimik o gumagawa ng ingay kahit na nagugulat ako kapag nagpapaputok sila ng baril o di kaya binabaril na nila sa ulo kung sino man ang maglakas ng loob na magsalita at tumayo.

Hanggang sa lahat ng estudyante ay sabay sabay na tumayo at sumigaw.

"Aaaaahhhhhhhhhhh..."

Isa lang ang direksiyon na gusto nilang puntahan.

Bakit sila papunta dito sa may malaking poste?

Omayy.

Ay tnga. Syempre dito malapit yung pintuan palabas.

Hanggang sa sunod sunod ang putok na baril pero hindi pa rin tumitigil ang mga estudyante sa pagtakbo.

Nang sumilip ulit ako.
Marami nang dugl sa sahig at mga nakahigang estudyante.
Sht

Pano ako? Mamatay na rin ba ako kasama ang mga inosenteng esrudyante ng North Eastern University!?

"Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang maka jam sina Sam Smith at Mariah Carey tapos gusto ko pang malibot ang mundooooo tapos magtatrabaho pako sa New York. Ayoko pa pong mamatayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!"

**K RRR IIIII NNNN GGGGGG**

Pagkabangon ko. Basang basa yung damit ko. Pati mukha ko, basang basa ng pawis.

Ano yun? Panaginip?

Nina? Science Camp?

Hindi totoo yun. Panaginip lang ang lahat.

Tinignan ko ang cellphone ko sa mesa na katabi ng kama ko.

Alas nuwebe na pala. Teka may text si Nina.

Nina: Hey Mau, todays the day! This is going to be the best SCIENCE CAMP ever! :)

Agad akong nagpunta sa school at sinabihan lahat ng juniors at senior na huwag ng sumali sa science camp ngayong taon.

Science CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon